CHAPTER SEVEN

1K 26 1
                                    

TYRON

Cyra Jade Deleon.

Sobrang hirap pala kapag hindi ka kilala ng taong kilalang-kilala mo.

Ang maging hangin ka sa taong halos maging parte nang buong buhay mo.

Ilang taon na pero hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko para sa babaeng 'yon.

Mahal ko s'ya.

Sa hindi ko malaman na dahilan minahal ko s'ya nang sobra.

Sa sobrang kabaliwan ko nga sa kanya nakukuntento nalang ako sa pagtingin sa kanya sa malayo.

Ilang beses ko rin hiniling na maging si Tyler.

Ilang beses akong nangarap na maging kasing lapit n'ya kay Cyra.

Siguro kung hindi ako naging duwag sa simula palang isa ako sa naging kaibigan n'ya.

Isa ako sa nagpapasaya sa kanya.

FLASHBACK

"Tyler tara ipapakita ko s'ya sa'yo." kanina ko pa kinukulit ang pinsan ko na pumunta sa park.

Alam ko kasing nanduon nanaman 'yung babaeng walang kaibigan

"Ano ba 'yan kita mo na kumakain ako."

Napakamot nalang ako sa ulo at lumabas nalang ng bahay.

Sa kabilang subdivision pa 'yung park na 'yon tapos wala akong kasama pumunta.

Gusto ko talaga makita 'yung babaeng walang kaibigan ngayon.

Sigurado akong mag-isa nanaman s'ya.

Buong tapang akong pumunta sa park na 'yon at katulad nang inaasahan ko nanduon ang babaeng 'yon.

"Ang ganda n'ya.." bulong ko sa sarili ko habang pinagmasdan s'ya sa swing kung saan s'ya palaging nakaupo.

Palagi akong sinasabihan ni Tyler na ang aga ko daw para magkagusto pero alam kong gusto ko talaga s'ya.

Kahit wala s'yang ginagawa napakaganda n'ya.

"S'ya 'yan?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Tyler sa tabi ko.

"G*go ka nagulat ako." Sabi ko at binigyan s'ya ng isang batok.

"Yah! Sumbong kita kay tita palagi ka nagmumura, bigat pa ng kamay mo."

Hindi ko nalang s'ya pinansin at patuloy na pinagmasdan ang babaeng nakaupo sa swing pero kumunot ang noo ko nang makitang may tatlong bata pang nakapalibot sa kanya na halos ka-edad lang namin.

"Tumabi ka d'yan kailangan namin 'yang pwesto mo."

"Bingi ka ba! Sabing umalis ka d'yan."

Hindi s'ya umaalis sa inuupuan n'ya kaya sapilitan s'yang itinulak ng nasa likod n'ya dahilan para mahulog s'ya doon.

Gusto ko s'yang tulungan pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

"Tulungan mo kaya." Bulong sa'kin ni Tyler.

Naduduwag ako.

Sad Beautiful TragicWhere stories live. Discover now