6 'gorgeous'

17K 474 6
                                    

Kinakabahan ako. Sobra. Nanginginig pa nga ang kamay ko sa kaba. Ngayon ang unang pag kikita namin after two years or more. Nagsimula na ang party, ang saya nga dahil nagpagawa pa nang tarpaulin para sa akin si ate Youmie. Ang sabi ni Drigo ay paparating na daw ang pamilya. We were excited. Lahat naman nang close sa family ay nandito na din. Lahat sila ay excited na ding makumusta si ate Bree.

Lalo akong nakaramdam nang kaba nang marinig ko na ang sasakyan nila.

''They're here!'' Sigaw ni ma'am Glenda.

Dois ko, ba't ba ako nanginginig? Lihim akong lumayo sa grupong sumalubong sa kanila. Busy ang lahat habang ako naman ay naghahanda sa mga pagkain. May cater naman pero gusto ko lang ding maging busy.

Inaya naman ako ni Niel na sa kanila na magdinner and kaso mas pinili kong tumulong na muna dito. Total naman ang kalahati nang selebrasyon ay para rin sa graduation ko.

Nanatili ako sa kusina pero di  maiwasang hanapin nang mata ko ang isang tao.

''Uhm-- excuse me miss.''

Bigla akong napatingin sa lalaking kasing edad ko lang. Siguro bisita din ito nila.

''Ano yun?''

''Pinakuha ako nang wine ni Briella. Dito ko daw kukunin.''

Nanlaki ang mata ko.

''Sino ang iinom nun? Ka ano ano ka niya?''

Ngumiti ito at pasimpleng napasuklay nang buhok gamit ang daliri.

''Iinom kami, you can join if you want. Briella's in mess, were friends so, i just wanted to comfort her.''

Ngumit na din ako sa kaniya at pasimpleng lumapit dito.

''Saan si Lalang?''

Nilibot ko ang tingin para hanapin ang babae. Pero ibang mukha ang nakita ko at sa hindi inaasahan ay nagtama ang mata namin. Papakyat na siguro ito sa kwarto niya. Nanigas ako nang suyurin ko siya nang tingin.

May mumunting balbas ang tumubo sa panga nito. Rugged but good looking naman. Nakapamulsa ang isa niyang kamay at mukhang pinaglalaruan naman ito sa kabila. Tumangkad siyang lalo. Sa tingin ko palagi ito sa gym doon, lumalaki din kasi ang braso niya. Bahagyang naka awang ang labi nito.

''Miss? Yung wine.''

Napatingin ulit ako sa lalaki sa harap ko. Ngumiti ako dito, matamis.

''Pasensya na, be. Walang wine dito. Try mong itanong sa daddy niya. Baka alam niya.''

Napanganga ito at kinuha ko ang chance na yun para mag excuse. Nang balikan ko nang tingin si Ago ay nandun pa rin siya. Wala sa sariling ngumiti ako at humakbang papalapit dito.

''Hi!''

Dios ko. Usal ng isip ko nang humakbang din siya pababa. With out breaking our eye contact. Nanlalamig na ang kamay ko.

''H - Hi, Tashia Batonghinog.''

Wow! Complete name! Anyway, namiss ko siya. Napatawa ako nang marahan. Pakiramdam ko nga ay mukhang napakalandi naman nang tawa kong yun.

''Yes, hello, Thiago Godz Lambert.''

Nilahad ko ang kamay ko sa kaniya. Sana ceasefire na nga ito.

''Wowow!! How sweet!''

Gulat kaming lumingon kay Lalang. Napapa palakpak ito at ngiting ngiti. Nasa likod niya si Drigo na hindi maipinta ang mukha. Napangiwi ako. Siguro, dahil nasa harap ko si Ago?

''Bagay kayo kuya. Why don't you try to make ligaw to ate Tash? Aw - may nobyo na pala si ate Tash, gwapo, hunk, masarap at lab na lab si ate. Pero wako care, mas gusto kita kay ate Tash.''

Gusto kong takbuhin si Lalang para matakpan ang bunganga nito. Yun nga eh, siguro naka inom na ito. Nang tumingin ulit ako kay Drigo ay iisang linya nalang ang labi nito, nagpipigil si ateng?

''Palabiro ka talaga Lang.''

Tumawa ako nang mahina at tumingin kay Ago at ako naman ang natigilan sa klase nang tingin niya. Malamlam ang mata niya na tila binabasa niya ang kaluluwa ko.

''Sege, ate - kuya, may pupuntahan pa kami ni Drigo.''

Napataas agad ang kilay ko. Kagabi lang ay iyak ito nang iyak dahil sa lalaki ah?

''So, you're already taken. Kumusta ka na?''

Nanatili ang ngiti sa labi ko habang nakatingala lang sa kaniya. Ang daming nagbago. Ang daming ala ala ang biglang sumulpot sa isip ko.

''Yes -- okay lang ako,  Ago. Ikaw kumusta?''

''Still the same, Tash.''

Mahinang sabi nito. Tila biglang may hanging malamig ang dumaan sa harap ko at nawala ang ngiti sa aking mukha. Still the same?

''T?-- Thiago! Andito ka lang pala. Uuwi na ako -- teka sino siya? Girlfriend mo?''

Si ma'am  Bree iyon. Maganda pa rin at lalong pumuti ito. Dala dala niya ang isa sa mga kambal at yakap yakap nito ng leeg  niya.

Sabay kaming napabuntong hininga ni Ago. Sa palagay ko ay hindi pa niya talaga naalala ang lahat.

''Yes.'' Agad akong tumingin kay Ago.

Lumapit ito sa akin at inakbayan pa ako. Nanlaki pa ang mata ko nang nagtama ang tingin namin.

''She's Tashia.''

''Really?? Oh, I'm so so sorry dear. Anyway, meet my son - Obriell - say hi  to tita Tasha, baby.''

''Ta-shi-ya, ate.''

Humagikhik ang ate niya saka lumabi.

''It's still the same.''

But then the three year old kid smiled at me. Ang cute nang dimple nito. May konting nunal din ito sa gilid nang labi. Napangiti ako kahit hindi na dapat. Ayokong mag assume din si ma'am Bree.

''Sege, bye Tash. Nice to meet you after all.''

Tumango nalang ako dito saka ito umalis.

''Aasa ang ate mo. Bakit mo naman yun sinabi?''

''Tss.. una kang naging akin, bago sa iba. Always remember that, Tash. You're gorgeous and you're still mine.''

Di ako nakakibo. Napanganga ako at nang matauhan ay nakatalikod na ito sakin. Ilang sandali akong nakatingin lang sa likod niya at mawala na siya nang tuluyan sa paningin ko ay saka ako humugot nang hininga.

''Bumalik na siya. Akala ko marami nang magbabago? Siya pa rin siya. Hindi uso sa kaniya ang 'the change is coming' ni Presidente.''

Pumikit ako nang mariin. Nakaka stress ang araw na'to.

''Sana pala hindi na siya bumalik pa.''
Bagsak ang balikat akong bumalik sa kusina. Akala ko talaga may nagbago. Nang wala naman na akong gagawin ay nagasiya na akong pumasok aa kwarto ko. May mga tao pa sa pool. May nag gigitarahan habang nag iinuman. May naliligo na rin.

Nabigla ako nang mag vibrate ang phone ko. It was Niel.

''Hi! Kumusta? Congrats ulit sa atin, sweetheart!''

Ngumiti na ako habang naglalakad.

(I'm outside, sweet. Can i come in?)

My heart skipped a bit. Ano daw?

''Ate Tash hinhanap ka ni ate Bree sa salas. May ibibigay yatang pasalubong.'' Si Lalang iyon.

(Sweet, can i?)

Nalito ako. Hindi gumagana ang isip ko. Ang alam ni ma'am  Bree ay si Ago ang nobyo ko. Then ngayon nasa labas ang boyfriend ko.

God!

---

I Am Not Yours - CompletedWhere stories live. Discover now