4 'i will never forget'

17.5K 535 17
                                    

Ilang buwan nalang at ga graduate na ako. Ilang araw nalang at pwede na akong lumipat nang bahay. Sabi naman ni ate Youmie ay okay lang naman daw kung lilipat na ako basta ba uuwi pa rin daw ako sa kanila pa minsan minsan. Ang bait niya talaga. Sabi niya pa sa akin na tinutunuring niya na daw akong isang anak. Ang sarap sa pakiramdam noon.

Mula noong huling araw na nakita ko si Ago ay hindi na iyon nasundan pa. Sinampal ko siya noon at pinagsusuntok ko pa siya sa dibdib. Sa lahat nang sinabi niya sa akin na masasakit ay iyon talaga ang pinaka. Ipamukha ba naman sa akin kung ano lang kami. Ni hindi niya ako tinuring ka kaibigan o muchacha. Puno nang hinanakit ang dibdib ko sa kanya.

Wala nang Ago ang nanggulo pa sa akin. Wala nang Ago na humahalik sakin kapag bigo. Wala nang Ago ang nang bu - bully pa sa akin.

Ang sabi ni Lalang ay lumipat daw ito kay ma'am Bree at doon na nagpatuloy nang college degree. Ni wala akong alam kung ano ang dahil, siguro nga ay dahil hate niya ako. Hindi ko naman siya masisisi. Sampid lang ako at mahirap pa.

Ang hirap sa kaniya ay kahit wala naman talagang malalim na dahilan ay galit siya sa akin. May mga araw din naman na nami - miss ko siya. Ilang taon din kaming nag aaway. Ilang taon niya din akong ginawang 'kiss me back' machine. Ang masakit lang ay may umusbong na palang maliit na pag - asa sa dibdib.

I sighed. Hinding hindi na ako papa apekto sa kaniya at kung magku - krus man ang landas namin ay malamang iiwasan ko na siya. Mahabang panahon na din naman iyon, but i will never forget.

''Babe..''

Napatingala ako kay Niel, yung kasama kong nanalo sa Mr. & Ms. Intramurals.

''Oy, kumusta? Is it really you?''

Umupo siya sa tabi ko. Si Niel ang one year boyfriend ko. Matyaga siyang nanligaw sa akin noon. Mabait siya and he never fail to surprise me. Mas lalong gumwapo si Niel habang tumatagal. Ang saya ko nga at proud pa ako sa kaniya dahil siya ang Magna cum-laude sa boung Civil Engineering.

''Yeah. My parents are so proud of me, babe. May kainan sa bahay namin after our graduation . I hope you can come.''

He intertwined our hands at damang dama ko ang init niyon sa palad ko. Ngumiti ako sa kaniya.

''Inaya na din ako ng mommy mo. Sana nga ay makakapunta ako. Hindi ko pa alam kung papayag si ate Youmie. Graduation din kasi iyon nang pangalawa nilang anak at sa bahay daw sila mag ce - celebrate. ''

I didn't mentioned Thiago's name. He hate him. Ito daw ang unang taong nanuntok sa kaniya.

''Ah right. What if I'll asks tita Youmie's permission?''

Ngumiti ako sa kaniya at naptitig sa gwapo nitong mukha. Kamukha niya si Rico Yan, kaya lang ay white version ang nobyo ko. Hinalikan niya ako, mabilis. Nadilat ko ang aking mata sa gulat. Sinapak ko siya nang mahina sa balikat.

''Aw! What was that for?''

''You stole me a kiss.''

''Titig ka nang titig eh.''

Humagikhik siya nang mahina. Ang cute lang. Mahal ko na talaga siya. Noong una ay sinagot ko siya dahil napaka matyaga niya. Kulang pa ang salitang effort para patunayan iyon.

Dinala niya ako sa kanyang dibdib saka niyakap.

''I love you, Tash. Magsisikap ako, I'll give you everything. I'll marry you wherever you like, Tash.''

Sumikdo ang puso ko. Marahan akong pumikit at dinama ang bawat tibok ng puso niya. Tamang tama lang ang takbo nito. Kalmado.

''Niel, enjoy-in mo ang buhay mo. Kasi hindi naman sa lahat nang panahon ay ako ang kasama mo. Gusto ko, habang hindi kapa tali sa akin ay ma enjoy mo muna ang buhay binata. At kapag kasal na tayo hinding hindi kana pwedeng lumayo sa akin. --- malayo ang England, babe. Pero one hundred one percent kong ibibigay ang tiwala ko sayo.''

Humugot ito nang malalim na hininga saka binuga nang dahan dahan.

''Yeah, right. And sabi naman ni dad ay puro lalaki lang ang nandoon. Baby, what if sabay na tayo doon?''

Tumawa ako nang mahina.

''Alam mo namang hindi pwede. Time flies fast naman din.''

Next day na ang graduation namin at next week na din ang flight niya papuntang England. Pinag aagawan din kasi siya nang mga mentor niya noong nag o - OJT pa lamang siya.

-

Nang matapos ang lahat nang requirements namin para sa huling araw nang klase ay hinatid niya ako sa may gate nang village. Ayokong magpahatid sa tapat nang misming bahay ni ate Youmie. Baka ano pa ang isipin, pero kilala naman na niya si Niel. Lalo na ni sir Shiba, kilala nito ang mga magulang niya. Pero ayoko munang ipakita sa kanila na palagi kaming magkasama.

Nagsimula na akong maglakad papasok nang wala na si Niel sa paningin ko.

Sigurado akong kapag wala na kaming pasok ay ma mimiss ko siya. After kasi noong kompetisyon ay umaraw araw na siya sa room namin. Minsan pa ay nag se - seat in pa siya. At kapag tapos na ang klase ay sa canteen niya ako hinaharana. Kasama niya noong una ang boung Civil class. Nakakahiya pero nakakakilig.

Nang minsang hindi siya makapunta sa class ko ay ang mga ka klase din nito ang nag sasabi sakin na kesyo may lagnat o may exam pa daw ito.

Nasanay na ako at minsan ay hinahanap hanap ko na. Gano'n pala ang pakiramdam nang may nanliligaw o may nagpapahayag nang damdamin sayo. Kinikilig na, ewan.

Nang matanaw ko na ang malaking bahay ay binilisan ko na ang hakbang.  Namimis ko na kasi si Lympus na nasa anim na taon na at ako mismo ang nag t - tutor sa bata.

Dumaan ako sa likod nang bahay para magpalit nang damit pero laking gulat ko nang makita si Lalang na nakasalampak sa kama ko. Basang basa nang luha ang mukha nito. Palagay ko nga naghalo na ang uhog nito sa luha na 'yon eh.

''Lang? May sakit ka? Bakit ka nandito?''

Umuppo ito at lalong naiyak.

''Ate Tash..''

Lumapit ako sa tukador at kumuka nang maliit na bimpo. Iniabot ko siya at pinunasan ang mukha.

''Walang ya siya ate! Sabi niya magiging kami kung nandito kami sa bahay.''

''Oh tapos?''

Si Drigo ang tinutukoy ni Lalang. Ang alam ko kasi ay umuwi itong mag isa. Magkasama kasi silang dalawa ni Ago na umalis.

''He's cheating on me. Ang kapal niya, after nang may nangyari sa amin ay gaganituhin niya ako?''

''Nangyari?!''

Gulat na gulat ako. Hindi ko alam 'yun ah. Tumango siya at lalong umiyak.

''Yes.''

Agad akong tumayo at natampal ko ang aking noo.

''Lang, ang bata bata niyo pa para gawin niyo yun!''

She rolled her eyes between her sobs.

''Ate, I'm nine-teen and he's twenty - three. We are both adult. And i like it. Dalawang beses na naming ginawa iyon, sa kwarto ko at sa kwarto ni kuya. And there's nothing wrong with it. Mahal ko siya.''

''Ang tanong mahal ka ba? God! Lalang! Dapat sa deserving na tao mo binibigay ang puri mo.''

She tss and rolled her eyes again. Minsan ang sarap batukan nang malditang to talaga.

''Ate Tashia, don't tell me virgin ka pa rin?'''

Lalo akong di makapaniwala sa batang to. Liberated na masyado. Ano nalang sasabihin ni ate Youmie kapag nalaman to? Kinukonsinte ko?

''Oo and I'm proud of it! Bakit ka nga ngumangawa?''

''He was cheating on me. And its a man. God! Ate Tash! Ang sakit! He's a gay! He's cheating with a man! Bading siya!''

Suddenly my jaw drop.

''Okay, lang naman kung mag cheat siya sa mas maganda pa sa akin. Pero, lalaki ang gusto niya ate. --- And it's kuya T!''

-----

Briella Vida Lambert

I Am Not Yours - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon