CHAPTER THREE

1.3K 32 3
                                    


CYRA

"Jade, simula na ang bakasyon, Wala ka bang balak?" Tanong ni Shane.

Nandito nanaman kami sa swing na kagabi lang inuupuan namin.

"Magpakamatay? Pwede." Biro ko.

Hindi ako nakarinig ng sagot kay Shane kaya nilingon ko s'ya at sumalubong sa'kin ang isang seryosong tingin.

Ginantihan ko lang s'ya ng isang ngiti at iniwas ang tingin ko.

"Joke lang 'yun wag ka ngang seryoso d'yan.."

Narinig ko ang pagbuntong hininga n'ya dahil sa sinabi ko.

"Nakakatakot akong mawalan ng kaibigan na kagaya mo.."

Natigilan ako sa sinabi n'ya.

"Sobra akong malulungkot kung mawawala ka. Jade, ikaw ang bestfriend ko." Dugtong n'ya pa.

"Ikaw lang yata ang gusto pa akong mabuhay! Hahaha!" Pinilit kong patungan ng tawa ang sinabi ko pero kahit ako ramdam na ramdam ko 'yung sakit sa mga salitang 'yon.

"Kahit ganun sa'yo ang ate mo alam kong mahal ka n'ya, Jade. Si tita Cara din. Siguro hindi mo napapansin pero mahal na mahal ka ng tita mo na 'yon."

Alam ko..

At hindi ko maintindihan kung bakit hindi n'ya magawang magalit sa'kin kung ako ang dahilan sa pagkawala ng pinakamamahal n'yang kapatid, Si Mama.

"Siguro iniisip mo kung bakit ganun ang tita mo sa'yo. Kung bakit hindi s'ya galit sa'yo."

Hindi ako sumagot dahil tama ang sinabi n'ya.

"Dahil alam n'yang hindi mo kasalanan 'yung nangyari."

Pagkasabing-pagkasabi ni Shane ng bagay na 'yon, tuluyang tumulo ang luha ko.

"Salamat sa paalala sa'kin na wala akong kasalanan.." halos pabulong kong sabi.

Tumayo s'ya sa inuupuan n'ya at iniharap ang likod n'ya sa tapat ng inuupuan ko.

"Tara ihahatid na kita, baka pagalitan ka nanaman ng ate mo."

"H-hindi mo ako kailangan ipasan!"

"Tch.. Sige na. Ikaw kaya ang kauna-unahang babae na ipapasan ko. Dapat si Rafaella pero hindi ka naman iba sa'kin kaya bilis na."

Ang lakas talaga ng tama n'ya sa magandang 'yon.

Sana maging sila.

"Oo na.. oo na.."

Pumasahan na ako sa likod n'ya kaya nagsimula na s'yang maglakad pabalik sa bahay namin.

"Ang payat payat mo pero bakit ganito ka kabigat." Reklamo n'ya.

"Yah.. sabi ko kasi sa'yo hindi mo kailangan gawin 'to."

"Hahaha.. Biro lang 'yon."

Minsan talaga ang sarap n'yang dagukan.

"Bakit hindi ka lumipat sa school namin Jade? kaya mo naman mag-aral doon maraming iniwan sa inyo 'yung parents n'yo." Shane.

Ipinatong ko ang baba ko sa balikat n'ya bago sumagot.

"Maganda rin naman sa pinapasukan ko at isa pa..," saglit akong natigilin pero itinuloy ko din ang sagot ko. "Baka kung anong sabihin ni Ate Cyril kapag hiniling kong lumipat." Dugtong ko na halos ibulong ko na.

"Gusto mo kausapin ko si Cyril?"

Bigla kong napukpok ang ulo ni Shane dahil sa sinabi n'ya.

"Aw! Ano bang mali sa sinabi ko?!"

"Wag mo 'yun gagawin." Sabi ko.

Ayoko kasing isipin ni Ate na sinasabi ko lahat kay Shane dahil lang nagpapaawa ako. Ayoko rin na pagisipan n'ya ng masama si Shane.

"Sayang naman Jade sana magkasama tayo." Shane.

"Bakit ba gusto mo ako lumipat, tinatamad ka na bang puntahan ako sa bahay?!"

"Hinaan mo naman boses mo ang lapit lapit ng tenga ko sa'yo."

"Bakit nga?"

"Wala lang para lang hindi ka nag-iisa sa school mo. Balita ko kasi kay-- a-ah.. i mean.. basta para palagi lang sana tayo magkasama." Medyo magulo n'yang sagot.

Hindi nalang ako umimik kaya binalot na kami ng katahimikan. Pero maya-maya pa ay binasag rin 'yon ni Shane.

"Oo nga pala, Jade.."

"Uhm?"

"Magiging magkapit bahay na tayo kasama ang pinsan at tita ko."

Nagulat ako sa ibinalita n'ya at hindi ko rin maiwasan ang makaramdam ng saya.

"Teka.. m-may pinsan ka?"

Narinig ko ang ngisi n'ya sa tanong ko at hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba.

"Oo, si Tyron."

-ToBeContinued-

Serence94

Sad Beautiful TragicWhere stories live. Discover now