CHAPTER ELEVEN

874 22 2
                                    


TYRON

"May hindi s'ya magandang sinabi kay Jade kaya ko nagawa 'yon."

Hanggang ngayon hindi maalis sa isip ko ang mga nalaman ko kay Tyler. Naiintindihan ko kung bakit s'ya napaaway nang ganon at sinabi n'yang self-defense ang nangyari dahil galing daw kay Xavier 'yung basag na bote na 'yon. Ang kaso, hindi ko alam kung pa'no kami makakalabas sa gulo na 'to dahil binabantayan narin kami ng mga kaibigan ni Xavier.

"Tyron!"

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sigaw ni Cyra mula sa likod ko.

Hanggang ngayon parang timang parin 'yung puso ko dahil kahit ilang beses na n'ya akong tinatawag sa pangalan ko, ganun na ganun parin ang tibok nito.

Parang sasabog.

"Wala nanaman si Shane.." sabi n'ya sa malungkot na boses.

Tumayo ako at nagkunwari na aalis na.

"Alis na ako hindi ako kailangan dito."

Agad n'yang hinawakan ang kamay ko at pakiramdam ko nakuryente ako dahil doon.

"N-nagbibiro lang ako."

Hindi ako nakasagot dahil natulala ako sa kamay naming dalawa na hanggang ngayon, hindi parin naghihiwalay. Napatingin naman s'ya doon at agad na binitawan ang kamay ko.

"S-sorry... ahm.. saan tayo ngayon?" Awkward na sabi n'ya.

Hanggang ngayon nagtataka parin ako kung bakit nag-iba ang pakikitungo n'ya sa'kin. Dati naman wala s'yang ginawa kung hindi sungitan ako.

Kahit pa'no kaya gusto n'ya ako?

Asa naman Tyron.

Ligaw nga lang na-reject kana.

Agad kong hinila ang kamay n'ya dahil kanina ko pa napag-planuhan kung saan ko s'ya dadal'hin.

Hindi ko akalain na ganito ko kaaga ipapakita sa kanya ang loob ng basement na 'yon.

Akala ko nga hindi ko na mapapakita pa sa kanya.

Buti nalang at bakasyon ako natauhan sa kaduwagan ko.

Atleast palagi ko s'yang kasama.

Tahimik lang kaming naglalakad habang hila ko s'ya sa kamay n'ya pero nagulat ako nang bigla nalang s'ya bumitaw.

"A-ate..."

Paglingon ko halos mamatay ako sa kaba nang makitang malapit na mahagip ng sasakyan si Cyra.

Agad ko s'yang hinatak at napayakap ako sa kanya nang mahigpit.

Ilang segundo nang katahimikan at tanging hininga lang namin ang naririnig ko, lalo na 'yung sa'kin.

Sh*t.

Muntik na 'yon.

Agad ko s'yang hinawakan sa magkabilang balikat n'ya at hindi ko napigilan na sigawan s'ya.

"Bakit bigla bigla ka nalang natawid!? Pa'no kung nahagip ka nung sasakyan kanina!"

Biglang bumagsak ang mga kamay ko mula sa balikat n'ya nang sabay-sabay na tumulo ang luha n'ya.

"N-nakita ko kasi si Ate. P-parang s'ya kasi talaga 'yon, nakatingin s'ya s-sa'kin." Humihikbi n'yang sabi.

Ganito ba talaga pag mahal mo ang isang tao?

Sad Beautiful TragicWhere stories live. Discover now