A S H E
Lumilinga-linga ako sa paligid habang naghahanap sa mga kaibigan ko.
"Na'san na kaya sila?" tanong ko sa sarili ko.
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon para bumili ng pagkain. Nakuha ang atensyon ko ng isang bread shop lang malapit dinaraanan ko. Tumungo ako dito at dumampot ng isang cheese bread. Napatingin ako bigla sa lalaking katabi ko na naka-facemask. May sakit ba 'to? Tss.
Nagsalubong ang kilay ko at kumunot ang noo ko. Pa'no ba naman kasi, sabay kaming napahawak dito sa cheese bread na gusto ko.
"Nauna ako dito." sabi ko sa kanya.
"My finger touched it first, so it's mine." walang emosyon niyang sagot sa'kin.
Aba?!
"Ano?" sabi ko ng nakapamewang. Sinasabi ko sa inyo, mahirap ako pakalmahin kapag gutom. "Miss, sino ang nauna?" tanong ko sa tindera.
"Ah eh-- marami pa naman po akong tinda na cheeseb--" hindi pa man tapos magsalita si ate, pinutol siyang magsalita nitong lalaking 'to.
"You heard that? Give it up. Pumili ka nalang ng iba." sabi niya sa'kin.
Grrrrrr. Hays!
"No! Wala sa dictionary ko ang mag-give up mister." sagot ko sa kanya.
"Is that so? Then I'll buy you a new dictionary." sabi niya na ikina-init lalo ng ulo ko. Sa kaka-wala ng utak ko, di ko napansin na nabayaran niya na pala yung tinapay.
What the?!
"Keep the change." sabi niya at tumingin siya sakin.
Aish! Yung cheese bread ko!
"Too bad. Nakuha ko na." sabi niya habang winawagayway niya pa sa harap ko yung tinapay sabay ngiti ng abot langit. Inirapan ko nalang siya. Tinalikuran na niya ako at naglakad na papalayo pero huminto siya. "Keep your focus. You might lose something important to you." sabi niya at tuluyan na siyang umalis.
So ano namang klaseng words of wisdom yun? Tsk.
"Ito nalang pong pandesal, ayoko na ng cheese bread." nakasimangot na sabi ko sa tindera.
*****
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at napatitig ako sa ceiling.
"Hindi ko parin sila makita..."
Napansin kong may dumaloy mainit na likido sa pisngi ko.
"Na'san na kaya sila?"
*****
Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako. Naalimpungatan ako bigla. Akala ko may mga designs ako na deadline ngayon at hindi ko pa nagagawa. Nabalik naman agad ako sa reyalidad at napagtantong nandito nga pala ako sa PD. Napatingin ako sa wall clock at nakitang three na palang pala ng umaga. Naisipan ko na lumabas nalang muna para makapagpahangin. Papa-upo na sana ako nang makarinig ako ng mga kaluskos.
"Sino 'yan?" tanong ko.
Napatakbo ako at kumuha ng kawali sa loob. Pumunta ako sa likod ng bahay, wala naman akong nakita. Sa kanan at sa kaliwa, wala din naman.

ESTÁS LEYENDO
PHANTASIA DOMINUM: Rise Of The Forgotten World
Ciencia FicciónThis is Fantasy World Online's Second Book. FWO has ended. A new World Arise. Samahan uli natin sina Ashe, Kiro at ang kanyang mga kaibigan sa pagpasok muli sa panibagong mundo. Ano kaya ang naghihintay sa kanila dito? DATE STARTED: June 2019) Cov...