[P.D] CHAPTER 6: ASHE & WARD'S CONVERSATION

347 24 0
                                    

A  S  H  E

Nagtitingin ako ng mga design ideas ng buildings sa internet habang natutulog si Kiro at naka-unan siya sa lap ko. Kararating-rating ko lang din dito sa tambayan namin. Medyo natagalan kasi ang pag-uusap namin ni Mr. Wallhaven.

"Kanina pa 'yan tulog diyan. Mukhang puyat ata." sabi sakin ni Wish.

Si Silver, tulog din. Si Clyde at Mist naman, umalis muna saglit kaya kaming apat nalang ang naiwan dito.

Naalala ko tuloy ang sinabi niya na talaga namang tumatak sa isip ko.


*Flashback*

"So, maybe I'll start with how I entered that game." pag-uumpisa ko.

"This is interesting." nakangiti niyang sabi.

"Actually po, medyo comedy sa simula hehe." nahihiya kong sabi sa kanya. Umayos ako ng upo at nagsimula nang magkwento.

"Simula palang po nung bata ako, mahilig na talaga akong maglaro. I am born as a gamer. Halos lahat na po ata ng laro ay nasubukan ko na. Pero, ako po kasi 'yung tipo ng tao na hindi naniniwala sa mga alam kong hindi naman po kapani-paniwala, lalo na po sa mga fantasy. I hope nage-gets niyo." sabi ko at tumango naman siya.

"That time, VRMMORPG's and the like are not really common to us. It's new to us. Bago lang po siyang nailunsad dito sa mundo natin nung mga panahong iyon. Akala nga namin, katulad lang siya ng mga normal na games na nakikita natin sa computer, but this one is different. Kakaiba na hindi namin inakala na mangyayari sa totoong buhay." sabi ko.

"At first, hindi niya nakuha ang atensyon ko. Base kasi sa kwento ng kaibigan ko, para daw siyang nasa fantasy world habang nasa loob ng larong 'yun. Pero hindi ko po naiwasan na maging curious. Dito ko napatunayan na curiosity can lead to trouble nga talaga." sabi ko.

"Ano kaya ang feeling kapag pumasok ako sa larong 'yun? Mararamdaman ko nga ba na parang ako talaga ang nasa loob ng larong iyon? 'Yan ang mga katanungan na pilit kong hinanapan ng kasagutan." sabi ko.

"So I ended up playing FWO." sabi ko sa kanya.

Bumalik lahat ng ala-ala sa'kin habang nagku-kwento ako sa kanya. Siguradong hindi ko maiiwasan ang maging emosyonal dito.

"Sa umpisa naman, normal lang siya. Napatunayan ko na totoo nga ang sinabi lahat ng kaibigan ko. Ramdam na ramdam mo na parang ikaw talaga ang gumagalaw sa larong iyon. Nag-enjoy ako, at nagustuhan ko narin siya." sabi ko.

"Hanggang dumating sa point na nangyari ang hindi namin inaasahan. Lahat kami nagimbal. Hindi kapani-paniwala pero nangyari talaga. Tila parang fantasy turned into reality ang nangyari." sabi ko.

"FWO turned into battle between life and death na kapag namatay ka sa game, patay ka na din sa totoong buhay. We fought with our own strength in order to survive. We also met our familiars na tumulong sa amin at lubos na napalapit sa mga puso namin." sabi ko. 

"Naramdaman namin ang lahat-lahat sa larong ito. Hirap at pasakit sa pakikipaglaban. Nawalan ng kaibigan at lalung-lalo na ang mamatayan." sabi ko at napabuntung-hininga ako. "Pinahirapan kami ng larong ito pero dahil naman doon, natuto kaming maging malakas." dagdag ko.

"Dumaan kami sa tatlong magkakaibang mundo. World of Monsters, Swords and Fairies. Kung ibabase mo sa pelikula, ang galing ng twist ng game pagdating sa WOF. Illusion lang pala ang lahat dahil nasa WOS parin pala kami." sabi ko.

"Sabi ng game master, kailangan namin siyang matalo para matapos ang FWO. 'Yun ang naging pinakamahirap na gawin para sa akin." sabi ko at napahinto ako. Pinunasan ko agad ang pisngi ko at hindi ko pinahalata na naluha ako.

PHANTASIA DOMINUM: Rise Of The Forgotten WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon