CHAPTER TWELVE

869 20 5
                                    

CYRA

2:31 am.

Hindi parin ako makatulog. Matapos ang lahat ng nangyari kanina hindi talaga ako makatulog.

So, sa kanya 'yung mga polaroids na nasa kwarto ni Tyler? Ay mali. Kwarto n'ya nga pala daw 'yon.

Tapos ano? Bukod doon may basement pa s'ya na punong-puno ng polaroids at isang malaking frame na walang iba kung hindi mukha ko lang ang makikita. At ang pinaka kinagulat ko kanina,

S'ya 'yung sumusulat sa'kin na crush ko kahit hindi ko naman kilala.

Nakalaloka naman 'to.

"AHHHHHH!!"

Napaupo ako sa higaan at napasabunot nalang sa sarili ko.

Matulog ka.

Matulog ka.

Matulog kana!

Napatingin ako sa salamin at agad kong sinimangot ang mukha ko nang makita kong nakangiti pala ako nang sobra.

Anong nginingiti-ngiti mo!

"Aish!"

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon at narinig ko ang boses ni tita.

"Cyra okay ka lang ba d'yan?"

"A-ah.. opo!"

"Anong oras na matulog kana."

Hindi na ako sumagot pa kaya narinig ko na ang yapak ng pag-alis ni tita.

I sighed.

Hanggang ngayon sa tuwing maaalala ko lahat ng narinig ko sa kanya kanina, bumibigat ang paghinga ko. Halo-halo din ang nararamdaman ko. kaba, takot at aaminin ko,

Masaya ako.

Humiga ako ulit at tumingin sa side table. Malapit na mag alas tres pero ni isang minuto hindi ko pa naipipikit ang mga mata ko.

Hindi naman pwedeng hindi ako matulog dahil magkikita kami ni Shane bukas.

May importante daw s'yang sasabihin sa'kin at f.o na daw kami kapag hindi ako nagpakita.

Ang lakas ng loob n'yang takutin ako samantalang s'ya ang may atraso sa'kin! Alam n'ya ang lahat ng tinatago ni Tyron pero hindi n'ya manlang sinabi sa'kin!

Ang magpinsan na 'yon ah.

Ipinikit ko nalang ang mata ko at mga ilang minuto din ay nakaramdam ako ng antok. Pero bago ako makatulog isang tao parin ang nasa isip ko..

Tyron Loyola.

~*~

TYLER

(Ano na, nandyan na ba si Cyra?)

"Yung totoo? Pang-ilang tanong mo na 'yan?"

(Wala pa s'ya? Baka may nangyari nang masama sa kanya!)

"Ang o.a na. Para sabihin ko sa'yo, six minutes palang late si Cyra."

Magkausap kami ni Tyron ngayon at badtrip na ako sa kanya dahil pang anim narin n'yang tawag 'to. Ano 'yan, mimu-minuto nalang!? Hindi naman s'ya excited? 

Tch.

(Hahaha! Oo, sorry na. Basta diretso kayo agad dito ah.)

"Oo na.. oo na. Pang bente mo na 'yan."

Sad Beautiful TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon