13 'Gulong - gulo'

13.5K 397 12
                                    

Hot seat.

Wala na sigurong mas iinit pa sa kinalulugaran ko ngayon habang nakaupo na kaming lahat sa couch. Pinagpapawisan ako nang sang katerbang tubig na galing sa katawan ko. Hindi naman talaga mainit dahil alam kong fully airconditioned ang boung opisina ni Ago.

Magkanda kuba na rin ako sa sobrang yuko nang ulo ko. Halos hindi na rin ako makahinga sa sobrang sikip nang boung kwarto.

Nakakahiya!

Dalawang pares nang matang mapanghusga ang nasa harapan namin ni Ago ngayon. Hindi naman nagsasalita si Ago. Lagi lang buntong hininga ang naririnig ko sa kaniya.

''T, bakit mo naman hinalikan itong si Tash? May hindi ba ako nalalaman tungkol sa inyong dalawa? Umamin kayo.''

Mababa ang boses ni ate Youmie. Paano kung pati sa akin ay galit din si ate? Ayokong madis-appoint siya sa akin.

''Mom --- ''

''T, halos magkapatid na kayo --- ''

''Ofcourse not, mom! Kahit minsan ay di ko siya tinuring na kapatid.''

''Kaya mo ba siya hinalikan?! Aba, huwag mo akong pagtaasan nang boses, loko loko ka!''

Mariin akong napapikit. Walang salitang gustong lumabas sa bibig ko. Natatakot ako. Nahihiya. Hindi din nagsalita si maam Bree. What if she'll found out?

''Halos sabay na kayong lumaki. Alam mo bang ang saya ko dahil hindi ka nagmana sa ama, lolo at lolo mo sa tuhod? High school sila nang magloko. Nakapagtapos ka nga nang kolehiyo pero bakit si Tash pa? ---''

''Tss. It's just a kiss, mom.''

It's just a kiss. May kung anong tumusok sa dibdib ko dahil nakaramdam ako nang kirot.

''Mommy, okay lang naman iyon. Magnobyo naman sila.'' nanlaki ang mata ko sa sinabi ni maam Bree.

Nang tingnan ko siya ay nasa cellphone nito ang atensyon.

''Magnobyo?! -- Hiwalay na kayo ni Niel? Paano na si Babes, T? Kayong dalawa ha! Nalilito na ako sa inyo!''

''Who's that names, mom?''

Nagkatinginan kami ni Ago. Parehas pang nanlaki ang mata namin.

''Uhm -- ate, mga kaibigan namin. Mom naman, let's forget it. Bakit ba kasi kayo nandito?''

Bumuga ako nang hininga at binawi ang tingin sa lalaki. Alam kong ayaw niyang malaman nito ang totoo.

''Thiago sa panahon namin, kapag hinalikan mo ang isang babae ay dapat pakasalan mo. Total hindi mo naman pala inisip bilang kapatid si Tash ay pakasalan mo siya.''

''Really mom?! Oh my God!! Ring bearer ang kambal ko?''

Agad na binitiwan ni maam Bree ang cellphone at masayang hinarap ang ina niya. Masaya itong humawak sa kamay nang babae.

Habang ako ay di makaimik. Ano daw? Nang tingnan ko si Ago ay tiim ang bagang nito na nasa dalawa ang tingin. Ayaw niya. Tumingin ako sa dalawang babae at tumikhim.

''uhm -- Maam, ate -- kasi ano -- Kasi -- aksidente lang naman yung halik kanina ---''

''Oh dear -- sa natatandaan ko, hinalikan ka din ni T noong high school pa kayo. Noong graduation mo din ay nakita ko kayong naghalikan. Isn't that accident too?''

May ngiti sa labi si maam Bree. Lalo akong nakaramdam nang kaba. Nahuli niya kaming naghalikan noon? God! Ilang beses?

Tumayo si Ago na nasa bulsa ang kamay.

I Am Not Yours - CompletedWhere stories live. Discover now