18

12.7K 427 26
                                    

Ilang oras nalang at mag aalas syete na. Kanina pa tawag nang tawag sa akin si mommy Youmie. Ang sabi niya ay nagsimula na silang kumain at kami nalang ni Ago ang hinihintay. Pero wala pa si Ago. Kaninang alas tres pa ako dumating at wala pa rin siya.

Naglakad lakad na muna kasi ako at nag isip. Nasasaktan na ako ni Ago. Emotionally at physically. Totoong ang sakit na. Pero kahit anong gawin kong pakikipagtalo sa isip at puso ko ay talagang nadadaig nito ang pagmamahal ko sa kaniya.

Mahal ko siya.

Mahal na mahal.

At kahit anong gawin ko pagdaramdam dito ay napapalitan ito agad ng kung anong tibok ng puso ko. Lalo na pag nahahalikan niya na ako.

Mula nang lumabas ako kanina sa kotse niya ay di na ako bumalik kay Niel. Dapat nga siguro ay hindi na ako nakikipagkita sa kaniya. Napagtanto kong, kaya nagkakaganito si Ago ay dahil nagseselos siya.

Ilang beses ko bang inisip yun?

I sigh at sa pinto na sa harap ng bahay mismo ako nag abang.

Alas syete na.

Nihanda ko na ang kaniyang damit. Pati sapatos niya ay nilinis ko na kahit malinis naman na talaga iyon.

Hihingi ako ng tawad sa kaniya. Kung pwede ay luluhod pa ako para mapatawad niya.

Kahit saktan niya ako ulit.

Kahit parusahan niya ako gamit ang nakakalasing na halik na iyon.

Kahit anong sabihin niya masakit.

Tatanggapin ko, lahat lahat. Bobo na kung bobo. Tanga na kung tanga. Manhid na kung manhid. Wala naman akong magagawa dahil mahal ko siya.

Mahal ko siya.

Nagitla ako nang tumunog ang cellphone ko sa loob ng kwarto. Tumayo ako at tumingin na muna sa labas. May kotse kasing huminto sa harap ng bahay.

Nag isip ako kung ano at sino ang uunahin. Ring ng ring ang phone ko habang nag dodoorbell naman ang tao sa labas.

May kung anong kaba akong naramdaman. Tila nilalamig ang sistema ko.

Kung si Ago ang nasa labas panigurado ay di na mag do-doorbell yon.

Kung si Ago ang tumatawag isang beses lang dapat iyon.

Mainitin ang ulo ni Ago. Mainipin din siya. Ayaw niyang pinaghihintay.

I sigh at kinuha ang phone ko sa kwarto. At bago ko ito sinagot ay binuksan ko na agad ang pinto.

Pulis ang nasa labas.

(Tashia!! My god!! Si T----)

"Magandang gabi po. Dito ba nakatira si Mr. Thiago Lambert?"

Binaba ko muna ang phone at lumapit sa may gate. Mababa lang naman ang gate. Ganoon ang lahat ng mga bahay dito sa Village.

Bakit hinahanap siya ng mga pulis? Patuloy ang kaba sa dibdib ko.

''Opo. Pero hindi pa po kasi siya dumating. May kailangan po kayo?''

Tumikhim ang isang pulis at tumungo sa akin.

''Ikaw ba ang may bahay ng naturang pangalan?''

Nagitla ako. Hindi ko alam ang isasagot. Naagaw ulit ang pansin namin sa phone ko.

Ate Youmie calling...

''Misis -- ''

Gusto kong mayamot sa sitwasyon ko. Hindi ko alam ang uunahin ko.

I Am Not Yours - CompletedWhere stories live. Discover now