[P.D] CHAPTER 19: JOINT FORCES

92 11 4
                                    

A  S  H  E

Nagising ako nang maramdaman kong tinatapik ni Eigen ang mukha ko.

"Rise and shine sleepy head. Gising na, aalis na tayo." sabi niya.

"Pack your things up. It's time to leave." sabi ni Hekigan.

"So where are we heading to?" Eigen asked.

"Babalik tayo sa lugar kung saan namin natagpuan ang pinto na sinasabi namin sa inyo. I really hope na 'yun na talaga ang exit." sabi ni Hekigan.


*****


"We're currently in front of the South Forest. Tingnan natin kung ano ang matatagpuan natin dito." sabi ni Hekigan.

Nagsimula na kaming tumakbo at pumasok sa South Forest. May apat kasing kagubatan ang nasa unknown island na 'to. Naka-locate iyon sa North, East, South and West. Bakit sa forest? Dahil doon lang naman may kweba. Inilabas ko ang weapon ko, ganun din sila,  sa pagitan ng paglalakad namin.

Wala ni isa na amin ang nagsasalita dahil ayaw naming gumawa ng ingay. Thankfully, wala pa namang lumalabas na kalaban.

"Uhm can I ask? Mga ilang araw na kayong nagstay dun sa headquarters niyo?" tanong ko kay Trevor dahil magkatabi lang kaming naglalakad. Nauna kaming tatlo kina Hekigan at Daix kasi pang short range ang weapon na gamit namin.

"More than a month." sagot niya. "Finally makaka-alis narin kasi dumating ka na so thanks, Asky." dugtong niya at tinanguan ko nalang siya.

Napaisip ako. More than a month na silang nakikipaglaban sa mga monsters dito. Nakakahanga ang lakas nila. Nakakabilib. Masaya din ako dahil hanggang ngayon buhay parin sila.

Napayuko ako nang maalala ko ang ginawa ko kagabi. Ang plano kong umalis at ang iwanan sila.

"I'm sorry..." bigkas ko.

"Hm? For what?" - Trevor

"I think I just need to say it. I'm sorry..." sabi ko ulit. Napatingin ako kay Eigen at nginitian niya ako.

"Okay? Hindi ko man maintindihan pero sige, apology accepted." nakangiting sagot sakin ni Trevor.

"There's really a reason and purpose kung bakit napunta sayo ang susi na 'yan." sabi ni Eigen.

"Yeah. You're right." pagsang-ayon ko. Maya-maya, nakarinig kami ng malakas na sigaw ng mukhang mga higanteng halimaw.

"Enemies. They're coming!" alerto sa amin ni Daix.

"Damn!" biglang sigaw ni Trevor at inikot niya agad ang paningin niya. "Bakit ngayon pa?!" dugtong niya.

Napahawak kami sa mga puno ng makaramdam kami ng saglitang pagyanig.

"Goddammit!" rinig kong mura ni Hekigan at hinanda niya na rin ang weapon niya. "Wala na tayong choice. Mabuti at nakaharap na natin siya kaya alam na natin ang pattern ng movement niya." kinalma niya ang sarili niya niya pero makikita mo parin sa mga mata niya ang takot at kaba.

"But you know what happened to us that day." sabi ni Trevor.

"I know." sagot niya.

"We're devastated." nabigla ako sa sinabi ni Daix. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapaluha. Pero kailangan kong lakasan ang loob ko. Kung nagawa nilang makasurvive noon, magagawa din namin ngayon.

Pinunasan ko ang luha ko kasabay naman ng pag-pat ni Eigen sa ulo ko.

"Don't worry." sabi niya. Hinanda narin ni Eigen ang weapon niya. Ganun din sila Daix at Trevor.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jun 26, 2022 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

PHANTASIA DOMINUM: Rise Of The Forgotten WorldDonde viven las historias. Descúbrelo ahora