28 'Betrayed'

14K 370 21
                                    

Ilang araw na din ang nakalipas mula nang magsimula kami ni doktora nang examine sa akin. Alam naman na ni Ago ito.

''Babe, may anak man o wala, mahal kita yun na yun.'' Palaging sambit ni Ago. Pero gusto ko lang namang subukan. Di nagtagal ay naging okay na din sa kaniya.

Maraming procedures na ipinapagawa sa akin si doc. Titiisin ko basta ba magkakaroon ulit kami ni Ago nang baby. Hindi muna ako pinayagan nang  doktora na magsiping kay Ago. Kailangan daw muna kasing maging stable ang matris ko. Kahit anong kulit nang asawa ko sa akin ay di muna ako pumayag. Pero may gabi talagang hindi ko na rin mapigilan ang sarili. We made love pero hindi na ulit iyon nasundan. Baka kako malaman pa nang doktora, lagot pa ako.

Di nagtagal ay napapansin ko nang may nagbago. At ilang linggo pa ang lumipas ay naging mailap siya. Pero hindi ko nalang iniintindi, alam ko namang para sa ikakabuti namin ito. Sabik na akong magkaroon nang isang sanggol sa kamay at braso ko.

Ilang araw nalang din lang naman ay malalaman ko na ang resulta. Lihim pa akong nagdadasal na sana ay walang problema. Walang deperensya.

''Ate!''

''Ay! Anak ni Youmie!!''

Gulat akong napahawak sa aking dibdib. Nasa kusina kasi ako, umiinom nang gatas nang biglang sumulpot sa likod ko so Lalang.

Tawa siya nang tawa habang ako at nakairap sa kaniya.

Pumapayat na si Briella ngayon. Ang ganda niya talaga. Maiksi ang buhok niya, kamukha niya tuloy so Alice nang Twilight.

''Sorry --''

Kumuha siya nang tubig at umupo sa tabi ko. Sinilip ko ang sala kung may kasama siya.

''You're alone? Kailan ka lang dumating?''

''Yes. --- kagabi pa. Kumusta ka na?''

May lungkot akong nakikita sa mata niya. Ngumiti ako. I want to let her feel na okay na ako. Moved on na ako.

Hinawakan niya ang kamay ko. Matured na si Lalang. Hindi na siya maldita type o palairap. Marunong na run siyang makisama.

''Ate -- gawa ulit kayo ni kuya. Para may baby ulit. Malaki na si Lympus. Ang kambal din ay malalaki na. Sana may baby girl ulit.''

Parehas kaming ngumiti. Kinwento ko sa kaniya ang pagpapa alaga ko sa OB.

''Ikaw? Kumusta na? Sabi ni mommy Youmie, Hindi niya daw gusto yung pagpapa-payat mo. Baka daw kasi, maaga kang magka asawa niyan.''

Tumawa na naman siya nang malakas.

''Sexy ang payat. Tsaka, okay lang naman kasi ako. Ayoko nang mataba, -- anyway remember Allewa?''

Kumuha siya nang mansanas sa ref at hinugasa iyon. Nakunot ang noo ko, wala kasi akong matandaang ganoon ang pangalan.

''Basta, nakilala ko siya noong graduation mo. -- boyfriend ko na siya.''

Lalong nakunot ang noo ko habangg naghihiwa nang kamatis.

''Bakit, move on ka na kay Drigo?''

''Nope! Not yet. May pinagseselos lang kami. Ako, pinagseselos ko si Drigo habang pinagseselos niya din ang bestfriend niya.''

Napailing ako. Bakit ba kasi nauuso ang mga ganoong set up ngayon. Teens nowadays.

---

''Tash, hindi na muna matutuloy ang meeting natin ngayon. I'm so sorry. Bye!''

Natigilan ako sa paglalakad. Sayang nandito naman na sana ako. Ngayon ko kasi sana makukuha yung results ko. I shook my head, bakit kaya?

I Am Not Yours - CompletedWhere stories live. Discover now