CHAPTER FIFTEEN

757 24 0
                                    


CYRA

Sunod-sunod na katok ang ginawa ko sa bahay nila Tyron. Mga ilang segundo ay bumukas 'yon at bumungad sa'kin ang mukha ni Shane.

Saglit akong natigilan.

Isang buwan.

Isang buwan s'yang hindi nagpakita sa'kin at hindi ko alam kung bakit.

"A-ah.. Si T-tyron ba?"

Halata sa salita n'ya na nabigla s'yang makita ako. Bigla kong naalala kung bakit ako pumunta dito dahil sa tanong n'ya.

Si Tyron.

"S-si Tyron ba nakauwi na?" Nag-alalang tanong ko.

Ramdam kong nangingilid nanaman ang luha ko. Hindi rin ako nakapagpaalam ng maayos kay Tita dahil sa pagmamadali ko na pumunta dito.

Mukhang napansin n'ya ang itsura ko kaya agad s'yang lumapit sa'kin.

"B-bakit? Bakit ganyan itsura mo?" Nag-aalalang tanong n'ya.

Hindi ako nakasagot kay Shane dahil tuluyan na akong napaiyak.

"K-kasi.. kinakabahan ako, Shane. Hindi ma-reach 'yung phone n'ya."

Niyakap ako ni Shane at pilit na pinakalma.

"Wag kang umiyak. Naiintindihan ko kung bakit ka ganyan katakot pero wag ka muna mag-isip ng masama."

Tumango-tango ako sa sinabi n'ya.

"S-salamat, sige mauna na ako." Paalam ko.

Tumalikod na ako para umalis pero natigilan ako nang magsalita si Shane.

"Namiss kita." Lumingon ako. "Busy lang ako sa pagpa-practice kaya wag mo isipin na iniiwasan kita." Nakangiti n'yang sabi.

kilalang-kilala na talaga ako ni Shane.

Alam na alam n'ya kapag may gusto akong itanong o kung anong itatanong ko sa kanya.

Tumango naman ako at ngumiti.

"Nagpapasikat ka kasi kay Rafaella! hahaha.."

Tumawa s'ya sa sinabi ko pero kita ko ang lungkot sa mga mata n'ya.

"May iba s'yang gusto." Nalungkot ako sa narinig ko kay Shane. "Wala naman akong magagawa kung hindi ako ang gusto n'ya." Dagdag n'ya.

"Maghintay ka lang, magagayuma mo rin 'yon."

"A-ang sama! Gwapo naman ako ah!"

Tumawa nalang ako at nag-wave na sa kanya.

"Sige na, balik na ako sa'min."

"Hindi ka papasok? Dito mo nalang s'ya hintayin."

Umiling ako sa alok n'ya dahil may iba akong gusto puntahan.

"Hindi na, ikumusta mo nalang ako kay Tita Vana."

Tumango si Shane kaya tumalikod na ako at nagsimula na umalis.

Alam kong nakatingin parin s'ya habang paalis ako pero hindi na ako nag-abala pa na lumingon.

Tama si Shane.

Hindi dapat ako mag-isip ng masama.

Buti nalang kahit pa'no napakalma n'ya ako. Pero ganun pa man, hindi ko parin maiwasan na mag-alala.

Hindi ko rin sinabi kay Shane na sa iba ako dumiretso dahil alam kong sasama s'ya pag nalaman n'ya na hindi pa ako uuwi.

Isang lugar lang naman ang gusto kong puntahan ngayon.

Sad Beautiful TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon