P R O L O G U E

1.4K 71 6
                                    

"New world, new friends and new adventures. Let's make another history!"


*****


Sa nakalipas na sampung taon, naipanganak at nailunsad ang kauna-unahang VRMMORPG sa buong mundo. Ito ay kilala sa pangalan na Fantasy World Online. Ang larong ito ay pumatok at naging sikat sa mga tao noong mga panahong iyon. Marami ang namangha, nagulat at hindi makapaniwalang magkakaroon ng isang laro katulad niyon hindi lang dahil sa katalinuhan ng isang tao kung hindi dahil narin sa advancement of technology. 

Ang larong ito ay nagbigay ng kasiyahan at ka-kontentuhan (satisfaction) sa mga tao lalo na sa mga taong mahilig maglaro o mas kilala natin sa tawag na "gamers". Ngunit, kabalikat ng kasiyahan ang kapighatian. Hindi inasahan ng lahat na ang larong ito ay pwedeng mangyari sa katotohanan. Tila parang fantasy turned to reality na inakala ng lahat na hindi kailanman at imposibleng magkatotoo. 

Isang magaling na scientist at game developer ang nakadiskubre at nakalikha nito. Siya ay si Ashther Luke Garcia na namayapa mismo sa kanyang laro. Ang kakayahan niyang ito ay ginamit niya upang maghiganti. Ginamit niya ang FWO para maghiganti sa lahat ng taong nang-maliit at tumapak sa kanyang pagkatao. Kasama na doon ang kanyang mahal na kapatid sa si Ashe Kyle Garcia. 

Nagdulot ng napakabigat na problema sa mga tao ang larong FWO. Hindi biro ang pinagdaanan ng mga player sa loob ng larong ito. Marami ang nadamay at marami rin ang nasawi. Binago ng larong ito ang normal na takbo ng mundo. Halos three thousand (3,000) na katao ang namatay at six hundred (600) lang na katao ang nakaligtas. 

Nawakasan ang laro matapos ang tatlong taon. Maraming pamilya ang nawalan ng mga mahal nila sa buhay gawa dahil dito. Pero hindi rin naman nagtagal, naging payapa na rin ang kanilang pamumuhay dahil sa hustisyang kanilang natanggap.

Limang taon ding hindi pinahintulutan ang pagpapalabas ng kahit anumang klase ng VRMMORPG sa buong mundo. Ito ay para narin sa kaligtasan ng lahat ng tao. Pero hindi naman doon natatapos ang lahat. Habang dumadagdag ang taon, patalino ng patalino ang mga tao. Maraming kakaibang mga bagay ang naiimbento.

This includes the birth of another game genre that is called ARMMORPG or "Augmented Reality Massively Multiplayer Online Role Playing Game" na inilunsad ng Wallhaven Inc. sa iba't-ibang parte ng mundo. Ang larong ito ay galing mismo sa pangalan niya na nangangahulugang 'mas pina-enhance na reality'. Para mas maintindihan, mas pinapaganda at binabago niya ang normal na bagay na nakikita mo sa paligid mo. Binabago niya in a sense na mas pinapaganda niya. 

Sa tulong ng mga pinagsama-samang researches at ideas ng mga eksperto, naka-imbento sila ng isang device na mas komportable para sa mga maglalaro nito. Ito ay ang tinatawag nilang Oculus Rift. Ang Oculus Rift ay isang virtual reality system na magdadala sayo mismo sa virtual worlds. Pero hindi ito katulad ng ordinaryong device na nakikita at available sa iba't-ibang klase ng market. Ito ay pi-nrogram nila ng mabuti dahil ang main goal nito ay para maideliver ang mga player sa virtual world ng komportable at hindi nabibigatan sa pagsuot nito. Isa pang advantage nito ay pupwede na nilang madala ang device kahit saan.

Ang device na ito ay pinangalanan nilang "Augere Videre" na ang ibig sabihin ay Augmented Vision. May dalawang device ang maaaring gamitin. Kumabaga, lumalabas na dalawang set siya ng gaming device pero iisa lang ang tawag sa kanila. Ang itsura ng isa ay parang headphone na may antenna (for receiving data) at magiging transparent ito once na maisuot mo na ito. Ang isa naman ay maiihalintulad mo sa contact lenses. Ito naman ay para sa virtual vision. Nagva-vary ito sa iba't-ibang kulay depende sa gusto ng maglalaro nito.

Tungkol naman sa halaga nito, medyo may kamahalan pero angkop at makakaya naman itong bilhin. Para naman sa mga taong naglaro ng FWO, hindi na nila kailangang mamroblema pa dahil hindi naman ito masasayang. Ang tanging gagawin lang nila ay is-swap nila ang kanilang machine helm sa Augere Videre. Ganun lang kadali. Pero bago pahintulutan ang larong ito, ito ay dumaan muna na napakarami at napakahabang proseso. Alam ng lahat na ipinagbabawal ang paglunsad ng kahit anumang laro na pwedeng ikapahamak ng mga tao. Pero hindi naman pwedeng doon nalang huminto ang lahat. 

Pagkalipas ng limang taon, naka-develop ng isang ARMMORPG ang Wallhaven Inc. Bago ito mai-release sa iba't-ibang bansa, napag-usapan at nasuri muna ito ng mga eksperto sa iba't-ibang parte ng mundo. Mga kilalang-scientist, game developers at iba pang mga experts sa paglikha ng mga laro ang pinagdaanan nito. Pero ang safety ng mga taong maglalaro ang mas pinagtuunan nila ng pansin dahil sa naidudulot na phobia at trauma ng nakaraang laro.

Nagkaroon din ito ng collaboration mula sa iba't-ibang companies. Hindi ito basta-bastang laro lang at hindi na ito basta VRMMORPG. Ito ay isa ng ARMMORPG. Hindi lang kayo naka-stay sa iisang position, ang mismong physical body mo na ang gumagalaw.

Kasama sa mga bansang napili na paglulunsaran ng larong ito ang bansang kinalalagyan nina Ashe. Ang Wallhaven Inc. ay namili ng 200 players na magb-beta test ng larong ito. Kasama na sa napili ang buong tropa na sina Ashe, Ares, Wish, Jarred, Clyde, Keisha, Mika at Miguel.

FWO made a history and another game wanted to make a history. Sabi nga nila, kapag may nawala, may bagong dumadating. FWO has ended and another world arise.

And it is... Phantasia Dominum: Rise of the Forgotten World.


PHANTASIA DOMINUM: Rise Of The Forgotten WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon