CHAPTER EIGHT

904 29 2
                                    


TYRON

Napatingin ako sa pinto nang bumukas 'yon at nakita ko ang pinsan kong si Tyler.

Hindi s'ya nagsalita habang ako diretso lang na nakatingin sa kanya at hinihintay ang kung ano man na sasabihin n'ya.

Tatlong araw na ang lumipas simula nung bigyan n'ya ako ng isang suntok at hanggang ngayon, hindi parin kami nag-uusap.

Hindi parin s'ya nagsasalita kaya napangisi nalang ako at binato s'ya ng unan na tumama sa mukha n'ya.

"Mukha kang g*go d'yan." tumawa s'ya sa sinabi ko.

Tumakbo s'ya papalapit sa'kin at dinaganan ako sa higaan.

Para akong mababalian ng buto dahil sa bigat ni Tyler kaya tinulak ko s'ya at nalaglag s'ya sa sahig.

"Masakit g*go."

"Saan? Dito ba?" Tanong n'ya habang nakaturo sa puso n'ya at nakangiting nakakaloko. 

Mukha s'yang tanga.

Tumayo si Tyler at umupo sa dulo ng kama ko.

"Tara sa park." Aya n'ya.

"Tatlong araw na akong iniiwasan ni Jade. Nag-aalala na ako." Sabi n'ya na nginisian ko.

"Sweet mo naman pala." sarkastikong sagot ko.

"Hahaha! Selos!"

Matagal na.

Hindi ko s'ya pinansin at bumalik nalang sa pagkakahiga ko. Naramdaman ko ang pag-alog n'ya sa'kin. Minsan talaga mabubugbog ko na 'to si Tyler.

"Tara na, tignan natin kung nanduon si Jade."

Parang dati lang ako ang nagsasabi n'yan sa kanya.

Hindi ko parin pinansin si Tyler kaya narinig ko ang pagbuntong hininga n'ya at pag-alis sa higaan ko.

"Wala ka talaga."

Rinig ko pang sabi n'ya at tuluyang sinara ang pinto.

Napatingin nalang ako sa kisame at bumuntong hininga.

Hanggang kailan ka ba maduduwag sa kanya Tyron Loyola.

~*~

TYLER

Tatlong araw na ako iniiwasan ni Jade simula nung araw na nakita n'ya 'yung mga polaroids ni Tyron.

Ilang beses akong sumubok na pumunta sa kanila pero hindi n'ya ako hinaharap. Hindi n'ya rin sinasagot ang tawag at text ko.

Miss ko na 'yung iyakin na 'yon.

Papunta ako ngayon sa park at nagbabaka-sakali na makita si Jade.

Mukha kasing uulan kaya sigurado akong nakapwesto na 'yon doon.

Badtrip naman kasi 'yung pinsan ko napaka-kj sa sarili n'yang lovelife.

Nang makarating ako ng park, naabutan ko si Jade na nakaupo sa swing na 'yon. Nandito lang ako sa gilid kung saan kami nagtago noon ni Tyron at pinagmasdan s'ya.

Kagaya ng palagi kong nakikita.

Malungkot nanaman si Jade..

Para sa'kin si Cyra Jade ang isa sa pinaka-matapang na babaeng nakilala ko.

I've seen her pain countless times.

Sa lahat ng pinagdaanan n'ya at pinagdadaanan n'ya pa nakakabilib na nakukuha n'ya parin na hindi sumuko.

Sad Beautiful TragicWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu