CHAPTER SEVENTEEN

810 19 4
                                    

TYRON

Pa'no nga kung ganon?

Pa'no kung biglang mawala ako.

Pa'no si Cyra?

Sinong magbabantay sa kanya..

Napailing nalang ako sa iniisip ko. May napaginipan kasi ako kagabi. Naaksidente daw ako at naiwan ko si Cyra. Ang huling naaalala ko sa panaginip ko na 'yon, umuulan at nasa gitna s'ya ng daan. Tinatawag n'ya ako.

Pero iba 'yung dumating.

Hindi ako.

"Sabi ko hintayin mo ako."

Napalingon ako sa pagdating ni Tyler. Nandito ako sa Mall ngayon. Dapat sabay kaming pupunta kanina dahil nagpapatulong ako sa kanya, kaso napakabagal kumilos kaya nauna na ako.

"Ang bagal mo kasi." Sagot ko.

"Tara na. Bil'hin mo na kung anong bibil'hin mo." Tyler.

Tumango ako at sumunod naman s'ya sa'kin. Bibili ako ngayon ng gamit para sa gagawin ko sa basement. Magpapatulong ako kay Tyler na magpinta ng Realistic Painting na fireworks sa pader sa loob ng buong basement. Para kapag binisita ni Cyra palagi s'yang nakangiti habang tinitignan ang mga pictures n'ya. Wala namang espesyal sa araw na 'to. Gusto ko lang talaga gawin kung ano mang maisip ko na alam kong ikasasaya n'ya.

I want her every day to be special.

Malapit na sana kami sa hardware nang may makabangga ako.

"Sorry bro, hindi ko sinasadya----Tyler?"

Nagulat nalang ako nang hindi na naituloy nung nakabangga ko ang sasabihin n'ya sa'kin. Dumiretso s'ya sa likod ko at agad na lumapit kay Tyler.

Magkakilala sila?

"Uy Mikael. Ginagawa mo dito?" Tyler.

"Gala lang, walang magawa sa bahay.  Wala din naman tayong practice."

"Ah.. Si Tyron nga pala pinsan ko."

Humarap ulit sa'kin 'yung nakabangga ko.

"Sorry pala ulit."

Hindi ako nakasagot dahil natulala nalang ako sa mukha n'ya.

Kamukha n'ya 'yung nasa panaginip ko.

"Tyron s'ya 'yung lead namin sa banda."

"A-ah.. oo wala 'yon, ayos lang."

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya dahil sobrang weird lang. Kamukha n'ya kasi talaga 'yung lalaking dumating para kay Cyra sa panaginip ko.

"Sige dude, una na ako." Paalam nung Mikael.

Tumango naman si Tyler kaya tuluyan na s'yang umalis.

Parang gusto kong habulin 'yung kabanda ni Tyler at tanungin kung kilala n'ya ba si Cyra.

"Tyron ayos ka lang?" Napapitlag ako sa tanong ni Tyler.

"Y-yung kabanda mo.. kilala n'ya ba si Cyra?"

kumunot ang noo ni Tyler sa tanong ko.

"Hindi pa nga yata nagkikita 'yung dalawa."

Tumango-tango nalang ako sa sagot ni Tyler. 

Ano ba 'tong pinag-iisip ko. 

Siguro coincidence lang na kahawig n'ya.

Sad Beautiful TragicWhere stories live. Discover now