22 'Start all over again.'

13.3K 407 22
                                    

We were panicked. Sino bang hindi kung napatunayan mong pinasok nga ang bahay ko? They have the Cctv's. At ayon sa mommy ko ay ito daw yung taong nagbebenta kay Tashia noon.

Bigla akong nakaramdam nang kaba. Hinaras niya ba si Tash kaya may pasa ito sa mukha? Just fucked! Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Tash. Ang sabi ni dad hayaan na muna daw, stress and over fatigue daw ang ikinahimatay nito.

Nakatingin lang ako sa kanila. Nandito na ngayon ang pinsan ni dad na si Inspector Bendicto. Nakikinig lang ako habang umiiyak si mom.

''Shiba babes, paano kung si Tashia lang ang habol niya? Wala namang nawawala sa bahay di ba?''

''I don't know yet, babe. Hintayin na muna nating magising si Tash.''

''Paano kung bumalik ka na muna sa atin, T? Kayo ni Tash? Malaki naman iyong bahay. Tapos si Ella naman ay nasa Cebu na -- ''

I sigh. Kahit ako man ay kinakahaban din. I hate her. Pinipilit ko ang sariling kamuhian siya but how if my love for her doesn't change at all? I am still in love with her kahit siya ang tinuturo kong dahilan kung bakit ko dinadanas to.

I am right, she's different from HER. Kahit ilang ulit ko man siyang ipagtabuyan ay di niya pa rin ako nilalayuan. Kahit ilang beses ko na siyang inaaway o pinapagilatan ay hinahabaan niya parin ang pasensya sa akin.

Kahit anong iwas ko sa kaniya ay mas nananaig pa rin ang nararamdaman ko sa kaniya.

Mahal niya nga ako.

Syempre tumibok ang puso ko no'n, pero naging matigas ako sa kaniya, instead. I sigh again. Ang sabi ni mommy bago kami umuwi ay ako na daw ang pinaka tangang lalaki na nakilala niya. I asked myself why. And now i knew it. 

Dahil mahal ko siya. Pero pinipilit ko naman ang sariling kamuhian siya na dapat lang pala na siya ang may karapatan na maramdaman yun. Sinasaktan ko siya. Nasampal ko din siya. And I hate myself for that too.

Inikot ko ang aking wheel chair at pumasok sa kwarto kung saan siya nakahiga. Bakas sa mukha niya ang pagod. Hinaplos ko iyon. Namamaga pa rin ang pasang nasa gilid nang kaniyang labi. Bahagyang nag init ang ulo ko. Ang sobrang niya na din kasi.  Sinuyod ko nang tingin ang kabuuan niya. Pumayat si Tash. Hindi ko yun napansin kahit palagi naman siya sa tabi ko where i admitted. Kasalanan ko ang lahat.

Bigla akong napatingin sa sementong nakayakap sa aking magkabilang binti. Bakit ngayon pa? Ikakasal na kami eh. 

But --- Wait. Agad akong lumabas nang kwarto at hinanap ko agad si mom. She was in the corridor. Sipping a wine. Mag isa lang siya. Kapag ganito si mom ay may bumabahala sa kaniya. I knew it why.

"Mom, -- ''

''Nak.. ''

''Itutuloy ko ang kasal.''

Shock. Yun ang unang Namou sa mukha nang nanay ko. Pero agad din naman siyang ngumiti. Malawak. They love Tash that much, huh?

''Naku! buti nalang at di pa namin na cancel ang lahat. Pero panu yan? May semento pa ang binti mo?''

''It doesn't matter.''

''Talaga!?'' Pumalakpak si mommy at hinalikan ako sa mukha. 

I just rolled my eyes over her. At unti - unting sumilay ang ngiti sa aking labi.

''And -- Find me a new house mom, please. Hindi pala safe ang village na ito.''

Then i turned my chair at tinungo ulit ang kwatyo namin ni Tash. Kahit naman nasa iisang bahay kami ni Tash before ay di pa kami nagtabi. May kwarto siya pero sana ito na yung magiging kwarto niya na din. Pero nagulat ako nang Nakaupo na si Tash sa kama and sh - she's crying. Nabigla naman siya nang makita ako.

''Uhm-- Ago, pasensya ka na. Dito pala ako pinatulog? S -sorry.''

I sigh. ?Takot pa rin siya sa akin. Dali dali siyang tumayo at lumapit sa akin.

''N - Nagugutom ka ba?''

"Tash, calm down.''

Huminga ako nang malalim. 

"Okay, -- Lets start all over again.''

Natitigilan siya. Di siya umimik. Nakatingin lang siya sa akin at tila walang reaksyon. Damn! Tuluyan nang nilamon nang hiya kaya inikot ko na ang upuan ko. 

''Ago..''

I suddenly stopped. Lumipat siya sa harap ko at lumuhod. Ako ngayon ang hindi makapagsalita. She's kneeling in front of me and tears covered her face again.

''Salamat. I promise, I'll do everything para mapatunayan kong mahal kita. Sorry sa lahat nang nagyari.''

Nanlaki ang mata ko. Ako dapat ng nagsasabi nang ganoon sa kaniya eh. I am the man here. 

I caress her face and hold her hand. My heart skipped a bit nang malaman kong sa daliri niya ang sing sing na dapat ay sa araw pa nang kasal namin ko ito ibibigay. I smiled at her. 

Hindi man naging maganda ang simula namin ni Tash, sisiguraduhin kong magiging masaya siya. Simula sa gabing ito ay ipinapangako kong wala nang mananakit sa babaeng to. 

''Sshh. ---  Sorry. Ako ang dapat na magsasabi niyan --''

''Tashia! dios ko! ba't ka ba nakaluhod?! -- Kahit talaga kailan ka talagang bata ka!''

''Mommy! -- It's not what you think--''

Napangiwi ako nang batukan ako ni mommy. Hindi ko naman binitawan ang kamay ni Tash. From this night on, I will hold her. I will promise not to hurt her again. Not again. Alam kong magulo pa. Alam kong naguguluhan pa kami sa ngayon, but I'll give her a time to think. pero hindi ko na hahayaang palampasin pa ang kasal namin. Mahal ko siya. Mas minahal ko siya kesa noong naramdaman ko kay Noreen Maria.

My first heartbreak. 

My first love.

Ang babaeng pinakawalan ko dahil sa selos.

I kissed her hand. We will start again. 

And it will be better, now.

---

AN:

Pagpasensyahan na po ninyo ang magulo kong storya. Ako po'y hindi propesyonal na manunulat.

Maraming salamat po sa Votes po. Aasahan ko din po ang inyong mga suhestyon, komento at opinyon.



I Am Not Yours - CompletedWhere stories live. Discover now