21

12K 378 15
                                    

''K - Kapatas! ''

''Sege sumigaw ka o papatayin kita? Ang laking bulas mo na Mariposa ah.''

Tumindig ang balahibo ko nang masilayan ulit ang ngisi na iyon. Binitiwan niya ako nang makapasok na kami sa loob nang bahay.

Dios ko..

''Wow! Ang gara! Balita ko kinasal ka na sa may ari nitong bahay na 'to? -- mana ka sa nanay mo, bata.''

''P - paanong...''

''Nakita lang kita kanina sa ospital. Kakamatay lang ni boss. Sinundan na kita.''

''P - pakiusap, wala akong akin sa bahay na ito. --- ''

''Konting halaga lang naman, Tashia. Bente singko mil lang muna. Ilang taon ka na ring hindi ko napagkikitaan. Magkaroon ka naman nang utang na loob sa akin. Ako ang bumuhay sa inyo nang nanay mong puta! Hah! ''

''Hindi pa k - kasi ako sumusweldo sa pinagta - trabahuan ko. Pangako, bibigyan kita.''

Agad akong lumuhod sa harap niya. Natatakot ako. Baka manggulo ulit ang taong 'to. Dios ko, bakit nagkakaganito ang buhay ko?

Pero napaigik ako nang sinabunutan niya ulit ako at hinila papunta sa mukha niya. Namilipit ako at dumaing.

''Tashia, ngayon kailangan iyon! --''

''Kapatas, h - hindi pa po -- aray!''

Nag uunahang dumaloy ang luha ko sa aking pisngi. Isang sampal ang binigay niya sa akin. Malakas iyon at tila nabingi ako. Humagulhol ako.

''Kilala mo ako Tashia. Bente singko mil lang.''

May nalalasahan na akong dugo sa aking labi. Sobrang lakas talaga noon dahil namahid pa ang aking pisngi.

''Wala --''

''Bwesit!''

Hinila niya ulit ang buhok ko at kinaladkad papunta sa may kwarto. Iyak ako nang iyak. Ang sakit na. Nag iinit na ang ulo ko. Gusto kong humingi nang tulong. Paano ba nakapasok ang taong 'to sa Village?

Pabagsak niya akong itinapon sa kama. Lalong akong nahintatakutan.

''Kung ayaw mong magbigay edi, pagbigyan mo na ako sa'yo! Mana ka talaga sa nanay mo! Mga yudepokpok kayo!!''

Tawa ito nang tawa habang tinatanggal ang sinturon nito.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi! Dios ko! Dios ko!

Umupo agad ako at hinarang ang dalawa kong kamay sa aking dibdib.

''Yung i - ipon ko! May ipon ako!!'' nanginginig labing usal ko sa kaniya at dali dali akong tumayo na.

Mabilis ang kilos ko at lumipat sa kwarto kung nasaan ang ibang gamit ko. May itinago akong pera doon. Mahigit kumulang ay mag te - trenta mil na din iyon. At kahit ilang taon kong pinag ipunan iyon ay wala na akong pakialam. Di bale na, kesa gahasain niya ako.

Nakaka takot na tawa ang ginawa niya habang nakasunod sa akin. Kinuha ko sa drawer ang kahon ko. Tig iisang libo iyon. Kaya nang kunin niya iyon sa kamay ko ay nagmukhang pera na ang tingin ko sa mukha niya.

''Bibigay ka din pala! Next month ay bente mil ulit kung ayaw mong mapahamak pati ang asawa mong baldado! Haha!''

Di na ako umimik peeo di pa rin siya nakontento. Sinampal niya ulit ako and this time ay dumugo na ang gilid nang aking labi.

Wala akong magawa. Wala akong kalabanlaban. Wala akong lakas para ipaglaban ang sarili ko.

Hinalikan niya ang pera at napuno nang halakhak niya ang kabuan nang bahay. Ilang saglit lang ay nasa kawalan nalang ang tingin ko.

Napaupo ako sa sahig. Tulala.

''Bakit naging ganito ang buhay ko?...''

Nanginginig ang boung mukha ko. Bakit hanggang nagkaganito ang edad ko ay patuloy pa rin ang dinadanas kong paghihirap?

Natagpuan ko ang sariling nahiga sa sahig. Iyak pa rin ako nang iyak. Di ko mapigilan, kasi kapag pipigilan ko ay hindi normal ang paghinga ko.

Ilang sandali ay bumangon ako at siniguradong sarado na lahat nang pinto. Natatakot na akong mapag isa. Anytime ay babalik at babalik ang taong yun at hihingan ulit ako nang kung ano.

Paano ko ba makakalimutan ang sadistang taong yun. Na kahit si nanay ay nakatikim nang pananakit niya. Kahit yung blower na para dapat sa buhok ay sa balat nang nanay niya ginagamit. Mainit iyon. Idinidiin niya iyon sa balat ni nanay habang nakagapos nang kamay at paa.

Siya iyong taong pilit akong binebenta sa mga lalaking kano.

Paano?

Sadya bang napakaliit nang mundo kaya nagtagpo ulit ang landas namin? Ang tagal na noon.

Napangiwi ako nang gamutin ko ang pasa na yun sa labi ko. Napaiyak ulit ako. Ang saklap.

Ako si Tashia Batonghinog. Mahirap. Inaapi. Battered child. Walang pamilya. At ang pinaka worst sa lahat ay walang nagmamahal.

Lalo akong nalugmok. Napaka walang kwenta bakit pa ako binuhay. Napaka walang silbi.

''Tashia? Nasaan ka?''

Ate Youmie? Natigilan ako. Kinakabahang  nilinis ko ang mga pinang gamitan ko na bulak. Kinakabahan ako. Klarong klaro ang namamaga ko pang labi.

Mabilis akong lumabas sa kwarto. Pero napanganga nalang ako nang nandoon din si Ago. Naka upo siya sa wheelchair at masungit na nakatingin sa akin. Nakasout na siya t - shirt at shorts. Kitang kita ko pa rin ang nakasemento niyang binti. May kung anong saya ang umusbong sa dibdib ko. Akala ko kasi ay matatagalan ang pa ang pag uwi niya.

Malapad ang ngiti ni ate Youmie pero agad ding nawaglit iyon nang makita ako. Kakapasok lang din ni sir Shiba dala dala ang mga gamit.

''A - Anong nangyari sa mukha mo? Bakit may pasa at sugat yan?''

Napasinghap ako.

''ah! Kasi po -- n - nadulas po ako kanina. --''

''Mom, you better get me back to the hospital. Ni hindi nga niya maingatan ang sarili niya.'' piksi ni Ago.

Nakayuko lang ako. Kasi nga kahit sanay na akong ginaganito niya ay nasasaktan pa rin ako.

''T, tumahimik ka nga. Ang daldal mo, yan lang ba ang maipapamana ko sa'yo?''

Tumawa si sir Shiba dito. Pero bigla ding semeryoso nang lumipad ang tingin nito sa akin. Nilagay nito ang mga dala at nilagay din ang mga kamay sa bewang.

''Ninakawan pala ang kapit bahay natin. The guards on duty are all fired. Talaga bang nadulas ka lang o dito nanggaling ang taong yun?''

Seryoso ang tingin ni sir sa'kin. Napalunok ako.

What if they found out that i'm lying? Siguradong mawawala na agad ang tiwala nila sa akin.

''T - Tashia, ano ang totoo?''

Balisa akong hinawakan ang damit ko. Bigla akong nakaramdam nang takot at kaba. Nanginginig ang kalamnan ko nang bumalik sa ala-ala ko ang ngisi at ang kaniyang malulutong na halakhak.

Dios ko! P-Papano kung babalik nga siya? Hindi lang ako ang sasaktan niya.

''Tashia? Bakit ka nanginginig? Shiba!''

''Tashia!''

Nanlabo ang paningin ko at tuluyan na itong nandilim.

Ayoko nang magising.

Sana hindi na ako magising.

-----

I Am Not Yours - CompletedWhere stories live. Discover now