[P.D] CHAPTER 3: NEW GAME?

530 29 5
                                    

K  I  R  O

Natatandaan niyo pa ba ako? I remember na hindi pa pala ako nakapag-pakilala sa inyo ng maayos kaya heto na. Let me formally introduce myself to you. 

Ako nga pala si Morven Ares Santiago. Twenty five (25) na ako ngayon at isa ako sa mga survivor ng FWO. Nakapagtapos ako ng Computer Engineering at isa na akong professional and licensed software engineer/developer ngayon. Nangangarap din ako na makalikha ng mga kakaibang laro in the near future. Ayan, siguro ayos na 'yan. Ang mahalaga, kilala niyo na ako ng lubusan.

Malaki na ang naging attachment ko sa mga laro lalung-lalo na 'yung mga patungkol sa VRMMORPG kaya nagkaroon ako ng napakalaking interes tungkol dito. I don't know why pero bigla ko nalang inidolo si Kuya Ashther. Hangang-hanga ako sa angkin niyang katalinuhan at kagalingan sa science maging sa technology field. Hindi ko ma-imagine kung paano niya nagawa 'yung FWO.

Naging isa man ang FWO sa mga dahilan kung bakit napahamak ang ilang mga tao pero alam naman nating lahat na, hindi naman iyon intensyon ni Kuya Ashther na mangyari. May dahilan naman siya kung bakit niya nagawa iyon. Tapos naman na iyon at hindi na muling mampapahamak pa ang mga larong susunod sa FWO.

About naman sa babaeng tinitibok ng puso ko, oo alam kong corny pero wala akong ikinahihiya pagdating sa pagmamahal ko sa kanya. Basta kung ano ang sinasabi ng damdamin ko, walang makakapigil sa'kin na ipahayag 'yun sa kanya. Kung gaano ko siya kamahal.

Tae ngayon ko lang narealize na ang baduy pala. Pero ganun daw talaga eh. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.

Gusto niyo sigurong malaman kung ano na ang status namin ni Ashe no? Atat na atat narin naman akong ipa-alam ang mga iyon sa inyo.

I'm courting her. Yes, nililigawan ko parin siya hanggang ngayon. Simula ng matapos ang FWO, wala na akong pinalampas na araw at ipinagtapat ko ng maayos at mabuti ang nararamdaman ko para sa kanya. Masaya ako nang malamang ganun din ang nararamdamam niya sakin. Ang sarap sa feeling na yung taong mahal mo, ganun din 'yung nararamdaman niya para sayo.

Handa akong maghintay kahit kailan. Basta alam namin at sigurado kami na siya at ako lang ang para sa isa't-isa.

Pasensya na ha? Sobra lang kasi ang bugso ng damdamin ko ngayon eh. Mahal na mahal ko kasi talaga si Ashe.

Pauwi na ako ngayon galing trabaho habang nakasakay sa motor ko. Huminto muna ako sa isang Mini Mart para bumili ng pagkain. Naalala ko kasi na hindi pa pala ako kumakain. Masyado na yata akong subsob sa trabaho kaya pati pag-kain, nakakalimutan ko na. Iginarahe ko muna ang motor ko sa parking lot.

Hindi na ako nagtagal sa loob at lumabas na agad pagkabayad ko sa counter. Pagkabukas ko ng pinto, may nabangga ako at hindi ko sinasadyang matapon sa kanya 'yung iniinom ko. Nanlaki ang mga mata niya at maging ako ay nabigla din.

Patay! Basang-basa siya! Hindi lang 'yung damit niya ang basa kundi pati narin yung mga papel na hawak niya.

"S-sorry miss." paumanhin ko sa kanya. Agad niyang pinagpag ang mga papel na hawak niya.

"Basa na! Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?! Lagot na ako nito! Kailangan ko pa namang ipasa 'to bukas. Eto na oh! Tapos ko na eh! Ayos na sana eh! Aish!" sigaw niya at padabog siyang naglakad palayo. Hindi ako nag-atubiling habulin siya.

"Miss, sorry hindi ko talaga sinasadya." sabi ko sa kanya pero hindi niya parin ako pinapansin.

"Miss..." sabi ko ulit, umaasang mapansin niya.

"Miss, ano bang pwede kong gawin para makabawi sayo? Mukhang importante talaga ang mga papel na 'yan sayo." sabi ko at napahinto siya. Nagulat ako dahil bigla siyang umiyak.

"Alam mo ba kung ilang araw ko 'tong ginawa tapos babasain mo lang?! Nanggaling nga lang ako sa computer shop, nagbayad ng pagkamahal-mahal tapos babasain mo lang?! Alam mo ba kung gaano ka-importante sa'kin 'to ha?! At hindi lang 'yun. Bukas na ang deadline nito! Pangarap ko dito ang nakasalalay, alam mo ba 'yun?! Mawawala nalang bigla dahil sa isang lalaki na hindi man lang tumitingin sa dinaraanan niya!" sabi niya.

Hindi ko naman talaga sinasadya eh. Ano bang pwede kong gawin para maayos 'to? Kasalanan ko talaga 'to eh!

"S-sasama nalang ako sayo Miss. Diba sabi mo kamo bukas na ang deadline? Kakausapin ko ang boss mo. Papakiusapan ko siya na kung pwede gawin mo nalang uli 'yan at bigyan ka pa niya ng time. Kung 'yun lang ang natatanging paraan, gagawin ko makabawi lang sa'yo." sabi ko sa kanya.

"Huh! Para namang mapapakiusapan mo siya. Hindi mo kilala ang boss ko." sabi niya.

"Ayos lang Miss. Kailangan nating subukan at gagawin ko ang lahat para pumayag siya. Tsaka tutulungan narin kita sa pag-aayos niyan." sabi ko sabay turo sa mga papel na hawak niya. Nakatingin lang siya sakin at magkasalubong parin ang kilay niya.

Grabe talaga ang nagawa ko. Sana pumayag na siya at sana pumayag din ang boss niya.

"Oh." sabi niya tapos inihaya niya sakin ang mga papel na dala niya. "Kaya mo ba 'yan?" tanong niya. Pagkabasa ko palang nung title, biglang nagliwanag ang mga mata ko.

"Phantasia Dominum? ARMMORPG Game?" manghang sambit ko.

Seryoso ba 'to? Isang ARMMORPG? Anong type ng laro 'to?

Ilang taon rin kasi na ipinagbawal ang anumang impormasyon tungkol sa mga online games kaya wala na talaga kaming masyadong alam tungkol sa game world ngayon. Gustung-gusto kong malaman ang lahat ng information tungkol sa ARMMORPG na 'to. Ayos 'to!

"Matutulungan kita dito miss." nakangiti kong sabi sa kanya. "Report mo 'to right?" tanong ko sa kanya. Hindi ko talaga maipaliwanag kung ga'no ako kasaya ngayon! Nawala lahat ng pagod ko!

Habang binabasa ko ang report niya, tungkol ito sa mga details about sa pagpo-program ng laro, etc. and she reflected it through written report. Siguradung-sigurado na matutulungan ko siya dito.

Kailangan kong ipa-alam ito kila Ashe.

"Ang saya mo naman ata? Ano namang meron dyan at kung makangiti ka parang wala ng bukas?" takang tanong niya.

"Wala Miss. Interesting lang kasi 'tong report mo." sagot ko sa kanya.

"Tss." sambit niya lang. "Siguraduhin mo lang. My life is at stake dahil sa ginawa mo." dugtong niya.

"Wag ka mag-alala Miss. Ako na ang bahala dito." sabi ko sa kanya.

"Khalia nalang." masungit na sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"So ibig sabihin, pumapayag ka na?" tanong ko.

"Gawin mo ang lahat para hindi ako mapatay ng boss ko dahil kung hindi, ikaw ang papatayin ko." sabi niya at tinanguan ko kaagad siya.

"By the way, ako nga pala si Morven." sabi ko at inihaya ko ang kamay ko sa kanya pero di niya ito pinansin. Wala na akong magagawa kung magsungit siya sa akin. May kasalanan ako sa kanya eh.

"Sige uuwi na ako." sabi niya at tumalikod na siya.

"Teka Khalia, hatid na kita para alam ko kung saan ka nakatira." pagkasabi ko nun, nanlaki bigla ang mga mata niya.

G-guys! No double meaning ah! Bumabawi lang ako sa kasalanang ginawa ko. 'Yun lang wala ng iba.

"Hindi na." sabi niya at tumalikod siya sa akin.

"Sige na Khalia. Delikado na oh. Gabi na at babae ka pa naman." sabi ko sa kanya. Huminto siya at sumakay na siya sa likod.

Walang namang mali sa ginagawa ko diba? Mahirap na, baka mapahamak pa siya. Tsaka babawi nalang din naman ako sa kanya eh lubus-lubusin ko na.

"Para tumahimik ka na." sabi niya at pina-andar ko na ang motor ko. Medyo malayo-layo rin 'yung bahay niya at buti nalang talaga pumayag siya na ihatid ko na siya.

"Saan nga pala tayo bukas?" tanong ko sa kanya.

"Wallhaven Inc." sabi niya.

PHANTASIA DOMINUM: Rise Of The Forgotten WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon