Chapter 6

36.2K 711 49
                                    

Vote and comment po mga miss.
~~~~~~~~~~

Para akong hihimatayin. Nahawakan ko ang dibdib ko. Ang lakas pati ng kabog! Kanina pa nakalabas ng opisina niya si Mr. T pero parang nakikita ko pa rin siya na naririto. Ang kanyang matatalim na titig, ang kanyang malakas na boses pati na rin ang amoy niyang makapanindig balahibo.

Nagpabuga ako ng malakas na hangin. Grabe pala talaga si sir. Parang lahat ng kilos mo, pag-aaralan niya. Lahat ng galaw mo, may puna niya. T as in takot ako!

Nakita ko ang pinagpatungan niya ng kape kanina. Umaagos na iyon sa carpet. Napatakbo ako para agad iyong punasan. Kung bakit ang hilig yata ni sir magtapon ng kape. Magtitimpla, titikman tapos itatapon din naman, magdadabog at saka iiwan.

Pinatuyo kong maigi ang cupboard pati na ang kulay abong carpet. Baka kasi biglang bumalik si sir at masermunan na naman ako. Inayos ko na rin pati ang mga throw pillow ng sofa niya. Pinadaanan ng basahan ang lahat ng makita kong alikabok. Nang bigla akong nagulat sa kinatatayuan ko.

Biglang tumunog ang puting aparato mula sa mesa. Marahan kong nilapitan iyon. At lakas loob na pinindot ang speaker. Pakialamera lang 'di ba? Eh baka lang kasi emergency.

"Mayumi?" boses ng lalaki.

"O-Opo?" Kunot-noong balik kong tanong.

"Si John ito. Tapos ka na bang maglinis?" Nakahinga ako ng maluwag. Si Sir John lang pala.

"Yes sir." Inilibot ko ang paningin. At nakontento sa aking nakita.

"Good. Pwede ka nang bumalik sa storage room. Baka maabutan ka pa ni Mr. T dyan, uminit na naman ang ulo." Gumalaw ang ulo ko na parang makikita niya ang pagtango ko.

Nawala na siya sa linya. Nakagat ko ang labi ko. Nakakapag-init pala ako ng ulo. Parang pamplantsa lang ng buhok. Nakamot ko ang aking ulo. Kailangan ko na talagang magpagupit kay nanay. Siguro kapag may nakakakita ng buhok ko, naiisip agad ay plantsa. Kaya umiinit ang ulo nila.

Tama! I need a new hairdo. Natural kasing kumukulot ang buhok ko kapag mahaba na. Papaunat ako kay nanay. Baka mawala ang sungit ni Mr. T kapag nakita niyang bagong plantsa ang buhok ko. Napangiti ako.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang silid. Anlaki talaga. Parang bahay na namin sa sobrang lawak.

Papalabas na sana ako nang mamataan ko ang coffee maker. Naalala kong halos hindi nakainom ng kape si sir kanina. Lagi kasing nagdadabog. Ipagtimpla ko kaya siya?

Kaya dali-dali akong kumuha ng tasa, naglagay ng durog na kape sa filter at nagsalang ng tubig sa babasaging pitsel. Mabuti at may instructions na nakadikit sa gilid ng machine.

Hinintay kong kumulo. Sarap ng amoy ng mamahalin at mabangong kape. Sarap maging mayaman. Nagbuhos ako sa tasa. At hindi napigilan ang sariling tikman iyon. Tama ang pait. Tinimplahan ko na rin ng sugar and cream. Dinala sa malinis na table ni sir. Saka masinsin na tinakpan ng maliit na coaster.

Bago ako tuluyang lumabas ng silid, nag-iwan pa ako ng sulat sa memo pad ni sir at idinikit iyon mismo sa kanyang tasa. Na may naka-drawing na smiley. Parang si Laida at Miggy ng A Very Special Love lang. Kinilig naman akong bigla. Malay mo, maging kami at the end. Mas gwapo nga lang si Mr T kay Miggy Montenegro. At saka hindi naman kami nagkakalayo ng mukha ni Sarah, ah. Sarah Binalibagan nga lang!

30 Days with Mr. T (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon