[P.D] CHAPTER 5: KIRO MEETS WARD CALEB WALLHAVEN

359 28 0
                                    

A  S  H  E

Pagkagising na pagkagising ko, nag-asikaso agad ako. May natanggap kasi ako sa mail galing kay Mr. Wallhaven na urgent appointment. Hmm, ano naman kaya 'yun at tungkol kaya saan? Wala naman siyang nabanggit sa mail eh.

Pagkatapos kong mag-asikaso, iniwan ko na si Wish. Tulog pa kasi siya at tulo laway pa nga.

Sumakay na agad ako sa kotse ko. Saktong alas sais palang ng umaga at may 1 hour pa ako. Alas syete kasi ang oras ng appointment ko sa kanya.


*****


"You look...uhm, how will I say this...uh, natulog ka ba?" bungad na tanong sa'kin ni Mr. Wallhaven.

Is that how you greet a girl, sir? Tss.

"Yes sir. Pero three hours lang po." sagot ko sa kanya.

"Mukhang pursigidong-pursigido ka dyan sa ginagawa mo ah. Hindi ako nagkamali ng pagpili sa'yo." sabi niya. "Pero, kailangan mo rin namang magpahinga. Wag mong pagurin ang sarili mo." dugtong niya.

Concern ka sir?

"Ah sir, bakit niyo po pala ako pinatawag? May sudden changes po ba or dagdag sa project?" pag-iiba ko ng usapan baka kasi mamaya, kung saan-saan nanaman mapunta.

"Wala naman. Gusto ko lang makipag-usap sa'yo." diretsong sabi niya.

A-ano kamo? Pinapunta niya ako agad-agad dito para lang makipagkwentuhan sa kanya? Nakakaloko na 'tong lalakeng 'to ah.

"E-excuse me sir?" paglilinaw ko.

"You heard it right." sabi niya ng nakangiti.

Seriously? Hays, may choice pa ba ako? Hindi naman ako pwedeng tumanggi dahil cliente ko siya.

"A-ano po bang pag-uusapan natin?" tanong ko.

"I just want to know how you played and cleared the game. That game." sabi niya. Natigilan ako kasi seryoso siya pagkasabi niya nito.

"Don't be so serious." pag-iiba niya ng mood. "Hintayin mo ako sa cafe sa tapat nitong building. May ime-meet lang akong employee." sabi niya at lumabas na siya.

Hindi na ako nagtagal sa office niya at bumaba na rin. Sinunod ko siya at tumambay muna sa cafe na sinabi niya.

Wag kang mag-overthink Ashe. Magke-kwentuhan lang naman kayo.

Diba?



K  I  R  O

Dumiretso na agad kami sa 50th floor kung saan naka-locate ang office ng boss ni Khalia. Pagkapasok namin dito, wala pang tao.

"Tara, upo muna tayo." sabi niya sa akin at sumunod ko sa kanya. Maya-maya lang, may pumasok agad na isang lalake na naka black suit at pormal na pormal.

"Goodmorning Sir." bati ni Khalia dito at tiningnan lang naman siya nito.

"Siya ba ang boss mo?" bulong ko sa kanya.

"Hindi." sagot niya na parang nagtataka.

"What is he doing here?" tanong ng lalakeng naka black suit kay Khalia habang nakaturo sakin.

"I'm expecting to meet the CEO. Not you, sir." sabi ni Khalia sa kanya. Nagulat ako sa mga binitawang salita ni Khalia at napatingin ako sa lalaki. Hindi siya nakasagot na tila parang tinakasan ng boses.

PHANTASIA DOMINUM: Rise Of The Forgotten WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon