CHAPTER TWO

1.8K 36 7
                                    

CYRA

"Ginabi ka nanaman! Hindi ba't sabi ko sa'yo dito ka lang sa bahay! At ano 'yang pa basa basa mo nanaman sa ulan?!"

Hindi ako sumagot kay ate at nakayukong naglakad paakyat ng kwarto ko.

Pero hindi pa ako nakakalayo nang hablutin n'ya ang buhok ko at sinabi ang mga salitang solong-solo ko na mula sa kanya.

"Wala ka talagang kwenta!"

Walang kwenta..

Paulit-ulit ko nalang na naririnig ang salitang 'yan simula nang mawala si Mama at Papa.

"Tama na.. a-ate." Bulong ko kasabay ng luha.

Padabog na binitawan ni ate ang buhok ko kaya tuluyan akong natumba sa sahig.

Siguro dahil din sa pagpapaulan ko kaya nakaramdam ako ng hilo.

"Galit parin ako sa'yo.. habang buhay ako magagalit sa'yo, Cyra."

Wala naman akong nagawa kung hindi ang umiyak nanaman.

Hindi ko masisisi si Ate kung bakit ako ang sinisisi n'ya.

Kahit ako nagagalit ako sa sarili ko.

Umakyat na si Ate kaya ako nalang ang naiwan dito sa sala habang umiiyak.

Kami nalang ang naiwan sa malaking bahay na 'to kasama ang tita namin.

Mukhang wala s'ya ngayon dahil walang pumigil kay Ate.

Bukod kay Tyler si Tita nalang yata ang bukod tangi na hindi galit sa'kin.

Pakiramdam ko lahat ng nakakakilala sa pamilya namin galit sa'kin.

"Jade?"

Napapitlag ako nang marinig ko ang boses na 'yon mula sa labas ng bahay.

Siya ang kailangan ko sa mga oras na 'to.

Agad akong tumayo at tumakbo palabas.

At kagaya ng inaasahan ko, Nakita ko si Shane na nakatayo sa labas ng gate namin habang nakangiti na agad din nawala nang mapansin n'ya ang itsura ko.

Basang-basa kasi ang damit ko at halatang galing ako sa iyak.

Naglakad ako papunta sa gate at pagkalabas na pagkalabas ko ay agad ko s'yang niyakap.

Niyakap n'ya ako pabalik at narinig ko ang mahinang tawa n'ya.

"Nako.. siguro napagalitan ka nanaman ng ate mo ano? Hindi ba sabi ko sa'yo.. hindi mo kasalanan."

Hindi mo kasalanan.

Nagpapasalamat parin ako na kahit paano may Tyler Shane Loyola na dumating sa buhay ko para sabihin ang bagay na 'yon.

Humiwalay ako sa yakap at pinunasan ang luha ko.

"Ano ba pa, palagi naman s'ya galit sa'kin."

Nagulat naman ako nang pitikin n'ya ako sa noo.

"Tignan mo kasi 'yang sarili mo basang-basa ka nanaman ng ulan." Sermon n'ya.

"M-masakit 'yun ah!"

Tumawa lang s'ya kaya napangiti narin ako.

Siya lang ang nakakapagpagaan ng loob ko.

"Magpalit ka, sa park tayo."

~*~

Nakaupo kami ngayon sa swing habang nainom ng kape na dala n'ya kanina.

Sad Beautiful TragicWo Geschichten leben. Entdecke jetzt