Chapter 31

27.5K 552 39
                                    

Drama po muna tayo ngayon. Babala: Maghanda ng tissue kapag nagsasarili! Baka umagos at kung sa'n pa pumatak iyan! Ahihi!

Ang higpit ng pagkakahawak sa kamay ko. Parang nawalan na ako ng dugo.

May sunog ba? Para kasing nagmamadali kami ni Brix na makapasok ng kabahayan. Nasunog kaya ni Gloria ang sinaing? At nakalimutan niyang patayin ang kalan? Ang engot naman niya!

Nag-swing ang kamay ko nang bitawan ako ni Brix.

"Tigilan mo ang pag-arte sa harap ng mga tao ko!" Nakahawak siya sa magkabila kong balikat at tutok na tutok ang nag-aapoy na mga mata sa akin. "Ayokong lumalapit ka kay Ben. And don't you ever get close to him again! I'm your fiance' and not him, naiintindihan mo?" Pabalya niya akong pinakawalan. Saka muling dinutdot ang aking sentido. "Nakalimutan mo na ba ang pinirmahan mo? You are not allowed to flirt with anyone. Iyan ang isaksak mo sa kukote mo!"

Napatungo ako. Mali na naman ba ako? Lahat ng ginagawa ko, walang tama. Lahat ay pagkakamali. Ganoon ba talaga ako kabobo? Dapat bang maniwala na ako sa mga biro sa akin ni Leng? Na bobita raw ako? Engot? Eng-eng? Tanga? Ibig bang sabihin, hindi siya nagbibiro nang mga panahong iyon? Ang akala ko pa naman, binibiro lang ako ni Leng.

Nakagat ko ang labi ko nang makadama ako ng pagkirot sa dibdib ko. Parang may harang sa lalamunan ko at ang hirap huminga. Inaatake ba ako sa puso?

"Shit! Why am I even talking to you like this?" Bahagya siyang tumalikod. Sa likod ng aking mga mata ay nakita kong napasabunot ang isa niyang kamay sa ulo niya. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Kasi, dahil sa inis niya sa akin, sarili niya ang napagbubuntunan niya ngayon. Ako dapat ang sasabunutan niya. Pero dahil mabait siya at ayaw niyang idemanda ko siya sa kasong physical injury ay buhok niya ang hinila niya. Nakakaawa siya talaga.

"S-Sorry," mahina kong nasabi.

Muli niya akong tiningnan. Nagtama ang aming paningin. Nakita kong napalunok siya. At bahagyang bumuka ang bibig.

Napigil ko ang aking hininga nang may mabigat na kamay na humila sa akin.

Palapit. Kay Brix na inilapit ang mukha ko sa kanya at hinila ako para...

Halikan?

Parang lumamlam ang paligid. May mga ulap akong nakikita. Nanlabo ang aking paningin. Kaya napapikit ako.

Una ay may dahas. Mariing mga halik na parang sinisipsip ang lahat ng parte ng bibig ko. Tapos ngayon ay biglang bumagal. Na parang nilalasahan ang mga labi ko.

Nagtayuan ang mga balahibo ko. May kuryenteng dumaloy mula sa aking batok, sa aking mapuputing balikat hanggang sa aking tiyan.

Lasang hindi ko kailanman makakalimutan. Pakiramdam ko nga ay tutumba na ako. Nakapanghihina pala ng tuhod ang isang halik na katulad nito.

Sa eroplano, dampi lamang pero para na akong naliyo. Sa farm, na pumuno ng hangin sa dibdib ko. At ngayon, dito sa sala mismo ng malaking bahay ng mga Talaserna naranasan ko ang mahalikan habang may tila tumutusok sa damdamin kong hindi ko maintindihan. Pagtusok na parang masakit, na parang hindi, na parang gusto kong mangiti at parang gusto ko ring maiyak. Bakit ganito ang tamis ng unang halik ko?

"Sunooog! Sunooog!"

Narinig naming ingay kaya bigla akong itinulak ng ka-french kiss ko. Hinabol ko pa nga kaso ang bilis nakalayo.

"Gloria!" asik ni Brix.

Napatingin ako kay Gloria na nakatakip ang bibig. Siguradong nahuli niya ang mga pda sa sala ng mga Talaserna.

"S-Sir Brix, sorry po." Namumutla niyang paghingi ng paumanhin. "N-Nasunog po kasi ang sinaing. Nakalimutan kong patayin ang kalan." Sabi ko na nga ba!

"And then?" Nanliit ang mga mata ni Brix habang umaalon ang dibdib. Nakatingin siya sa kasambahay na mukhang napabayaan sa kusina.

"A-And then, I have to go back to work." Napataas ang kilay ko. Galing palang mag-english ni Gloria?

"Good!" Pagkasabi ni Brix ay tumalikod na rin ang tila nahintakutang chubby na kasambahay na labandera.

"Istorbo..." bulong ko habang pinagmamasdan ang papalayong si Gloria.

"And you!" halos singhal ng kaharap ko sa akin. "Get away from my sight!"

Amp?!

Napayuko ako. Akala ko ay itutuloy niya ang naantalang kiss-kiss-an namin. Lalo tuloy nanikip ang dibdib ko.

Pagtalikod ay narinig ko ang isa pang panlalait sa pagkatao ko.

"Stupid! Why do you have to be so stupid?"

Mariin akong napapikit. Binilisan ko ang pagpasok sa silid ng palakang naging prinsesa. At ni-lock ang pinto.

Doon na tumulo ang kanina ko pa pinipigilang pagluha. Nanghihina. Marahan akong naglakad. Patungo sa mga nakahilerang aklat na nakasalansan sa isang kabinet. Saktong mayroong dictionary doon. Binuklat ko ang libro habang panay ang pagpatak ng mga luha ko.

Letter 'S' ang start no'n, 'di ba? Suminghot ako dahil barado na ang ilong ko.

According to this book, having or showing a great lack of intelligence or common sense ang ibig sabihin ng salitang stupid. Sa ibang salita, unintelligent, ignorant, brainless, mindless, foolish, slow... at mahaba pa. Ang dami pala talagang meaning ng stupid. Hindi matalino, ignorante, walang utak, walang isip, tanga, makupad, boba...

Napaupo ako sa kama. Pinahiran ko ng likod ng aking kamay ang aking pisngi. Nakita ko ang repleksiyon ko sa salamin.

Tama siya. Kahit bihisan ako, hinding-hindi ako babagay sa kanya. Kahit magmilagro, kahit may shot gun wedding pa, kahit tingin ni Madam Buttercup at lolo pogi ay ang ganda-ganda ko na... Isa pa rin akong janitress sa paningin ni Brix. Mababang uri, mababang klase. Walang pinag-aralan at walang alam. Kahit pa ilagay ko sa ilalim ng unan ang dictionary na ito para tumalino ako, wala pa rin akong pag-asa. Isa pa rin akong shunga sa paningin niya.

Noon ko nakita ang babae sa salamin. Ilang araw na lang ay engagement party na. Sabi ni lolo pogi ay ipapakilala raw ako sa mga kakilala at malalayong kamag-anakan nila. Ang babaeng iyan na nabihisan ay magpapanggap na piyansey ni Mr. T. Dahil inutusan, dahil babayaran. Eh bakit luha siya ng luha ngayon? May kapalit naman ang lahat ng ito, 'di ba? May kapalit naman ang sakit na nararamdaman ko ngayon?

Thirty days lang, Mayumi. Ilang araw na nga ang lumipas. Magtiis ka na lang kahit ano pa ang sabihin niya sayo. Bakit ka ba iyak ng iyak? Ano mo ba siya? Ano ka ba niya? Amo mo lang siya at hindi tunay na kasintahan.

Iyon na nga ang masakit. Hindi niya ako kasintahan. Pero hinalikan niya ako. Tapos nilait niya ang pagkatao ko. Parang pinaglalaruan niya ako. 'Di ba nakakaiyak iyon?

Agos pa rin ng agos ang mga luha mula sa aking mga mata. Napahiga ako yakap ang mahiwagang dictionary.

Einstein once said, the difference between stupidity and genius is that genius has its limits...

At dahil hindi ako genius, wala akong limit. Kaya unlimited ako.

Huminga ako ng malalim. Nananalangin na pagpikit ko, makatulog ako ng mahimbing at makalimutan ang maiinit na halik ni Brix. At sana bukas, kabisado ko na ang nilalaman ng buong dictionary.

Sana...

~~~~~~~~
Well I guess it's been a while
Since I've seen the sunshine
Since I have smiled
And me, who's so well versed
Is feeling so damn empty
Is at a loss for words
Forgot what it's like
To just to feel okay.
I'm praying for the day
When there is no more rain.
And I don't wanna do anything but cry
Well I hardly feel alive
I'm going through the motions
But I don't feel like trying.
The hole in my heart is growing bigger by the day
I wish that I could crawl inside
Hide away.

30 Days with Mr. T (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon