CHAPTER TEN

832 23 5
                                    

TYRON

"Hindi ko pa matatanggap 'yan, Tyron. May gusto kasi ako pero hindi ko s'ya kilala. Biruin mo napangiti n'ya ako dahil lang sa sulat n'ya."

Halos manlumo talaga ako kahapon sa narinig ko sa kanya.

Nakakatawa lang kasi.

Karibal ko ang sarili ko kay Cyra at hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Nakalagpas na nga ako sa kaba ko nung tanungin ko s'ya kung pwede ko ba s'yang ligawan tapos ngayon, panibangong lakas ng loob nanaman ang kailangan ko para sabihin sa kanya na sa'kin galing 'yung mga sulat na 'yon.

Oo, ako 'yon.

Ako 'yung naglalagay ng mga sulat na 'yon sa terrace n'ya dahil doon ko lang nakikita ang ngiti n'ya noon.

Daig ko pa nga akyat bahay dahil lang doon.

Pero masaya ako ngayong nakakasama ko na s'ya palagi.

Busy akong masiraan ng bait nang biglang pumasok si Tyler sa kwarto ko na akala mo nabagsakan ng langit at lupa. 

Ano nanaman problema nito?

"Ilabas mo na sa Cr 'yan." Sabi ko.

Mukha kasi s'yang may LBM.

"G*go.." bumuntong hininga s'ya at umupo sa dulo ng kama ko. "Badtrip talaga." Sabi n'ya habang sabunot ang sarili n'ya. Wala na 'to.

"Problema mo?" Tanong ko.

"Sumali ako sa banda na 'yon para mapansin n'ya! Tapos ano?! Doon s'ya baliw na baliw kay Kurt!"

Ayos lang sana sa'kin na dramahan n'ya ako. Ang kaso, wala akong kilala sa mga binabanggit n'ya.

"Sinong s'ya ba, at sinong Kurt?"

Nagulat ako nang mabilis s'yang gumapang papalapit sa'kin at hinawakan ako sa kwelyo ko.

"SI KURT NA VOCALIST NAMIN AT SI RAFAELLA CASTILLONES NA GUSTO KO!" Sabi n'ya na akala mo nasiraan ng ulo.

Binitawan n'ya ang kwelyo ko at padabog na humiga.

"Buti nga ikaw kahit pa'no kilala sa mukha, eh ako? Ni hindi alam ni Cyra dati na mag-school mate kami." Reklamo ko na tinawanan n'ya.

"Bobo mo kasi, daig mo pa kriminal kung magtago."

Nahamapas ko ng unan sa mukha si Tyler dahil sa sinabi n'ya. 

G*gong 'to.

Pero sabagay.. totoo naman.

Bigla kong naalala 'yung usapan namin ni Xavier sa park. 'yung lalaking lumapit kay Cyra.

Mainit talaga kami sa isa't-isa dahil palaging nagkakainitan ang samahan namin sa samahan nila.

"May itatanong pala ako."

Tinignan ako ni Tyler.

"Anong kasalanan mo kay Xavier at palagi ka n'yang hinahanap sa'kin?"

Kumunot ang noo ni Tyler sa tanong ko.

"Sinong Xavier?"

Hindi n'ya kilala si Xavier? Anong sinasabi ng siraulo na 'yon?

"May nakaaway ka ba nitong mga nakaraang araw?" Tanong ko ulit sa kanya.

Saglit s'yang nag-isip bago sumagot.

"M-mayroon."

Sabi na..

Hindi naman s'ya hahanapin ni Xavier kung wala s'yang atraso.

Hindi maganda kalabanin ang Xavier na 'yon.

Marami s'yang pwedeng gawin kay Tyler kapag nalaman n'ya kung saan ako nakatira. Magaling lang ako sumalisi kaya hindi ako nasusundan ng mga kaibigan n'ya.

Ayun din ang pinag-aalala ko kapag kasama ko si Cyra.

"Anong nagawa mo sa kaaway mo?"

Bumuntong hininga s'ya at bumangon sa pagkakahiga.

"Nasugatan ko 'yung mukha n'ya ng basag na bote."

Kaya pala may peklat sa mukha si Xavier..

At tama nga ako sa hinala ko na si Tyler ang may gawa non.

Malaking problema 'to.

"Wag ka muna lumabas labas."

Nagtaka s'ya sa sinabi ko.

"Alam ko mga adik lang nagtatago, inosente naman ako ah.."

Kung hindi lang talaga ako papagalitan ni Mama, bubugbugin ko 'to.

"Hindi mo kilala binangga mo, Tyler."

Wala naman s'yang nagawa kung hindi ang kumamot nalang sa batok n'ya.

Parang kapatid ko na si Tyler kaya hindi ko s'ya hahayaang galawin ng Xavier na 'yon.

"N-nagawa ko lang naman 'yon dahil kay Jade."

Mas lalo akong nagulat sa sinabi n'ya.






Anong kinalaman ni Cyra?

-ToBeContinued-

Serence94

Sad Beautiful TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon