CHAPTER NINETEEN

895 22 13
                                    


CYRA

"Cyra.. hindi ka pa ba sasabay sa'min ni Tyler?" Tanong ni Tita Vana.

"Tara na, Cyra.." sabi naman ni Tita Cara.

Umiling lang ako sa kanila at niyakap sila bago umalis kasama si Shane.

Tinignan ko si Shane na nakatingin sa Grave ni Tyron.

Hindi ko pa s'ya nakakausap matapos nung araw na 'yon. Kagaya ko, wala rin s'yang kinakausap.

Halos wala naman akong kinausap nung burol.

Hindi ko nga alam kung bakit pa ako nakakatayo ngayon.

Kung buhay pa ba ako.

Saglit n'ya akong sinulyapan pero agad din n'yang iniwas ang tingin n'ya sa'kin.

Shane anong nangyari..

Tuluyan na silang umalis ni Tita kaya ako nalang ang naiwan ngayon sa kanya.

Ngayon ang funeral n'ya at ngayong araw ko rin ulit naranasan 'yung sa'kit na 'yon.

'yung naramdaman ko nung nakita ko s'ya sa O.R na nakatakip na ng puting tela.

"Sinungaling ka.." pinunasan ko ang luha ko. "Sabi mo hindi mo ako iiwan, anong ginagawa mo ngayon d'yan?"

Napaluhod nalang ako sa puntod n'ya at muling umiyak.

Bakit naman ang ikli..

Bakit ang bilis..

Bakit kinuha ka n'ya agad sa'kin.

"Walang araw na hindi ka n'ya na-kwento sa'min pag magkakasama kaming magka-kaibigan."

Hindi ako lumingon sa boses na nasa likod ko pero alam ko kung sino 'yon.

"Kung may hihilingan man s'ya alam kong 'yon ay ang mag-ingat ka palagi kahit wala na s'ya."

Pa'no ako mag-iingat kung 'yung taong dahilan kung bakit ayokong mapahamak nawala.

Ang masakit pa doon, biglaan.

"Raven.. pa'no ako magpapatuloy?"

Nanatili lang akong nakatitig sa puntod n'ya habang hinihintay ang sagot ni Raven.

"Minsan ko s'yang tinanong kung anong nagustuhan n'ya sa'yo, at simple lang ang sagot n'ya."

Hindi ako nagsalita at hinayaan lang ang sunod na sasabihin n'ya.

"Napakatapang n'ya. Hindi n'ya kailangan ng kahit na sino dahil kaya n'ya ang sarili n'ya."

Pagkasabing-pakasabi ni Raven ng bagay na 'yon, hindi ko na napigilan ang iyak ko. Wala na akong pakialam kung nand'yan si Raven.

Kapag hindi ko 'to nilabas pakiramdam ko mamatay ako sa sakit.

"Ayun mismo ang sagot n'ya."

Narinig ko ang basag na boses ni Raven at kahit hindi ko nakikita ang mukha n'ya alam kong umiiyak s'ya.

S'ya ang bestfriend ni Tyron kaya alam kong masakit din sa kanya ang nangyari.

"Iwan mo muna ako." Nasabi ko nalang.

Hindi ko na kaya makinig pa.

Tama na..

Sad Beautiful TragicWhere stories live. Discover now