23 'Isang Thiago Godz'

14.6K 373 9
                                    

Akala ko panaginip lang ang lahat. Akala ko emahinasyon ko lang ang mga pangyayari. Ang boung akala ko ay namatay na nga ako nang tuluyan at nakulong sa isang napaka gandang panaginip na 'to.

Pero hindi. Totoo ang lahat nang 'to dahil ramdam ko. Nararamdaman ko ang bawat tibok nang puso ko ngayon. Minsan nga ay napapakagat labi nalang ako para patunayang hindi ito isang panaginip lang.

Dalawang tulog nalang talaga at ikakasal na ako sa lalaking dahilan para maramdaman ko ang lahat nang ito ngayon. Handa na ang lahat. Kahit naman nasa wheel chair pa siya ngayon ay nakakasama ko naman siya sa mga iba pang inaasikaso. Ang sabi naman nang doctor ay makakalad naman si Ago. Kaso nga lang ay di na siya makakapaglaro nang basketball o anuman na mapapagod ang kaniyang binti.

''Ate, congrats.''

It was Lalang, she's really grown a beautiful woman, now. Kuhang kuha niya ang ganda ni ate You -- este mommy Youmie pala.

Ngumiti ako sa kaniya. Katatapos lang naming magdinner dito sa bahay nila. Dito na muna kami, may bahay naman na daw na bago. Yun nga lang ay dapat after na daw nung kasal kami lilipat doon.

''Thank you, Lang.''

''See? I knew it. Mahal ka ni kuya, kahit napaka walang hiya niya.''

Naipolig ko ang aking ulo.

''Walang hiya?''

''Yes. Sinuntok niya ang Drigo ko. At dahil doon ay di pa rin kami okay nang ex ko.''

Sumimangot siya habang naka upo sa harap ko.

''Ex? You mean --''

''Yes again. Ex kasi nga wala na kami. Ate, hindi mo ba napapansin? Dry na ako masyado! Look at my skin -- Gad! Sumisigaw nang 'uhaw!' Dry na rin ako down there --- si Judrigong bading kasi, hindi man lang ako hinahabol doon sa Cebu. Gusto ko na syang e - hate!''

Nag iinarte na naman ang batang 'to. At anong 'uhaw' ba ang ibiga niyang sabihin? Dry down there? Umiling iling ako habang pinupunasan na ang mga plato.

''Lalang, mag vitamins ka. Hindi ka naman dry ah.''

Umirap siya sa akin.

''Wala na nga akong sex! Walang vitamins!''

Nanlaki ang mata ko sa kaniya saka nilibot ang tingin sa paligid. Baka kako may makarinig, baka sabihing kinokonsinte ko.

''Lalang, low your voice. -- Hwag ka ngang maging die hard dyan sa salitang yan. Cheer up! Ang ganda mo kaya. Dry - dry ka dyan.''

Lalong umikot ang mata niya. Ngumiti na ako sa kaniya. Tumayo na siya at aalis na.

''Ang babaeng masaya at nagmamahal ay blooming daw. Ikaw yun hindi ako. Dry ako kaya ang pangit ko. Anyway, thank you kasi nandyan ka para kay kuya. Masaya naman ako, noh kahit napaka walang hiya niya.''

And she walked away. Noon naman biglang sumupot si Ago. Irap lang ang binigay nang kaniyang kapatid na babae dito. I giggled at lumapit sa lalaki.

Ang gwapo ni Ago. Nawala na talaga ang peklat niya sa mukha. Surgeries, nowadays. Yumukod ako sa kaniya saka siya binigyan nang maliit halik sa labi.

''Hey -- ''

Pupunta na sana ako sa likod niya pero hinila na ang kamay ko. Pinaupo niya ako sa kaniyang lap. Inalis niya ang sout sout niyang salamin.

''Ago! Baka may makakita sa atin.''

''So?''

''Ang paa mo ma - stress.''

I Am Not Yours - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon