10 Barking dog

14.6K 403 6
                                    

Pinilit kong tumayo kinabukasan. Natulugan ko na kasi ang umiyak pagkatapos nang pailitan ko ang bed cover ko at makaligo na ako kagabi. Kahit naman mahapdi ay kaya ko pa.

Iyak ako nang iyak kagabi sa hindi ko matukoy na dahilan. Is it because he left me hanging last night o dahil wala akong ginawa para pigilan siya dahil ginusto ko din ang mga ginawa niya? Sino pa ba ang lolokohin ko? oo ginusto ko din iyon.

Sana paglabas ko nang kwarto ay di ko siya makita. Wala akong mukhang maihaharap sa kaniya. Tiningnan ko ang aking repleksyon sa salamin. Mukha akong may sakit. Wala akong gana sa lahat. Ni ayoko na munang lumabas sa kwarto ko pero nahihiya naman ako sa aking amo gayong maraming dapat gawin dahil katatapos lang nang party. 

Ilang sandali muna akong naka-upo sa gilid nang kama at nag iisip. ...I'm sory, Tash. Napahilamos ako sa aking mukha. Marami akong pwedeng gawin para manlaban, pero bakit di ko man lang nagawa? --- Oo, aaminin ko. Nagkagusto ako sa kaniya pero how come nalaman niya iyon? God!

Naagaw ang pansin ko nang may kumatok sa pinto ko. Tatayo na sana ako nang bigla itong bumukas. It was Briella. Bumuga ako nang hininga. Akala ko sino na. I shook my head. Bakit sino pa ba ang inaasahan ko?

''Oh, ang aga mo naman? Wala ka pang tulog?''

Di siya umimik sa halip ay nahiga lang siya sa kama ko. Nakatalikod siya sa akin pero hindi naman siya umiiyak. Dati kasi pumapasok lang ito sa kwarto kapag umiiyak siya.

''Ate, break na talaga kami ni Drigo.''

''oh? Akala ko okay na kayo?''

Hinarap niya ako kaya mula sa pagkakahiga niya ay kitang kita ko ang mugto niyang mata. Sa lahat kasi nang magakakapatid ay si Ago at Briella lang ang may kakaibang kulay. Mas nanaig ang Hazel na kulay dito, lalo na kapag emosyonal ito.

''Nag away sila ni kuya kaninang madaling araw. I don't know what's the real story behind. Siguro dahil alam na ni kuya? Siguro dahil nalaman ni kuya na may nangyari sa amin? hindi ko alam. -- ate, ayokong maghiwalay kami. ''

Ngayon tumulo ang luha niya habang nakahawak sa kamay ko. Madaling araw?

''Nag -away?Teka, tinanong mo ba kung bakit?''

''Di naman din niya ako sinagot. He just walked out pagkatapos niya akong tinapunan nang masamang tingin. Ate, help me talk to him, please. Hindi na niya sinasagot ang tawag ko. I tried to call si Babes pero ang sabi naman niya ay si kuya ang kasama niya.''

Tumayo ang balahibo ko sa sinabi niya. Gusto kong umirap dito. May kasama agad na iba? i'm always just a rebound lang ba talaga? Dinala ko sa aking dibdib si Ella. Alam ko namang maldita at mataray ang batang 'to pero alam kong kailangan niya nang makakasama at nakakaintindi sa kaniya ngayon.

''Ssshh..Lalang, give him time. Pati ikaw, bigyan mo rin nang panahon ang sarili mong mag -isip at magpahinga. You did everything naman din di ba? Hayaan mo muna din siyang mag isip, Lang. -- Kasi, kung kayo -- magiging kayo talaga. Bata ka pa, Mag - aral ka naman muna. Give it a time.''

''Wa- What if --''

''Sshh.. Cheer up! Life doesn't end with one heart break.''

Sadya ko pang nilakasan ang boses ko sabay ngiti. It doesn't end with one heart break. Tumigil siya sa pag iyak at biglang pinunasan ang mga luha niya sa mukha. Kahit papano ay gumaan din ang loob ko sa mga pinagsasabi ko. Kahit sarili ko ay kumalma. Humugot siya nang malalim na hininga saka binuga iyon nang malakas. 

''You're right. Haayy!'' 

Nag unat siya nang kamay at binagsak ang katawan sa kama ko.  Tinabihan ko siya at paras kaming nakatingin sa kisame.

''Ate, I wanna ask you something.''

Nilingon ko siya Habang nakatingin pa rin siya sa kisame.

''--si kuya.''

Biglang nag salubong ang kilay ko sa kaniya.

''He secretly loves you.''

Bigla akong nanigas sa sinabi niya. Ayaw gumana nang utak ko para may masabi. Nilingon niya ako, may naaninag akong lungkot sa mata niya.

''Hindi ko nga alam why he keeps on avoiding you and worst inaaway ka pa. Basta ang naalala ko lang na sabi niya before he go abroad ---''

''Hindi naman totoo yan, Lang. Kasi kung totoo man, ako mismo ang makakaramdam noon.''

She sigh at tumayo na. Bumagon nadin ako at sinundan siya nang tingin. Pero nagitla pa ako nang lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

''Thanks -- '' aniya at mabilis na tumakbo sa pinto. ''-- I knew it. He's in love with you.'' Then she go out.

Kumurap ako nang ilang beses. Di ko alam kung sigurado ba ako sa narinig galing sa kaniya. Pero kasama niya si Babes kaninang madaling araw. May nangyari sa akin tapos pagkatapos soon na ulit siya sa iba?

Bumuntong hininga ako saka napagdesisyonang tumayo. Lalabas na ako at di na muna isipin ang mga nangyari. Nagsuklay na muna ako at naglagay nang kaunting lipstick. Parang gusto ko lang.

Alas nwebe na, mataas na ang sikat nang araw pero nasa air bed pa rin ang mga binata at dalagang bisita nang mga Lambert na nasa gilid nang pool. Halos lahat naman nang pumunta ay relatives lang nila.

Marami pang nagkalat na bote nang beer, may basag din. Umiling iling ako. Nang marating ko naman ang kusina ay siyang bukas nang pinto sa guest room sa baba.

Natigilan ako. Nanigas ang likod ko at bahagya pa akong napanganga. Biglang nagflash back lahat nang nangyari kagabi. Mula umpisa hanggang sa iwanan niya na lang ako basta.

He's half naked at kitang kita ko ang abs niya hanggang sa abdomen. Nahawakan ko na iyon at ayaw ko mang aminin ay gusto ko ulit na hawakan yon. Gusto ko ulit marinig ang pintig nang puso niya. Gusto kong maramdaman ang init nang kaniyang balat. Nang iangat ko ang tingin sa kaniya ay tila napako din siya sa kaniyang kinatatayuan habang nasa mata ko ang tingin. Mariin akong pumikit at nang magdilat ako ay may nayakap nang babae sa likod nito.

Gulat. Bigla. Kulang ang mga salitang iyon para takpan ang sakit sa nararamdaman ko. Si Babes. Hw's with me last night ang now he's with someone. Nag init ang sulok nang mata ko, lalo na nang magtama ulit ang mata namin. Umiwas ako. Ayoko nang ganito. Nasasaktan ako. Wala naman akong karapatan pero nagseselos ako. Nagseselos ako.

Dumiretso ako sa kusina pero di pa ako nakakalayo ay tinawag ako nang isang tinig na mula sa kabilang guest room.

''Tashia! My labs! God! Ang ganda mo talaga lalo na sa umaga! Nag lipstick ka pa, how did know that I'm here?''

It was Loki. Mahina at boses niya. Napalingon pa siya sa loob nang kwarto niya saka sinara na nang tuluyan ang pinto at lumapit sa akin. May nag udyok sa isipan kong lumingon kay Ago sa kabila.

Ganoon pa rin ang pwesto nila habang sa akin pa rin ang tingin.

''Oh, nandyan ka pala Ago? Goodmorning! --- Tashia mahal, Di ba sabi ko doon na tayo sa labas magkita Tashia, aking irog?''

Biglang nagsalubong ang kilay ko sa inasal ni Loki.

''Stop that, Almasan!!''

Dumagundong ang tinig ni Ago sa boung salas. Nang tingnan naming siya at tila inis itong dumaan sa harap ni Loki.

Almasan? Di ba dapat Babes.

''Tashia! Bakit makalat ang kwarto ko?! Linisan mo ito ngayon din!!''

''Ow-- si Thiago, our barking dog. Wala akong Panama, Gods siya, Lord lang ako.'' Bulong ni Loki na may malaking ngisi sa labi.

----

I Am Not Yours - CompletedМесто, где живут истории. Откройте их для себя