CHAPTER FIVE

1.2K 33 3
                                    


CYRA

Nagising ako nang maramdaman ko ang sinag ng araw mula sa bintana ng kwarto ko.

Dali-dali akong pumunta sa terrace at kagaya ng inaasahan ko..

May sulat nanaman sa lapag.

Ilang buwan na akong nakakatanggap ng sulat mula sa hindi ko kilalang tao.  Ito na ang pang-sixteen na sulat na natanggap ko sa kanya sa loob ng apat na buwan.

Binuklat ko ang sulat at napangiti nang mabasa nanaman ang message na 'yon.

Iisa lang naman ang laman ng lahat ng sulat na natanggap ko pero bawat basa ko sa mga 'yon iba't-ibang pakiramdam ang nararamdaman ko.

Gusto ko s'yang makilala.

Hindi ako ganito kabilis magtiwala sa isang tao pero bakit gustong-gusto ko makita ang tao sa likod ng mga sulat na 'to.

Nakangiti akong bumalik sa loob ng kwarto ko at itinabi ang sulat sa drawer ko.

Napatingin naman ako sa salamin at nakita ang repleksyon ko.

Aish, ang laki ng eyebags ko.

Paano nalang kung asarin ako ng lalaking 'yon sa park.

Teka, kailan ba ako nagkaroon ng pakialam sa kanya?

Umiling-iling ako.

Hindi dapat ako ma-concious sa kung anong iisipin n'ya.

Isa lang s'yang stranghero na bigla nalang sumulpot sa park na 'yon.

Siguro kailangan ko na mag-almusal dahil kung anu-ano na ang naiisip ko.

Antok na antok akong bumaba ng kwarto dahil nga hindi ako nakatulog kagabi.

Naalala ko nanaman ang boses na 'yon.

"Cyra, sabayan mo na ako."

Napatingin ako kay Tita na naghahanda ng breakfast.

Umupo naman ako kaya grabe ang saya ni Tita nang gawin ko 'yon.

Ngayon ko nalang kasi s'ya sinabayan sa pagkain.

Simula nang makita ko umiyak si Tita kagabi mas lalo akong nainis sa sarili ko dahil s'ya nalang ang mayroon ako sa pamilyang 'to pero hindi ko pa s'ya magawang pahalagahan.

"Ayan kumain ka ng marami, namimiss ko na ang pisngi mo."

Binigyan ko si Tita ng isang tipid na ngiti sa sinabi n'ya at natigilan naman s'ya dahil doon.

"B-bakit po?" Tanong ko.

Nakatingin lang s'ya sa'kin na para bang naiiyak kaya nailapag ko ang kutsarang hawak ko at tinignan nang maigi si Tita.

"W-wala naman.. haha.. ang babaw talaga ng Tita mo. Ngayon ko nalang kasi nakita ulit ang ngiti mo."

Napayuko lang ako sa sinabi ni Tita at nagsimulang kumain.

Sobra ko yatang nadagdagan 'yung sama ng loob ni tita.

Saglit naman akong natigilan nang mapatingin ako sa upuan ni Ate.

I sighed.

Sabi ko ayoko ng bakasyon dahil nakakatakas ako sa kanya pero ngayong wala s'ya namimiss ko s'ya nang sobra.

Sana bumalik na si Ate Cyril.

Sana balikan ako n'ya ako dahil kahit ganun s'ya sa'kin s'ya nalang ang mayroon ako sa pamilya namin nila Papa.

Sad Beautiful TragicWhere stories live. Discover now