Chapter 19

29.7K 752 40
                                    

Sino na ang may anak na rito? Ipagmalaki ang mga bunga ng pag-iibigan? Taas kamay mga kapatid!🙋🏼‍♀️🙋🏼‍♂️
~~~~~~~~~~

Hindi ko alam kung seryoso si Dorisa sa banta niya. Kanina pa siya nakaalis pero hindi pa rin ako makakilos. Paano nga kung totohanin niya ang sinabi na palalayasin kami rito? Saan naman kami pupunta? Saka nandito na sa Cupang ang kabuhayan namin. Maski paano ay nakakaraos naman kami.

Naramdaman ko ang mga kamay ni Marikit na yumakap sa akin. Tiningnan ko ang mga mata niyang nag-aalala rin. Mali na ipakita ko sa kanya ang nararamdaman ko. Masyado pang bata si Marikit para mamroblema.

Mabilis akong ngumiti at gumanti rin ng yakap sa kanya.

"Hayaan mo iyong medusa na iyon, bunso. Loka-loka iyon. Hindi nila tayo mapapaalis dito. Magbabayad naman tayo kay Mrs. Smith." Kumawala ako sa yakap niya at saka tinitigan siya sa mata.

Napakaganda ng kapatid ko. Sa edad niyang pitong taon ay halata na ang kakaibang amo ng kanyang mukha. Bagay talaga sa kanya ang kanyang pangalan. "Marikit, nakilala ko kanina ang lolo ni Mr. T. Si lolo pogi na jooding na gustong magpakasal kay Kang Dong Wong. Isasama ako ni Mr. T mamaya sa farm nila para sundan si lolo pogi. At alam mo ba ang ibig sabihin no'n?" Nagtatakang umiling si Marikit. "Ibig sabihin, hindi ako matatanggal sa trabaho at baka madagdagan pa ang sweldo ko. Kapag nadagdagan ang sweldo ko, makakapag-aral na si kuya..." hindi ko mapigilan ang sarili na yakapin si bunso. Mayroon na rin kasing gustong lumabas na tubig sa mga mata ko, eh. "P-Pati ikaw, Marikit. Malapit ka nang mag-aral sa school. Iyong totoong aral. Iyong may mga classmates. Para hindi lang si ate ang maging teacher mo..." At kapag nangyari iyon, baka makapagsalita ka na, bunso.

Napapikit ako. Tuluyan na kasing pumatak ang mga luha ko. Pinatingnan naman namin noon si Marikit sa doktor. Wala naman daw deperensya ang dila niya, maging ang bokal corn niya okay naman daw. Wala naman siyang nalunok na buto ng santol o kaya buto ng rambutan para maharangan ang boses niya. Pero lahat kami naghihintay pa rin kung kailan siya makakapagsalita.

Pasimple kong pinahid ang mga luha ko. "Gusto mong puntahan natin sila tatay at nanay sa parlor?" masigla kong tanong. Naramdaman ko ang pagtango niya. Kaya kahit medyo mabigat na siya ay agad ko siyang kinarga.

"Bakit napakatagal naman yata ng sundo mo, anak? Sigurado ka bang isinasama ka talaga ng boss mo sa bukid nila? Baka naman anak nagkamali ka lang ng dinig?" Nagsasandok si nanay ng kanin para sa hapag. Kanina pa kasi ako naghihintay kay kuyang driver na naka-uniporme. Sabi niya ay alas-sais ng gabi pero mag-aalas siete na. Kanina pa nga ako nakabihis. Nakahanda na rin ang mga gamit ko. Isang maliit na maleta at isang backpack na sukbit ko kanina pa.

"Sigurado akong alas-sais ang sabi ni kuyang driver. Bakit kaya wala pa? Natrapik kaya? O baka naaksidente si kuya?" Hala, baka nga! Marami pa namang riding in tandem ngayon na pakalat-kalat sa kalye.

"Ate, ihatid na kaya kita? Baka mahuli ka sa flight mo. Nasaan ba ang ticket mo? Patingin nga." Lumapit sa akin si Magilas. Kakauwi lang niya galing Tee bilang messenger.

Napatayo ako para sumilip sa bintana. "Wala akong tiket. Na kay sir John."

"Sino naman si sir John?" tanong ni tatay na kanina pa nakaupo sa hapag katabi ni bunso, naghihintay ng hain ni nanay.

"Secretary po siya ni Mr. T, 'tay." Sagot ko na nadismaya dahil wala pa rin ang kotseng minamaneho ni kuyang driver. Marahan akong naglakad at tumabi kay Marikit. Saktong naglagay na ng kanin at ulam si tatay sa plato ni bunso. Kahit nagtataka, kinuha ko pa rin ang kutsara sa harapan ni Marikit at saka siya sinubuan ng pagkain. Marunong naman magsubo mag-isa si Marikit pero gusto ko lang gawin ito ngayon habang naghihintay. Baka matagalan bago ko ito magawa sa kanya ulit. Ngumanga naman si bunso at kumain.

30 Days with Mr. T (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon