7 kahit minsan

15.7K 460 9
                                    

Napikit ang mata ko nang makita kong nakangiti sa paglapit ko si Ma'am Bree.

''Kaya pala may pasalubong ako for you because you're the girlfriend pala. -- oy alam mo, pagalitan mo din minsan yang si Thiago, maraming babaeng dinadala sa bahay ko.''

Napangiwi ako. Eh, sa hindi nga ako ang girlfriend. Tinanggap ko ang supot na inabot niya sa akin saka nagpaalam na ulit. Kinakabahan ako. Ayoko munang basagin ang expectations ni maam Bree.

Tuluyun na itong nagpaalam sa amin ni ate Youmie kasama si Sir Gabriel.

Nang sundan ko sila nang tingin ay pakiramdam ko ang humina ang inog nang mundo. Pakiramdam ko ay lahat nang nasa paligid ko ay nag slow motion.

Kakalabas lang ni Neil nang sasakyan nito saka nakangiting tumingin ito sa direksyon namin. Magkakasalubong sila ni ma'am Bree. Napalingon naman sa kaniya ang amo ko saka tumigil sa paglakad.

''Goodevening po.'' Nakangiting sabi ni Neil.

Dios ko! Why is it happening to me? Lihim pa akong nagdadasal na sana hindi na siya magtatanong dito.

''Yes. Good evening din. -- wait lang, Gab. -- are you Thiago's friend?''

''Sunduin mo na, Tash.'' Bulong naman sa akin ni ate Youmie.

Nawala ang ngiti nang nobyo ko dito at tumingin sa akin. Agad akong humakbang papalapit sa kanila.

''Neil! Ah -- ma'am Bree. Classmate ko po siya.'' Hinihingal ko pang sabi sa amo ko.

Ngumiti ulit ang babae at nagpaalam na. Pinagpawisan tuloy ko.

''Classmate, huh?''

''Neil, pasenya na. Halika, may pagkain pa sa loob.''

Ngumiti ang nobyo ko, kahit alam ko naman napilitan. Hawak ko ang kamay niya nang pumasok kami. Yumuko siya nang konti kay ate Youmie nang nasa salas pa ito. Ngumiti naman si ate Youmie sa kaniya.

''Iho, congrats pala. Nasungkit mo talaga ang Magna cum-laude. Ay, nakakaproud naman kapag ganun. Tumuloy kana sa poolside. Nandoon ang pagkain at magpapahinga na kami nang mga bata.''

''Salamat tita.''

Napangiti ulit ako nang hawak kamay ulit kaming nagpunta nang pool side. Ang gwapo ni Niel ngayon kaya napapatingin dito ang ibang bisitang dalaga.

Nang makarating naman kami doon ay nasa kabilang gilid na ang boung barkada ni Ago. Pati sina Lalang nandoon na din. Okay na yun, alam ko kasing hanggang ngayon ay asar pa rin si Niel dito.

''Baby, kumusta ka naman dito? Napagod ka ba?'' Aniya nang maka upo na kami sa round table.

Alam kong nasa amin ang tingin nang boung grupo sa kabila. Nawala kasing kaninang nag gigitarahan at nagkakantahan.

''Okay lang ako dito, babe. Kayo? Naku, pakisabi sa mama mo na pasensya, kasi hindi ako natuloy.''

Nakokonsensya ako dahil hindi ako nakapunta sa kanila gayong ang mom na nito ang nag invite sa akin.

''It is okay, baby. Pero bukas hihintayin ka na namin sa bahay, alright?'' Then he gently smiled.

Lumabas tuloy ang dimple niya sa kanang pisngi.

''Sege, pupunta na talaga ako doon. -- ako nag bake nang cookies, tikman mo.''

''Baby, alam mo namang bawal ako sa cookies - - sweets..''

Natampal ko pa nang mhhina ang noo ko.

''Oo nga pala. Sorry.''

''Uhm, it's okay.''

I Am Not Yours - CompletedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin