[P.D] CHAPTER 1: THE BEGINNING

833 44 0
                                    

A  S  H  E

(Date: April 02, 2029)


*birds chirping sfx*

Iminulat ko ang aking mga mata nang matamaan ang mga ito ng sinag ng araw. Dahan-dahan akong umupo at kinusot-kusot ko ang mata ko. Hinawakan ko ang kwintas na nakasukbit sa leeg ko at tiningnan ito. Napangiti ako nang maalala ko si Yume. Miss na miss ko na siya. Walang araw na hindi ko siya naa-alala. Hindi na din naman malungkot dahil alam kong parati lang siyang nasa tabi ko dahil sa kwintas na ito.

Ibinagsak ko ang katawan ko at nahiga uli sa kama.

"Hay inaantok pa ako. Anong araw nga uli ngayon?" banggit ko at tiningnan ang reminders ko sa phone ko. Biglang nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.

"What the?! First meeting ko pala sa first client ko ngayon! 30 minutes nalang ang nalalabing oras para makapag-asikaso ako!" natatarantang sigaw ko. Pa'no na 'to? Mabagal pa naman akong mag-asikaso huhu. Maya-maya, narinig kong tumunog ang phone ko. Si Wish, nagleave siya ng message sa'kin.

Seriously Ashe? Ano ka ba naman! Sa lahat ng makakalimutan mo, 'yung client mo pa!


[Message content: Goodluck sa first client mo Ak! Kaya mo 'yan wooooooh!]

[From: Hiling]


Kinakabahan ako sa totoo lang. Ano kaya itsura ng first client ko? Mabait kaya siya? Susungitan niya kaya ako? Oh no. Lord, kayo na po ang bahala sa akin. Alam ko naman pong hindi niyo ako papabayaan.

Bilis-bilis akong nag-asikaso. Toothbrush, ligo, suot ng damit, suklay at kung anu-ano pang mga ritwal ko sa umaga at ayan tapos na.

"Wala na ba akong nakalimutan?" tanong ko sa sarili ko at iniikot ko ang mga mata ko. Nakita ko 'yung folder na makapal sa ibabaw ng lamesa ko. Agad ko itong kinuha at inilagay sa bag ko. Natigilan nalang ako nang biglang may maalala ko.

"Hindi naman 'yun importante eh. Pero, hindi nga ba? Bahala na nga!" inis na sabi ko at bumaba na ako. Dumampot nalang ako ng kahit anong tinapay sa kitchen at lumabas na.

"Sana umabot pa ako. Please lang sana umabot."

Pumunta na ako sa garahe at agad na sumakay sa sasakyan. Habang umaandar ang ito, napapatingin ako sa paligid. Hindi ko maiwasang hindi maalala ang FWO. Matagal-tagal niyo narin akong hindi nakasama so magpapakilala uli ako sa inyo. Ako nga pala ulit si Ashe Kyle Garcia at isa na akong ganap na arkitekto ngayon.

Sampung buwan na ang nakalipas nang matapos ang FWO. Ang bilis ng mga pangyayari no? Natupad ko rin ang pangarap ko. Twenty four (24) na ako ngayon at habang dumadagdag ang araw, unti-unti na ring nabubura ang alaala ng FWO sa mga tao. Pero, nananatili parin sakin ang mga ala-alang iyon.

Isa ako sa mga survivor ng FWO. Grabe, tatlong taon kaming nasa loob ng FWO. Imagine? Three (3) years kaming nasa state of coma, fighting for our lives sa loob ng isang laro. Hindi kami makausap. Utak lang namin ang gising at tanging ang machine helm lang ang nagpapagana nito.

Isang laro na mahirap paniwalaan na nagkatotoo sa totoong buhay. Kahit ako na kahit kailan hindi iyon pinaniwalaan pero nangyari. Nangyari ang mga hindi mo inaasahan at buong buhay mong hindi pinaniniwalaan. Isang mundo na pinasok ko at ngayon tinapos ko. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari. Pero tanggap ko naman na. Tanggap ko na nangyari na ang lahat ng 'yun at wala na si Kuya. 

PHANTASIA DOMINUM: Rise Of The Forgotten WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon