Chapter 14

31.5K 628 35
                                    

Lalala-lalala-la-ahhah...
Pagmasdan ang ulan
Unti-unting pumapatak
Sa mga halaman at mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim
Unti-unting bumabalot sa buong paligid tuwing umuulan...

Kinurap-kurap ko ang mga mata ko. "Ah! A-Aray! Napuwing yata ako. May pumasok sigurong tubig ulan sa mata ko." Pagdadahilan ko habang kunwari ay kinukusot ang mata.

Pagmulat ng isang paningin ko ay hawak na ni sir ang manibela. Umaandar na ulit kami.

Whew! Muntik na. Baka isipin ni sir abuso na ako masyado. Pinasakay na nga niya ako sa mamahaling kotse niya, ihahatid sa bahay at nabasa ko pa ang upuan niya. Tapos sisimangutan ko pa siya? Nakuuu May! Mawawalan ka na talaga ng trabaho!

Mga ilang kilometro na rin ang tinatakbo namin pero tahimik lang si sir. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko kaya nanahimik na lang din ako. Yakap-yakap ko ang aking sarili kasi nakadikit na sa katawan ko ang basang-basa at kaisa-isang uniporme ko. Poproblemahin ko pa tuloy kung paano ko ito patutuyuin para may maisuot ako bukas.

"Shit!" gulat akong napatingin kay sir. Biglang bumagal ang takbo namin at agad ding huminto ang kotse. Sinubukan niyang i-start ang makina pero ayaw at pumugak-pugak lang. Ini-start niya ulit, ayaw pa rin. Napalo tuloy niya ang manibela. "We're out of gas! Tss!"

Hala! Napakalakas pa naman ng ulan. Halos wala na ring sasakyang dumadaan at nasa gitna pa kami ng kalsada. Pero sandali akong may naalala.

"Mr. T, may alam akong gasoline station na malapit. Mga tatlong kanto mula rito."

"And how do you expect us to get there?" nilingon niya ako at mukhang asar talo ang mukha niya. Kahit medyo madilim ay nakita ko pa rin ang naka-kunot niyang noo dahil sa liwanag na nagmumula sa mga nakapaligid na poste ng kuryente.

"Ako po ang bahala!" nakangiting sabi ko sabay baba ng kotse niya. Tutal naman ay basa na rin ako. Tatakbuhin ko na lang ang papuntang gasoline station at magtatawag ng gasboy. Pasasalamatan pa ako ni sir nito.

Excited na akong tatakbo nang may humila sa akin at napasubsob ako sa matigas na bagay. Umatras ako pero mas napadikit pang lalo ang mukha ko sa mala-kahoy na bagay na iyon.

"Damn it, you twit! Nagpapakamatay ka ba?" ang lapit ng boses. Tumingala ako at nakita ko ang mga mumunting balbas sa mukha ng isang gwapong mama. "Hindi mo ba nakita iyong motor na dumadaan? Muntik ka nang masagasaan! Hindi ko alam kung tanga o bobo ka!" galit na galit siya.

"M-Mr. T?" bakit ba? Ano ba ang nangyari? At bakit nakayakap yata siya sa akin?

Hinila ako ni sir pabalik ng sasakyan. Hawak niya ng mahigpit ang braso ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Itinulak ako para muling makasakay. Umikot siya at saka tumabi sa akin. Nagpindot sa kanyang cellphone. Kanina hindi niya ginawa ang mga iyon kay Lily niya. Tapos sa akin?

"Hello!" inis na bati niya sa kausap sa cellphone. "I ran out of gas. Send me someone to pick me up... I'm still in Alabang... Yes! Now." Pinindot niya ulit ang phone at inihagis sa loob ng compartment na nasa harapan ko. Bahagya tuloy niyang nasagi ang mga tuhod ko. Napalunok ako kasi nagtaasan agad ang mga balahibo ko. Hala, baket? Lalo ko tuloy naramdaman ang lamig kahit pa nakapatay na ang makina dito sa loob ng kotse ni Mr. T.

"Ayos ka lang ba?" bahagya akong napanganga kasi nakaharap sa akin si Mr. T ngayon at parang inaalala ako.

Lumunok muna ako. Nakaka-intimidate naman itong si sir. Kinakabahan tuloy ako. Bakit ba siya nakakatakot? Bakit ba ako natatakot sa kanya?

"S-Sir yes, Mr. T." Mahina kong sagot.

"Ano ang akala mo sa sarili mo? Si wonder woman na sasagasa sa malakas na buhos ng ulan? You didn't even think of the danger outside..." sa gilid ng mga mata ko, kita ko ang isang braso ni sir na nakapatong sa manibela habang ang isang kamay ay nakapatong sa hita niya. "Hindi mo man lang ba nakita yung paparaan na motor? You almost got killed there!" Napayuko ako. At umiling. Eh sa hindi ko talaga nakita anong magagawa ko? Basta ang nasa isip ko na lang ay makarating agad sa gasoline station. Para makatulong sana. Kaso, muntikan pang maaksidente. "Disgrasya ka talaga!"

Napanguso ako. Oo na nga! Disgrasyada na kung disgrasyada! Engot ako anong magagawa ko? Ipinanganak nga yata ako sa mali-mali kaya nagkandamali-mali rin ang buhay ko. Mas lalong napasubsob ang ulo ko. Nakakahiya ka, Mayumi!

Huminga ako ng malalim. Balak mag-sorry kay Mr. T. Pero nagulat ako nang pag-angat ko ng ulo ay naghuhubad siya ng damit niya.

"N-Naku sir, wag po! M-Maawa po kayo. Gagawin ko po lahat ng utos nyo wag nyo lang pong ituloy ang binabalak nyo..." Nanginig ang mga kamay ko. Iniisip siguro ni sir na dahil sumang-ayon akong tawagin niyang disgrasyada ay papayag na rin ako na makuha niya ang katawan ko. "P-Parang awa nyo na..." Mahigpit kong hinawakan ang damit ko bago pa ako mahubaran ni sir. Sana pala hindi ako pumayag na magpahatid sa kanya. Sana pala hindi muna namin hinatid si Lilybugi-, never mind. Hindi pa ba siya nakuntento sa syota niya? Pati ang isang inosenteng kagaya ko ay papatusin niya? Oh nooo!

Ang laki ng bilog sa bibig ni sir. Nanliliit din ang mga mata niya. "WHAT?" Napabuga rin siya ng hangin. At parang hindi makapaniwala ang mukha niya. Ang akala siguro niya ay madali niya akong makukuha.

Nabigla ako nang pitikin niya ang noo ko. "Awww!" Masakit iyon ah! Hinimas ko ng mga daliri ang noo ko.

"Stupid imagination! You fantasize too much kid. O!" Iniabot niya sa akin ang suit na hinubad niya. Naiwang suot pa rin niya ay kulay kremang polo. "Isuot mo!" Kinuha ko naman. Pero tiningnan ko lang. Hindi ba niya ko rereypin? Pwede naman kung talagang mapilit siya eh. Malahian man lang ba ng Talaserna 'divah?! Kaya nakamot ko ang ulo ko. "I said wear it before you get sick!"

Wow! Ano raw? Toroooy tologoh! Ba't parang ambait niya kahit naninigaw siya? Ikaw sir ha. Crush na talaga kita from now on.

Hindi mapilas ang ngiti sa labi ko habang isinusuot ang damit ni sir. Akalain mo? Parang yakap ko na rin siya dahil galing ang damit na ito sa mismong katawan niya! Oh-em-gee!

Malayo pa lang ay sinasalubong na ako ni Magilas. May dala siyang payong at kahit medyo madilim dahil gabing-gabi na ay nakita ko pa rin sa mukha ang pagtataka. Syempre naman!

Ako si Donya Mayumi Talaserna y Dimabuyu! Katabi ko si Don Brix Talaserna habang sa harapan namin ay ang sumundo sa aming driver na naka-uniporme pa.

"Tss! You're too young for a live in partner." Narinig ko si sir sa tabi ko at ang sama ng tingin kay Magilas. Ano ba ang sinasabi niya?

"S-Sir?" Magtatanong pa sana ako.

"Baba!" Galit na utos niya.

"P-Po?"

"I said get out of my car!"

Dali-dali akong bumaba. At mabilis na humarurot ang mamahaling kotse. Ni hindi na ako nakapagpasalamat. Hindi ko na rin naibalik ang damit ni sir.

~~~~~~~~~~
Kasabay ng ulan bumubuhos ang 'yong ganda,
Kasabay ng hanging kumakanta
Maari bang huwag ka nang sa piling ko ay lumisan pa
Hanggang ang hangi't ulan ay tumila na
Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo 'di mapipigil
Ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka.
~~~~~~~
Imajinin nyo na lang, si author ang kumakanta. Ikaw ang kinakantahan ko, bes. Ayiiiee! 🎶 🎵 🎶🎤🎼🎧

30 Days with Mr. T (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon