Chapter 37

28.3K 544 37
                                    

Let's learn english mga bes. Samahan natin ang ating bidang si Mayumi. Let's cheer her. Go Mayumi!
~~~~~~~~~

"Cornucopia, the property of being extremely abundant. Parang si Mr. T, extremely abundant..." napatingin ako sa kisame habang nag-iisip. "Cerebral is relating to the brain. Parang ako, all thanks to my brain. Chafe means to make sore by rubbing. Parang yung mga lalaking nagsasariling sikap kapag nakakakita ng mga sexy." Muli kong sinilip ang hawak kong pahina ng dictionary. "Climactic is consisting of or causing a decisive moment. Root word, climax. Kapag narating mo na ang rurok ng jugjugan, climax na iyon. Cliche, a trite or obvious remark. Parang yung kwento nina Kenneth Hermoso at Melissa Mantova sa Ms. Fearless versus Mr. Fierce. Sobrang cliche pero kakakilig pa rin!"

Biglang tumunog ang cellphone ko. Si nanay pala. Gustong makipag-chat. Mamaya ko na itutuloy ang homework ko. Pinapabasa kasi sakin ni Apol ang buong letter C na mga salita sa dictionary. Tapos ko na kasi ang A at B. Sabi nga ni Sir Apol, ako ang best student niya. Ako lang kasi student niya, eh.

"Nanay! Kumusta na po?" masigla kong bati nang i-accept ko ang tawag.

"May! Naku ang ganda mo naman ngayon, anak." Puri sa akin ni nanay na mukhang bagong kulay ang buhok. Hindi ko kasi makita ang mga uban niya. "Mayaman talaga si Mr. T at pati mga damit ng janitress ay libre at ang gaganda pa!"

Paanong hindi mapapalatak si nanay sa ayos ko? Ganda ng kulay rosas na bestidang suot ko. Labas pa ang dalawang balikat ko. May lakad kasi ako mamaya. Ipapakilala ako ni lolo pogi sa judge na magkakasal sa amin ni Brix.

"Naku, nay! Inaalila po masyado iyang anak nyo ng boss niya, 'no!" Napalapit ang tingin ko sa screen. Bakit may nakikisabat sa likod ni nanay? At may hawak pang gunting!

"Leng? Ano'ng ginagawa mo? May balak ka bang masama sa nanay ko? Bitawan mo ang gunting na iyan kung ayaw mong igupit ko yan sa ga-munggo mong nipol!" galit kong utos sa kanya.

"Gaga! Tinutulungan ko si Nanay Riza rito sa parlor." Paliwanag niya. "Saka totoo naman ang sinasabi ko, ah. Inaapi ka nila riyan."

"Anak, totoo ba ang sinasabi ni Leng?" usisa ni nanay. Bigla tuloy siyang nag-alala para sa akin. "Umuwi ka na lang kaya rito? Baka mapahamak ka lang diyan."

"Mayumi!" may malalim na boses akong narinig. "Umuwi ka na! Bumalik ka na rito. Kahit mahirap lang tayo, walang karapatan ang sinoman na alilain ka!"

"Correct, Tatay Nel!" si Leng ulit na nakita kong ginugupitan ang display na manekin.

"Tama ang itay mo, anak." Sang-ayon din ni nanay kay tatay na marahil ay may ginugupitan at nakikisabat lang din sa usapan. "Umuwi ka na kung nahihirapan ka na sa trabaho mo."

Ngumiti ako sa harap ng screen.

"Nay, ganito ba ang nahihirapan? Pagmasdan nyo po ako." Inilayo ko pa ang cellphone ko para mas makita niya ang kaseksihan ko. "Masaya po ako na makatulong sa inyo. Huwag po kayong maniwala kay Leng at wala lang masabi ang panget na iyan!"

"Panget ka rin!" ganting sigaw ni Leng. Hindi talaga siya marunong tumanggap ng katotohanan.

Napabuntong hininga ang nanay ko. Hindi naman siya agad maniniwala sa akin, alam ko.

30 Days with Mr. T (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon