CHAPTER ONE

3K 37 8
                                    


CYRA

Napangiti ako nang maramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng ulan.

Miss na miss ko na kayo, Papa.

Mama.

Nakapikit akong ngumiti habang tumatama ang bawat patak nito sa mukha ko.

Mama..

Papa..

Kunin n'yo na po ako..

Please.. isama n'yo nalang ako sa inyo.

Sa tuwing umuulan 'yan lang ang palaging ibinubulong ng isip ko.

Ang bagay lang na 'yan ang hiling ko.

I wish i could just disappear and leave everything behind.

Napadilat ako nang biglang tumigil ang mga patak na 'yon, at doon nakita ko nanaman ang mukha ng lalaking 'yon.

"Sabi na nagpa-ulan ka nanaman. Hanggang kailan ba ako magdadala ng payong para sa'yo, ha?"

Tyron.

Hindi ko alam kung bakit ganyan ang lalaking 'to.

Sa tuwing umuulan makikita ko nalang s'yang nakatayo sa harap ko at may dalang payong. Hindi ko nga s'ya close o kilala manlang dahil dito ko lang s'ya nakikita sa park.

Pangalan n'ya lang ang alam ko dahil paulit-ulit s'yang nagpapakilala sa'kin pero hindi ako nagpapakilala dahil wala akong interes sa kanya. At isa pa, naiinis ako sa ginagawa n'yang 'yan.

Pinipigilan n'ya kasi akong makasama sila Papa.

"Umalis kana, hindi kita inuutusan o pinipilit na payungan ako kaya pwede ba..." tinignan ko s'ya nang diretso sa mata. "Umalis kana."

Imbis na umalis ay ginantihan n'ya lang ako ng isang ngiti.

Bwisit.

Kailan ko ba mapipikon ang lalaking 'to para lubayan na ako?

Ngumisi s'ya at inilagay ang isang kamay n'ya sa kanyang bulsa.

"Ibang klase ka talaga mag-thankyou."

Iniwas ko lang ang tingin ko at yumuko.

Makulit s'ya at alam kong hindi s'ya aalis sa harap ko ngayon.

Dahil palagi n'yang ginagawa 'yan.

Isang taon na simula nang mawala si Mama at Papa pero pakiramdam ko isang araw palang ang nakalipas matapos ang pangyayaring 'yon.

Hanggang ngayon kasi masakit parin.

"Si Shane ang kailangan ko."

Napaangat ang tingin ko nang marinig ko ang mahinang tawa n'ya.

"Ano bang mayroon sa taong 'yon at s'ya palagi ang hinahanap mo."

Hindi ko s'ya sinagot.

Hindi ko gusto si Shane.

Kaibigan ko lang s'ya at s'ya lang ang kaisa-isang taong pinagkakatiwalaan ko sa lahat.

Simula nang mawala sila papa, s'ya lang ang nagparamdam sa'kin na hindi ko kasalanan ang lahat.

Bata palang kami noong makilala ko si Shane sa park na 'to.

Ang lugar na 'to ang naging comfort zone ko dahil dito ko nakilala ang taong walang ginawa kung hindi pagaanin ang loob ko at iparamdam sa'kin na importante ang buhay ko.

Si Shane 'yon

Si Tyler Shane Loyola.

Nag-angat ako ng tingin nang biglang bumagsak sa lupa ang payong na hawak n'ya.

"A-ano bang ginagawa mo?" Tanong ko pero ngumiti lang s'ya.

"Sinasamahan ka."

Baliw ba s'ya!? 

Mamaya ako pa ang sisihin n'ya kung sakaling magkasakit s'ya!

Tumayo ako at dinampot ang payong n'ya. Kinuha ko ang isang kamay n'ya at ipinahawak 'yon.

"Ayokong maging dahilan ng sakit mo."  Sabi ko.

Hindi s'ya sumagot kaya tinignan ko s'ya na nakatulala pala sa kamay naming dalawa kaya agad kong binawi 'yon.

"Umuwi kana."

"Umuwi ka narin."

Bakit ba napaka pakialamero ng lalaking 'to.

Hindi n'ya nga ako kilala.

Aalis na sana ako pero natigilan ako sa sinabi n'ya.

"Cyra."

Nagulat ako nang banggitin n'ya ang pangalan ko.

Paano n'ya nalaman 'yon..

Hindi ako sumagot at tumalikod na ulit pero hindi pa ako nakakahakbang nang magsalita s'ya ng bagay na mas ikinagulat ko.

"Gusto kita."

At sa unang pagkakataon..

"Gusto kita, Cyra Jade Deleon."

Tumibok ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan.

-ToBeContinued-

Serence94

Sad Beautiful TragicWhere stories live. Discover now