Chapter 57

29.4K 581 31
                                    

Warning: Incomplete po ito sa Wattpad. Buy the book at PSICOM Shop, SHOPEE OR LAZADA
Maraming salamat po sa suporta 🙏

~~~~~

Salamat sa paghihintay mga loves.
Next update will be on Tuesday.
~~~~~~~

SPG

Napakadilim na sa labas. Binuksan ko na nga ang lahat ng ilaw dito sa apartment. Palakas pa ng palakas ang ulan. Isinarado ko na rin ang mga bintana. Kanina pa rin nagpa-fluctuate ang kuryente. Hindi maganda ito. Hindi maganda lalo na at may kasama ako. At hindi lang basta kasama ang kasama ko!

"Hoy!" nilingon ako ni Brix na seryoso pa ring nagtutupi. Pwede pala niyang gawing career ang pagpo-fold dahil masinsin na nakaayos ang mga iyon sa isang tabi. Pero hindi lang iyon ang kapansin-pansin. Pati na rin ang mala-tinapay niyang katawan na naka-display sa sala ko. Agad kong namataan ang hinubad niyang polo na nakasandal sa isang silya. Kinuha ko iyon at ibinato sa kanya. "Magbihis ka nga! At umuwi ka na. Baka bahain ka pa sa daan." Pabalang kong sabi.

Kakamot-kamot ng ulo na tumayo siya. Saktong tatalikuran ko na siya nang mamatay ang kuryente. Pucha talaga!

Nanggigigil akong nangapa sa dilim para hanapin ang cellphone ko. May flashlight doon na maaari kong gamitin habang naghahanap ng magagamit na panliwanag. Pero saan ko ba nailagay ang cellphone na iyon? Kanina lang hawak ko pa, eh. Nakamot ko ang ulo ko sa inis. Nananadya ang panahon. Sinusubok ako ng pagkakataon. Hindi na naawa sa 'kin. Gusto talaga akong pahirapan!

Naunahan ako ni Brix sa paglikha ng ilaw. Hawak niya ang cellphone niya na nakatayo sa gitna ng sala. At ang hayop! Wala pa ring suot pang-itaas.

"Wala ka bang kandila or kerosene lamp?" tanong niya. Anong akala niya sa 'kin, pulubi? Kerosene lamp? Kandila?

"Wala!" sagot kong halos pasigaw.

"Anong meron ka?" Kataka-takang hindi man lang siya naiinis eh halos bulyawan ko na siya.

"Wala nga!" inis ko muling sabi. Eh, kakalipat ko nga lang kasi. Malay ko bang magba-brown out?

"Three percent na lang ako, eh. Nasa kotse yung battery charger ko."

Eh, 'di kunin mo. Kahit pa umuulan ng malakas, magpakabasa ka. Ikaw ang may gustong pumunta rito sa apartment ko. Mangani-ngani ko nang sabihin. Kaso umiiral ang konsensya ko. Kapag nagkasakit siya, baka idemanda pa niya 'ko ng maltreatment at domestic violence!

"Sobrang lakas na ng ulan, napakadilim pa! Maghintay na lang muna tayo. Baka bumalik din naman agad ang kuryente at tumigil din ang ulan. Patayin mo na 'yang cellphone mo!"

"Okay." Aniya at dumilim na ang paligid.

Hindi ko alam kung nakatayo pa ba siya o kung umupo na. Naisip kong iwan na lang siya at tunguhin ang silid. Doon ako maghihintay ng kuryente.

Dahan-dahan akong naglakad papuntang kwarto. Mag-iisang linggo na rin naman ako rito sa apartment kaya medyo kabisa ko na ang interior.

Narating ko rin agad ang silid. Kaso ang malas, "Shit! Aray!" napasigaw ako. Bumangga ng malakas ang hinliliit ko sa paa. Yari pa naman sa bakal ang paa ng kama. Napakandirit pa ako bago napaupo. "Tss, aray ko naman!" Tinaas ko ang paa ko para hilutin ang daliri. Malamang mangitim ang kuko ko nito. Bagong pedicure pa naman ako!

"Mayumi, are you alright?" Muntik pa akong mapatalon nang marinig ko ang boses. At napasinghap nang maramdaman ko siyang tumabi sa akin. Ano ba siya, may third eye? Alam kung nasaan ako? "May masakit ba sayo? What happen?"

30 Days with Mr. T (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon