[P.D] CHAPTER 13: KIDNAPPED

199 14 5
                                    

A  S  H  E

"A.G."

Nanatili lang sa isipan ko ang mga initials na nabasa ko sa dulo nung letter.

Imposible. Anong kalokohan 'to?!

Nagsimula na akong mataranta dahil sa mga nabasa ko. Baka naman prank lang 'to? Ayokong maniwala... ayokong maniwala sa tumatakbo sa isip ko ngayon. Pero bakit masama ang kutob ko? Pinagpapawisan na din ako ng matindi.

Anong bang nangyayari? Kung may nagbibiro man sa akin, pwes hindi siya nakakatuwa. Hindi magandang biro 'to para sa akin. Hindi pwede, wag sana ang mga kaibigan ko.

Nanlambot ang mga kamay ko at nabitawan ko ang letter na hawak ko. Hindi ako mapakali at paikot-ikot lang akong naglalakad habang nakahawak sa ulo ko.

Sundin ko ba yung sinasabi sa letter? Pero paano?

Maya-maya, napunta ang direksyon ng mga mata ko sa box na nahulog ko kanina sa lapag at agad na pinulot ito. Tiningnan ko pa itong mabuti hanggang sa may nakita pa akong papel na nakalagay pa doon.

Isang mapa?

Unti-unti nang pumapasok sa senses ko ang lahat. Hindi ko napapansing naiku-kuyom ko na ang kamao ko at nalulukot ko na ang mapang hawak ko. Halo-halo ang nararamdaman ko, nanginginig sa kaba at galit kung bakit may mga tao talagang gumagawa pa nito. Ayoko ng maulit pa ang nangyari sa nakaraan kaya kinuha ko ang game set nang biglang may kumatok sa pinto.

Dahan-dahan akong humakbang papalapit dito at nang pipihitin ko na ang door knob, biglang may mga brasong iginapos sakin mula sa likod at tinakpan nito ang bibig ko. 

Pinipilit kong magpumiglas pero dahil narin sa naamoy kong kakaiba mula sa panyo na itinakip nito sa bibig ko, nanghina ako at biglang nakaramdam ng antok.

Conscious pa ako nang maramdaman akong binuhat ako nito palabas at ipinasok sa sasakyan. Hindi nagtagal, nawalan na din ako ng malay.


*****


*cough*cough*

Nagising nalang ako dahil sa hindi malamang usok na na-amoy ko.

"Ugh, ang sakit ng likod ko..." sambit ko habang ina-ayos ang sarili ko sa pag-upo. Inilibot ko kaagad ang paningin ko ngunit wala akong ibang makita kundi makapal lang na hamog. Alam kong nasa gubat ako dahil rinig na rinig ko ang iba't-ibang huni ng hayop. 

Napatingin ako sa gilid at nakita ko 'yung game set at mapa sa tabi ko.

"Ilang oras ba ako nakatulog? At saan ako dinala ng mga 'yun?!" 

Tumayo ako at pinagpag ang damit ko. Kinuha ko na rin ang game set at 'yung mapa. Tumingin ako ang wristwatch ko at nakitang two o'clock na pala ng madaling araw. 

Ngayon ay araw na ng pasko. 

Naglakad nalang ako ng naglakad habang nakayapos sa sarili ko hanggang sa nakarating ako sa dulo ng gubat. Sa dulo nito, makikita mo ang isang napakalaking lake.

(ctto of the image below)

(ctto of the image below)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PHANTASIA DOMINUM: Rise Of The Forgotten WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon