[P.D] CHAPTER 8: THREE WORDS, EIGHT LETTERS

340 23 5
                                    

A  S  H  E

"What?! No way!" di makapaniwalang sabi ni Wish. Kahit ako nga nagulat din eh. Talaga nga namang natuwa kami sa sinabi ni Kiro!

"Naalala mo 'yung kinuwento ko sa'yo Ak? Eto na ata 'yun!" sabi sa'kin ni Wish at inalala ko ang mga kinuwento niya sa'kin nun. Pero, bagong laro nanaman ito. Hindi ko maiwasang isipin na baka si Kuya Ashther nanaman ang may gawa nun.

"Ashe, you okay?" tanong sa'kin ni Kiro.

"Ah, oo." sagot ko naman sa kanya.

"Teka, Wallhaven Inc. ba kamo?" tanong ko kay Kiro nang marealize ko ang nabanggit niyang company at tumango siya. 

"Talaga? Actually guys, isang Wallhaven din ang client ko. Small world huh." sabi ko sa kanila.

ARMMORPG? 'Yun ba ang soon na tinutukoy ni Mr. Wallhaven at konektado doon 'yung mga pinapagawa ng company niya sa'kin? Parang nagkaka-idea na ako ah.

"You should be thankful."

Wow. Kung ganun nga, napakalaking oppurtunity naman ng project para sa'kin. Dapat nga lang talaga na maging thankful ako!

"Wait Ak, baka..." sabi niya nang nakangiti sa'kin.

"Oo Wish!" masaya kong sabi. "Maaaring ganun nga." dugtong ko.

"Di kami makarelate." nakangusong sabi ni Silver.

"Soon Silver. Malalaman niyo soon." sabi ni Wish sa kanya sabay kindat sa'kin.

"Oy ano 'yan, share niyo naman." singit bigla sa usapan ni Kuya Clyde.

"Kaya nga. Ano 'yun?" sabi naman ni Mist.

"Ano Ak, sasabihin ba natin?" tanong sakin ni Wish.

"Hmm... mas maganda siguro kung surprise nalang. Tsaka hindi pa naman tayo sigurado doon." sagot ko sa kanya.

"Ah oo, tama ka." sabi niya. "Oh, narinig niyo si Ak ah. Surprise nalang daw." sabi ni Wish sa kanila.

"Ano ba 'yan." sabay-sabay nilang sabi at yumuko.

"So, makakapaglaro nanaman pala ang team. Hindi na ako makapaghintay!" sabi ni Silver.

"Phantasia Dominum? Sounds like fantasy world huh." sabi ni Clyde.

"Kung ano man 'yan, malamang exciting 'yan." sabi naman ni Mist

"Sinabi mo pa." sabgot ni Wish kay Mist.

"Kailan kaya 'yung soon na 'yun? Matagal pa kaya? Na-excite tuloy ako bigla." tanong ni Silver.

"Hindi ko alam Silver. Pero ang sigurado doon, makakapaglaro nanaman tayo." nakangiting sagot sa kanya ni Kiro.

"We're the best players sa FWO. Gawin din natin sa PD hahaha!" biro ni Silver at nagtawanan kaming lahat.

"Phantasia Dominum, here we come!" masayang sambit naming lahat.


*****


Ginabi na kami at naglalakad kami ngayon ni Kiro sa park. Niyaya niya ako na maglakad-lakad daw muna kami bago umuwi. Ang tagal din kasi naming nag-usap kanina na parang akala mo ngayon lang uli nagkita-kita.

Umupo kami ni Kiro sa may fountain sa pinaka-gitna ng park. Ang tagal ko naring hindi nakakapag-relax ng maayos. Tamang-tama ang panahon na 'to para makapagpahinga naman ako.

PHANTASIA DOMINUM: Rise Of The Forgotten WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon