17 'Before it's too late.'

13.1K 388 12
                                    

''Ago -- n-nasasaktan ako.''

She was crying.

At wala akong pakialam. Marahas ko siyang hinila papunta sa kotse ko. Isang suntok lang naman ang binigay ko sa walang hiyang lalaki na yun.

Pangalawang beses ko nang ginawa iyon sa kaniya. Matagal na yung una at ngayon ko pa nasundan ulit. Alam na nga niyang ikakasal na ang babaeng ito ay habol pa rin siya nang habol!

''Talagang masasaktan ka sa akin, Tashia!''

Pabagsak ko siyang pinasok sa kotse. Mariin akong napahilot sa aking sentido. Bakit ba nawawalan na naman ako nang kontrol? Hindi pa rin nawawala ang panginginig sa katawan ko. Hindi naiibsan ang galit sa puso ko.

Bakit ba ang hirap aminin sa sarili na talo ako? Hindi niya ako mahal o minahal. Nagkamali ako sa akala ko dating may gusto din siya sa akin.

Bakit ang sakit tanggapin that she can't love me back? And now i am hurt.

Isa pa rin akong talunan!

Iyak pa rin siya nang iyak nang makapagmaneho na ako kaya inis kong hininto ang kotse. Naiinis akong lumingon sa kaniya.

''Shut up!''

Pero hindi pa rin siya natigil kaya hinarap ko siya at agad na hinawakan ang magkabilang niyang pisngi. Sinunggaban ko siya nang halik.

Mariin.

Marahas.

Mapusok.

Humagulhol na siya but i don't care. Gusto kong maibsan ang poot na nararamdaman ko. She wasn't kiss me back kaya tumigil ako.

I sigh and sigh again.

Ilang sandali kaming natahimik. Ilang sandali rin at natahimik na rin siya mula sa pag iyak. Kasalanan ko na naman.

She cried because of me, again. Nasuntok ko ang manibel. I felt so frustrated. Hindi ko na alam ang dapat gawin sa kabila nang mga ginagawa kong pananakit s kaniya.

''I- I'm sorry.'' usal ko.

Di siya umimik. Nasa labas lang ang tingin niya. Tinanggal ko ang aking salamin at inis iyong inihagis sa dashboard. Minasahe ko ang mata ko saka humugot nang hininga.

Bigo akong ni-unlock ang pinto nang kotse. Napatingin siya doon.

''Go. Balikan mo na siya. I am giving you your freedom.''

Tumingin siya sa gawi ko pero wala siyang salitang binitawan kaya nilingon ko na siya.

''Ako na ang mag -e-explain kay mommy. Go.''

Nagbawi siya nang tingin pero hindi pa rin nagsalita. Ilang sandali ay hinawakan niya ang nob saka lumabas.

Lalo akong nakaramdam ng dismaya. Lalo akong nanibugho. I started the engine at pinaharurut ang sasakyan.

Kahit malabo ang daan ay wala akong pakialam. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ako kasamang tao. Wala eh, ganito ako magmahal. Seloso akong tao. Ang gusto kong akin ay akin lang.

Pero paano kung hindi niya naman ako minahal. Ngumisi ako, it really feels like before. Mula noon ang akala ko ay may gusto sa akin ang babae pero wala pala.

Naalala ko iyong babaeng bumigo din sa akin noon.

Then why she's kissing me back, everytime i kiss her? Ilang beses ko din siyang nahuhuling nakatingin sa akin. But it was all a false thoughts. It was all a mistake. Well sino nga ba ako para gustuhin, my first love leave me too.

I Am Not Yours - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon