14

12.9K 425 15
                                    

She's so stupid!

Aalis? Para ano? Para makasama ang walang hiyang lalaking 'yon?! Edi, putang ina nila!

---

''Mag-ingat ka doon, Niel. Di ba bawal sa'yo ang sweets? Eto may pabaon akong cookies pero gawa sa oats yan.''

''I'm gonna miss you, babe! I will make sure na kapag uuwi na ako ay mag papakasal na tayo.''

''Talaga? Hihintayin kita, ha?''

''of course! I love you. Sege papasok na ako.''

Ngiting ngiting humalik ang lalaki sa labi ni Tashia. Yumakap pa ito nang mahigpit bago tuluyan nang pumasok sa departure.

Lihim akong nag ngitngit. They're looked so sweet like a fuckin' love birds in my sight!

Matyaga akong nagmasid mula sa di kalayuan. Tamang tama para makita at marinig ang bawat salitang lumalabas sa bibig nila. Seems like they were saying good byes pero walang gustong bumitiw sa kanila. How sweet, right?

Nang tuluyan nang pumasok ang lalaki ay nangingiti namang kumakaway ang babae dito. So she's really inlove with this man, huh?

Hindi ko alam pero may kung anong nakadagan sa dibdib ko. Nakakaramdam ako nang poot at galit sa kanila. Lalong nagdadagdagan nang pagkamuhi ang nararamdaman ko sa kaniya.

I am still affected.

I am still into her.

I'm jealous.

Kailangan ko ulit na lumayo. Kailangan ko ulit na umiwas. Kailangan ko ulit na mag-isip.

Kailangan ko ulit na pigilan ang nararamdam dahil --

i just

-- hate her.

----

Pero walang hiyang tadhana! Bakit sa dinami daming maging sekretarya ko ay siya pa? Bakit sa ilang araw kong pamamalaging wala siya ay bigla na naman siyang susulpot at gigisingin ang nararamdaman ko?

At siya pa itong may ganang umayaw sa akin? Bakit? Dahil sa lalaking yun, na nangakong na pakakasalan siya?! Kaya siya aalis?  Kaya siya lalayo?! Umiling iling ako. Nawawala na naman ako sa sarili. Boung araw na akong wala sa sarili. And i want to take it all away.

Nilisan ko ang opisina nang alas singko. Nasa table niya pa si Tash at wala akong pakialam. Napansin ko pang nakatingin siya sa akin nang dumaan ako. Ni hindi ko siya binigyan nang pansin. Gusto kong maramdaman niyang galit ako.

Galit ako dahil pinamukha niya sa akin na aksidente lang ang lahat ng nangyari sa amin.

Pinamukha niyang ang lahat nang halik na yun ay puro un-intention lang.

Gusto ko talagang mapamura kapag naiisip ko 'yon. Napaka walang kwenta!

I really hate her.

I'll marry her.

Oo, papakasalan ko siya para malaman niya kung gaano ko din siya dis-gusto.

Bakit? Kasalanan ko ba kung bakit siya nagpapahalik? Dapat no'ng una pala palang ay umayaw na siya. Umabot pa sa point na halos may mangyari sa amin.

She want this. Ibibigay ko sa kaniya ang gusto niya.

Dumiretso ako sa bahay, sa bahay nina mom and dad. Gusto ko lang malaman kung seryoso si mom sa sinabi niya kanina.

Si Ysean ang nadatnan kong nasa salas. May hawak itong malaking maleta. Seryoso siya at tila galit na nakatingin sa kawalan.

''What's happened?''

Nalipat niya sa akin ang kaniyang tingin. Nagtataka naman ako nang nakatingin lang siya sa akin at tila dismayadong tumayo.

''Mom was crying. She's so disappointed in you, kuya. Ano ba kasi ang nangyari? Why'd she keep telling na paano ka magpapakasal kung wala ka pang ipon? I don't understand her.''

My jaw dropped. May ipon naman ako kahit ganito lang ako ay naisipan ko din naman mag ipon, ah.

I sigh. Lumapit ako kay Ysean at ginulo ang buhok niya.

''It'll be alright, Sean. Pupuntahan ko lang si mom.''

Tumalikod na ako at pumunta sa deriksyon papuntang kwarto ni mom. Pero ang sumunod na sinabi ni Ysean ang nagpahinto sa akin.

''Is it Tashia? Why her, kuya? Sasaktan mo lang din naman siya di ba?''

Nanliit ang mata ko sa klase nang tanong niya. Anong ibig sabihin nito?

''Wha - what?''

''I'm just eight. Pero alam ko na ang punto niyo. Sabi ni mom magpapakasal ka na kay Tashia dahil may nangyari na sa inyo, hwag mo nang ituloy kuya. --- sasaktan mo lang din naman siya, like before. -- Tashia is a kind of genuine lady, kuya.''

Gusto kong matawa. Eight? Walong taon lang ba ang isang 'to?

''Nasaan ang galang mo, Sean? Bakit hindi ate ang tawag mo sa kaniya? And you don't know everything so, shut up, okay?''

''Yeah right. I'm just the quite audience in your kissing scene, so okay, i'm gonna keep my eyes closed and mouth zipped. But please, just don't hurt her kuya.''

He hissed and walk out. Di ako makapaniwalang natawa. Ibang- iba si Ysean sa akin. Lahat nang sinasabi dapat pasabog ang dating na mabibigla ka nalang at wala nang masabi.

I shooked my head at may ngising naglakad papunta sa room nina mom. I was about to knock the door pero nagulat ako nang magbukas ito.

Nakangising mukha ni mom ang sumalubong sa akin. I thought she's crying?

''Ano? Nakuha mo na ba yung maleta mo?''

Nagsalubong ang kilay ko.

Maleta??

''Oo, maleta mo. Nasa baba. Lumayas ka na at magbanat nang buto. Ayokong pag mag papakasal ka ay sa amin pa rin ang gastos. Hoy! Thiago Godz Lambert! Ang laki nang muscles mo, pero bahag ang buntot mo! Mana ka sa daddy mo! -- ''

''Mommy! Stop it!''

Pinagpapalo niya ako sa pwet kaya iwas ako nang iwas sa kaniya. Ang akala ko kanina ay okay na. Ang akala ko ay titigil na si mommy sa kakadadak.

She's my mom! She's Youmie Eunice Lambert ang hyper na asawa nang daddy ko.

''Anong stop it?! Walang hiya ka talaga! Bakit si Tashia pa?! Inabuso mo ang ka inosentehan niya? -- hwag mo'kong takbuhan!''

Nanay ko talaga siya.

Nang makababa na ako sa salas ay hinihingal ako napameywang ayokong pinagagalitan ako ni mom.

At lahat nang 'to ay dahil sa kaniya! Shit! Nang makita kong papalapit na si mom ay hinarap ko siya.

''May ipon na naman ako. Nasa five hundred thousand mahigit naman  na ang ipon ko sa banko, mom. So stop acting na napaka happy go lucky ako like the Lords.''

Sina Lord Thor and Lord Loki ang ibig kong sabihin.

Bahagyang natigilan si mom at hinihingal din na umayos na.  Pasimple niyang pinulot ang kaniyang isang tsinelas at pinagpagpag iyon.

Nanlaki ang mata ko, alam ko na ang gagawin niya!  Damn! pero bago pa ako makailag ay tumama na ito sa mukha.

''Damn!''

''Walang hiyang bata ka! May ipon ka pala! Bakit hingi ka nang hingi sa akin para sa gastos doon, gastos dito!''

-----

-atebatch

I Am Not Yours - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon