CHAPTER SIX

1.1K 28 5
                                    

TYLER

Hindi ko mapigilanang mapangisi ngayong nakikita ko kung gaano sila ka-awkward sa isa't-isa.

Sa wakas nagharap na sila.

Alam kong matagal nang kilala ni Tyron si Jade pero hindi ko alam na kilala narin pala s'ya nito.

Paano kaya sila nagkakilala?

Ang alam ko kasi pro na 'to si Tyron sa pagtatago kay Jade.

Pasimple akong tinignan ni Jade at sinamaan ng tingin nang mapansin n'yang nagpipigil ako ng tawa.

"Guys.. anong plano n'yo this vacation?" Tanong ni Tita Vana, Mama ni Tyron.

Tinignan ko si Tyron na kanina pa tulala kay Cyra.

Malakas talaga tama nito.

"Tyron." Tawag ni Tita kay Tyron kaya napapitlag 'to.

"A-ah, ako? Wala naman." Nauutal na sagot n'ya kay Tita.

"Bakit ang putla mo yata? May sakit ka ba?" Tita Vana.

Tuluyan na akong natawa sa tanong ni tita sa pinsan ko.

Namumutla 'yan kasi nandito si Jade.

"Hahahahaha!"

Napatingin sa'kin si Tita nang bigla akong humagalpak ng tawa.

"Ang weird n'yong tatlo. Ikaw Tyron, namumutla.. ikaw naman Tyler, tumatawa mag-isa d'yan at ikaw," ibinaling ni tita ang tingin n'ya kay Jade. "Ang tagal mong hindi bumisita sa'kin tapos ang tahimik mo d'yan."

Napayuko si Jade sa sinabi ni tita.

"S-sorry po."

Sinasama ko kasi dati si Jade sa'min at dahil nga si tita ang nag-aalaga sa'kin nakilala n'ya narin si Jade. Siya lang naman kasi ang nag-iisang kaibigan ko.

Madadagdagan narin siguro sa susunod na pasukan dahil sasali ako sa isang banda na bubuoin sa Castillones Academy.

Hindi naman sa nagsasawa na ako kay Jade.

Gusto ko lang talaga makakilala ng bagong kaibigan at isa pa, gustong-gusto ko makasali sa banda na 'yon para mag-drums.

At paara naman mapansin ako ni Rafaella.

"Akyat lang ako." Sabay-sabay kaming napatingin kay Tyron.

"Ah.. Tita, may ibibigay lang ako kay Tyron." Tumayo na ako at saglit na tumingin kay Jade.

Tumango naman s'ya kaya agad kong sinundan si Tyron sa kwarto n'ya sa taas.

Pagpasok ko ng kwarto naabutan ko nanaman s'yang nakatingin sa isang katutak na polaroid na naka-clip dito sa kwarto n'ya.

"Nadagdagan mga kuha natin ah." Mukhang hindi n'ya inaasahan na nandito ako kaya agad s'yang lumingon.

"Tch.. kumatok ka naman."

"Pfft--" pinigilan ko ang matawa at umakbay nalang kay Tyron.

"Selos ka naman.. 'yang bago mong picture sa kanya, kagabi ba 'yan?"

"Bro.." tawag n'ya.

Lumingon ako at hinintay ang kung ano man na sasabihin n'ya.

"Anong pakiramdam na ipasan s'ya?"

Sad Beautiful TragicWhere stories live. Discover now