CHAPTER FOUR

1.1K 30 5
                                    


CYRA

Hindi nanaman ako makatulog.

Ang kaibahan lang ngayon hindi dahil kay Papa, Mama, o Ate.

Sa unang pagkakataon ibang tao ang tumakbo sa isip ko.

Nang ihatid ako ni Shane at sinabi sa'kin ang paglipat nila ay nakaramdam talaga ako ng saya kaso agad din nabawi 'yon nang sabihin n'ya ang pangalan ng pinsan n'ya.

Sana naman hindi ang lalaking 'yon.

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung sakaling iisa lang sila.

Ang problema ko pinipilit ni Shane na pinsan n'ya ang gusto ko. Sinabi ko na ibang Tyron ang sinasabi ko pero hindi ko makumbinsi ang makulit na 'yon.

I sighed.

Ano nalang ang mukhang ihaharap ko kay Tita Vana.

Tita s'ya ni Shane at sa kasamaang palad s'ya pala ang nanay ng Tyron na 'yon. Nakatira kasi si Shane sa tita n'ya dahil busy ang mga magulang n'ya sa business nila. Hindi ko pa pala nasabi na napakayaman ng Shane na 'yon. Hindi lang talaga halata dahil napaka-simple n'ya.

Tyron.

Tyron.

Tyron.

Baka naman magkapangalan lang sila? 

Dahil kapag nagkataon na iisa ang Tyron na pinsan ni Shane at ang lalaking 'yon sa park, katapusan ko na talaga.

Teka nga.. bakit ko ba pinoproblema 'yon samantalang hindi ko pa naman nakikita ang Tyron na pinsan n'ya.

Hindi naman siguro 'yon ang lalaking 'yon ano?

"Cyra?"

Napatingin ako sa nakasara kong pinto nang marinig ko ang boses ni Tita Cara.

"M-may gagawin po ako."

Ayokong iwasan si Tita Cara pero simula nang mawala si Papa at Mama, nahiya na akong humarap sa kanya. Ni hindi ko s'ya makausap nang matagal.

Napatayo ako sa pagkakahiga nang marinig ko ang sunod-sunod na hikbi ni Tita sa labas ng pinto ko.

Agad akong pumunta doon at pinagbuksan si Tita Cara.

"B-bakit po?"

Punong-puno ng luha si Tita at inabot sa'kin ang isang sulat.

Nagdalawang isip pa ako nang kunin ko 'yon at halos manginig ang kamay ko sa nabasa ko.

Si Ate Cyril..

Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko.

Niyakap naman ako ni Tita na tuluyang napaiyak habang ako nakatulala lang.

"Ano bang nasa isip ng kapatid mo.."

Hindi ako sumagot sa tanong n'ya kahit alam ko ang nasa isip ni Ate.

Umalis si Ate Cyril.

Sinasabi n'ya sa sulat n'ya na gusto n'ya kaming kalimutan lahat.

Lalo na siguro ako.

Humiwalay sa yakap si Tita at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Wag mo iiwan si Tita ha.."

Idinikit ni Tita ang noo n'ya sa noo ko habang tuloy-tuloy na umaagos ang luha n'ya. "Mahal na mahal ka ni Tita.."

Sa sinabi n'yang 'yon hindi ko namalayan na umiiyak narin pala ako.

"Opo.." mahina kong sagot na nakapagpa-ngiti sa kanya.

"Sige na, magpahinga kana.. babalik din ang ate mo. Babalik s'ya sa'tin."

Tumango ako at muling isinara ang pinto ko.

Pagkasarang-pagkasara ko ng pinto, napasandal nalang ako at halos hindi ako makahinga dahil sa bigat ng loob ko.

Kasalanan ko.

Kasalanan ko nanaman.

Lahat nalang ng masamang bagay na nangyayari sa pamilyang 'to ako ang dahilan.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at hindi ko na pinigilan pa ang iyak ko.

Hindi ko na kaya.

Minsan iniisip ko kung anong kasalanan ang nagawa ko at nangyayari sa'kin ang mga 'to.

Napakasaya ng pamilyang 'to pero simula nang pangyayari na 'yon naging miserable na ang lahat.

At dahil 'yon sa'kin.

Pinilit kong matulog pero hindi ako nakakaramdam ng antok kaya naisipan kong tawagan si Shane.

Wala pang isang minuto nang may sumagot ng tawag ko.

"S-shane.."

Nang banggitin ko ang pangalan n'ya ay hindi ko na naiwasan pa ang maiyak.

Saglit na katahimikan nang marinig ko ang boses sa kabilang linya pero hindi kay Shane 'yon.

"Pinsan n'ya 'to, lumabas saglit si Tyler."

Hindi ako nakasagot at parang na-blanko bigla ang utak ko dahil sa boses na 'yon.

Hindi ako pwedeng magkamali..

Boses 'yon ng lalaki na palagi kong nakikita sa park.

-ToBeContinued-

Serence94

Sad Beautiful TragicWhere stories live. Discover now