[P.D] CHAPTER 4: ASHE'S ASTONISHMENT

413 30 0
                                    

A  S  H  E

"Ak, usong magpahinga." sabi sakin ni Wish habang umiinom siya ng kape. Kasalukuyang magkasama kami ni Wish sa bahay ko at dito daw siya matutulog.

Ala una na ng madaling araw at kanina pang umaga ako nakasubsob dito sa drafting table ko. Buong araw ko kasing pinag-aaralan ang project ko para sa Wallhaven Inc. and as much as possible, kailangang magawa ko ito ng maganda at perpekto. Napakalaki naman kasi ng company na 'yun at 'yun din ang pinakakilala dito. Mahirap nang magkamali.

"Anong pahinga? Haha wala sa dictionary ko 'yun." biro ko sa kanya. "Matulog ka na, wag mo na akong sabayan." dagdag ko.

"Kilala mo ako, hindi kita matiis na nakikitang nahihirapan." sabi niya at sabayan mo pa ng paghawak niya sa dibdib niya. Loka talaga, nagda-drama nanaman 'tong babaeng 'to. Hays haha.

"Kaya ko 'to kaya matulog ka na. Baka maging corny ka nanaman mahirap na." sabi ko uli sa kanya.

"Ang totoo niyan, hindi talaga ako makatulog." sabi niya.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Kasi nung isang araw sa mall habang naggagala kami ni Silver, usap-usapan na may lalabas daw na bagong game. Hindi masyadong malinaw kasi sabay-sabay nagsasalita ang mga tao. Basta 'yun lang ang narinig namin." sabi niya.

"Game? Eh 'yung last na nilaro natin several years ago, nahinto at na-banned din agad dahil sa nakitang virus at difficulty sa system. Halos kasunod lang 'yun ng FWO." sabi ko sa kanya. "Ang galing nga eh, alam naman nilang banned na ang kahit anong VRMMORPG sa bansa, nakalusot parin." dagdag ko.

Naalala niyo ba 'yun?

(A/N: Sa book 1 Epilogue)

"Yup. Kaya lang naman natin nilaro 'yun dahil tinry lang natin kung okay at maganda ba. Pero hindi rin tayo nagtagal kasi nga boring. Buti nalang huminto na tayo bago pa magkaroon ng virus kundi, napahamak nanaman siguro tayo." sabi niya.

Yeah tama si Wish. 'Yan ang kwento nung beta test namin noon. Pero wala namang napahamak nun kasi na-warningan naman agad ang mga players na may problema sa system kaya safe naman ang lahat. Nakulong din ang game developer nun dahil sa paglabag niya sa batas.

"Abangan nalang natin siguro kung ano man yang game na 'yan." sabi ko.

"Ano nga pala 'yang ginagawa mo?" tanong niya sabay lapit niya sakin.

"Alam mo na, architectural related stuff katulad ng cityscaping, urban planning at landscaping." sabi ko sa kanya.

"Ano 'yun?" tanong niya.

Nagtataka siguro kayo kung bakit hindi alam ni Wish ang mga sinabi ko. Hindi na niya kasi pinagpatuloy ang pag-aaral ng architecture. Narealize niya kasi na hindi para sa kanya ang kursong 'yun. Sa ngayon, medyo naho-hook siya sa music kaya madalas na sumasama-sama siya kila Silver sa pagpa-practice.

"Para sa urban planning, binigyan ako ng isang map. Isang specific na lugar kung saan ko idedevelop ang mga sites. Doon ko ilalagay ang iba't-ibang klase ng structures na pinapagawa sakin. Parang idedesenyo ko ang isang buong island parang ganun. Ako na bahala sa mga facilities." paliwanag ko sa kanya.

"Ohh." manghang sabi ni Wish.

"Sa landscaping naman, pinag-uusapan na dito 'yung mga entourage like trees, shrubs mga ganun. Kung paano mo papagandahin 'yung buong site." sabi ko.

"Para saan naman daw ang 'yan? Parang ang laki naman ata ng kailangan mong i-develop?" tanong niya.

"Ito ang pinapagawa sakin eh. Mga ideas and designs ng iba't-ibang surroundings and buildings like towns, markets, churches at houses. Even forest lands, castles and dungeons." sabi ko at napa-question mark ang mukha niya sa sinabi ko bandang dulo. "Dito talaga ako nagtaka eh. Sa castle at dungeons haha." dagdag ko.

PHANTASIA DOMINUM: Rise Of The Forgotten WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon