Chapter 55

29.4K 619 40
                                    

Ten more chapters to go... Kaya abang-abang mga loves😘
~~~~~~~~

I was relieved of my duty for one whole week. Akala ko nga ay tanggal na ako sa trabaho. Napagalitan ako ng principal. Ano raw ba ang nangyari sa 'kin? Kung bakit hindi ko napigilan ang sarili kong emosyon? Minsan talaga, kapag nagtatalo ang isip at puso, mas nananaig ang puso. Kaya nga napahamak ako dahil sa pusong iyan.

Si Leng ang nagsabi, kapag mahal mo ang isang tao, at gusto mong patunayan iyon sa kanya, ibuka mo lang agad at siguradong mamahalin ka rin niya. Sieteng paniniwala iyan! Kaya ako bumukaka noon dahil sa payo na iyan na walang katotohanan. At sinong napahamak, hindi ba ako rin? Ang dapat na tamang sabihin, huwag mong ibuka, kahit pa mahal mo iyan! Isusuko mo agad ang bataan ng walang kasiguruhan? Ni hindi mo alam kung hanggang saan at hanggang kailan kayo? Katawang lupa mo lang ang paliligayahin mo at pagkatapos ay ano? Habang buhay na pagdurusa!

Naputol ang pagmumuni-muni ko dahil sa mararahang katok mula sa pinto. Itinigil ko muna ang pagkukumpuni sa silyang kulang ang screw kaya pala pipilay-pilay. Tatlong araw na akong nag-aayos ng lugar na 'to kung bakit marami pa ring tambak na mga gamit ko.

Napakunot ang noo ko nang mabungaran si Pol sa pintuan ng aking apartment. May dala siyang supot.

"I brought you some food." aniyang nakataas pa sa harapan ko ang bitbit.

"Ano ka ba, Pol? Bakit nagdala ka pa ng pagkain?" Pinaraan ko siya upang makapasok sa loob.

Dumiretso siya sa kusina na tila kabisado na ang mga parte ng apartment ko, samantalang minsan pa lamang naman siya nakapunta rito. Noong hinatid niya ako pagkatapos ng nakakakalokang conference na iyon.

"Alam kong hindi ka pa kumakain." Nalipasan na nga ako ng gutom. Mag-aalas kwatro na ng hapon. Napangiti ako nang siya na ang kumuha ng plato at kutsara mula sa paminggalan. "Come on. Let's eat."

Umupo ako sa isang silya paharap sa kanya.

"Wala ka bang pasok?" usisa ko habang pinanonood ang pagsalin niya ng ulam sa plato.

"Wala na." Sagot niya habang ipino-fold paitaas ang manggas ng kanyang polo.

"Wala na?"

"Undertime ako. Para matulungan kita rito." Nginitian niya muna ako bago nagpatuloy sa ginagawa.

Tss. Bakit ba ganito si Pol? Napaka-concern, napaka-generous at napaka-helpful sa akin. Minsan naiisip ko tuloy, baka may iba na siyang pagtingin sa akin. Kaso ayoko namang i-entertain ang ganoong palagay. Hindi pa rin kasi ako handa. Mabuti na nga lang ta hindi siya nagbabanggit tungkol sa nakaraan.

"Kain na."

Sabay kaming kumain ni Pol. Nagkwento siya tungkol sa araw niya. Isang Education Consultant at Specialist si Pol. Nagpa-part time professor din siya sa UP at sa Ateneo.

"Ikaw, kumusta naman ang araw mo?" tanong niyang nagsalin muli ng kanin sa plato ko.

"Ano ka ba, Apolonio? Busog na busog na 'ko!" pigil ko sa ginagawa niya. "Pinapataba mo ba 'ko?" sumimangot pa ako.

"Wala ka kasing kataba-taba sa katawan. Simula noong nakilala kita, hindi pa nadagdagan iyang timbang mo. Ganoon ka pa rin noon hanggang ngayon. No wait," tumigil siya sa sinasabi at saka tila nag-isip. "Mali ang sinabi ko. Dahil mas gumanda ka nga pala. Kaya nga ayoko nang umalis kapag nakikita kita." Lumapad pa ang ngiti niya.

"Dinidigahan mo ba 'ko, Apolonio?" matapang kong tanong. "I saw you the other night na may kasamang babae. Ang sweet nyo pa nga!" Imbentong biro ko sa kanya.

Natigilan siya sa pagnguya. Biglang namutla. "This is embarassing. Paano kita popormahan kung nabuking mo na 'ko agad?" Napanganga ako. Inaamin ba niya? Nakamot niya ang kanyang ulo. "Ang hirap kasing maghanap ng perfect girl, eh. Kaya I'm trying to collect them and then later on select the right one."

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nabatukan ko siya.

"Ahh!" napahawak siya sa ulo. "Why did you do that?" Nakasimangot niyang tanong.

Mas sumimangot din ako. "Sira ulo ka, eh. Mangongolekta ka ng babae saka ka pipili? Hindi ka na naawa sa mga babae mo. Para kang hindi teacher, ah."

Nakamot niya ang ulo niya. "Sila naman ang lumalapit, eh."

"Kahit na! Chura nito!" Gwapo kasi kaya sinasamantala. Mga lalaki talaga.

Pagkatapos kumain ay pinalayas ko na agad si Pol. Nabwiset ako sa kanya. Although, I've heard lots of him being a womanizer, hindi ko naman ini-expect na manggagaling iyon sa mismong bibig niya.

"Baby, buksan mo'ng pinto. May nakalimutan ako."

Napaikot ang mga mata ko sa ere. Nasa labas pa rin ng pintuan ko si Pol?

"Ano naman ang naiwan mo?" Pag-awang ko sa pinto.

"Nakalimutan ko'ng kiss ko." Ngumuso pa siya sa harap ko.

Tinampal ko ng palad ko ang nguso niya.

"Ayan ang kiss mo! Alis na!"

Tatawa-tawa siyang napakamot sa ulo. At nag-flying kiss pa bago tuluyang tumalikod. Nakita ko pa siyang sumakay ng kanyang kotse. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko. Siraulong Pol. Isasama pa 'ko sa listahan ng mga babae niya. 'Kala mo naman kung sinong napaka-gwapo. Eh, mas gwapo pa si Mr. T sa kanya.

Natakpan ko ang bibig ko dahil sa naisip ko. Kahit hindi naman iyon lumabas sa bibig ko pakiramdam ko ay naipagkanulo ko ang sarili ko.

"Init lang 'to!" malakas na sabi ko nang maisara na ang pinto. "Mayumi, concentrate!" utos ko pa sa sarili at kinuha ang martilyong nakakalat katabi ng sirang silya. Idadaan ko na lang sa pukpok ito. Sinimulan kong magpukpok. Mahirap din palang maging karpintero. Akala ko madali lang. Bakit si Magilas, kayang-kaya niyang magkumpuni ng mga sirang gamit sa bahay? Nakagawa pa nga sila ni tatay ng magandang bench sa backyard, katabi ng swing na palaging sinasakyan ni Marikit.

Hindi ko halos narinig ang mga katok buhat sa pinto dahil sa ingay na gawa ko. Ano naman kaya ang nakalimutan ni Pol?

Hawak ang martilyong tinungo ko ang pintuan. Pinunasan ko pa ang pawis na tumulo sa aking mukha.

Binuksan ko ang pinto.

"Pol, ikaw ang pupukpukin ko 'pag 'di ka pa tumi—"

Ako ang natigilan. Hawak ko ang martilyo at muntik ko nang gamitin iyon sa sarili ko. Mabuti na lang ay naibaba ko na ang kamay ko. Dahil hindi si Pol ang may gawa ng mga katok na iyon.

Nakatutok ang mala-mata ng pusa sa mata ko. Hindi ako makakurap dahil para akong nahihipnotismo.

"Can I come in?" seryosong tanong. Para akong robot na nagbigay ng espasyo. Lumibot ang kanyang mga mata sa loob ng apartment ko. "You're alone?" tanong niya.

Napatango ako. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya. Nakita kong siya na ang nag-lock ng pinto nang makapasok siya.

Malalakas na tunog. Malalakas na nakakabingi. Hindi ko alam kung naririnig niya, pero napakalakas ng kabog ng dibdib ko.

Napalunok ako nang pagmasdan ko siya mula ulo pababa. Nakasuot ng kulay gatas na polo na nakatupi hanggang siko ang manggas. Nakabukas ang unang tatlong butones sa dibdib niya kaya may nakasungaw doon na naaaninag ko na. Itim ang kanyang pantalon na tinernuhan ng itim ding leather shoes. Malayong-malayo sa suot kong simpleng walang manggas na daster na mas makulay pa sa rainbow.

"Aren't you going to ask me to sit?"

Namamalikmata akong nanghila ng silya. At dahil sa taranta, nahila ko ang silyang inaayos ko kanina. Mauupo na sana siya roon nang maalala kong sira nga pala iyon at pwede siyang matumba.

Walang pag-iisip na nayakap ko siya para pigilan bago pa niya maupuan ang silya. Huli na nang ma-realized ko ang aking nagawa. Dahil gumanti rin siya sa akin ng yakap. Pagkatapos ng mahigit anim na taon, muli kaming nagyakap ni Brixander Talaserna.

Itutuloy...

30 Days with Mr. T (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon