[2] Name

7.2K 320 17
                                    

K E N

"Hintayin mo na lang muna ako dito, Ken. Punta lang ako sa locker room. Kukunin ko 'yung iba ko pang gamit." Sabi ni Renz sa akin.

I nodded.

Nakatingin lang ako kay Vincent habang nagt-training sya. Aba, may tinatago pala siyang galing sa paglalaro nito.

Kaya lang, he rarely smiles. Huli ko atang kita sa kanya na nakangiti, noong encounter namin sa jeep.

Napailing ako. Naisip ko na naman 'yon.Naiinis na naman ako!

Anyways, ayun na nga. Kapag bibiruin siya ng mga kalaro niya e wala lang. Para bang may sarili siyang mundong ginagalawan. Pero hindi ko na ide-deny, gwapo pa rin siya kahit nakasimangot. Ang hot niyang tingnan kapag nababadtrip.

Hindi ko 'to sinasabi kasi attracted ako sa kanya or what, I am just stating the fact. At crush? Jusme, ni hindi nga ngumingiti. Gusto ko sa lalaki, 'yung mahilig ngumiti.

Tulad ni Renz. Palangiti ang lalaking 'yon. Kaya nga ako lumagapak doon eh. 'Yun nga lang, walang napatunguhan ang nararamdaman ko sa kanya since hindi naman siya aware dito. At para saan pa ba kung nalaman niya, eh alam ko namang siya 'yung tipo ng lalaki na isang kindat lang sa babae hubad na agad.

"Ken, let's go. Male-late na tayo sa next subject." Sabi ni Renz na kakarating lang.

Nakasuot na ng PE shirt pero pawis na pawis pa rin ang noo niya. Nakasukbit sa balikat niya 'yung bag niya at may dala siyang bottled water.

Tumayo na ako. "Noo mo, basang-basa." Sabi ko sa kanya.

"Concern?" Bigla siyang naghagis sa akin ng face towel, "Punasan mo ako. Matutuwa pa ako." Sabi niya sabay lagok ng tubig.

Tumingin ako sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin, "Pumasok ako sa paaralang ito para mag-aral. Hindi para maging PA." Sabi ko sa kanya.

Inihagis ko pabalik sa kanya 'yung towel at nauna na akong maglakad.

"Well, you sounded concern eh." Sabi nya.

"Baliw ka talaga. Yes, I'm concern pero hindi ibig sabihin non, kailangan na kitang punasan ng pawis." I told him.

He just chuckled.

"Grabe Ken. Nagbago ka na talaga," sabi nya na nagpakunot ng noo ko.

"Ha?"

"Wala lang. Dati kasi nagba-blush ka kapag kinakausap kita. High school days. Pero ngayon, himala. Wala na akong epek sa'yo." Sabi niya. Naramdaman ko naman ang unti-unting pagtaas ng mga blood cells ko.

Ewan ko sa'yo, Renz! Ang gwapo gwapo mo ang manhid mo naman. Naknang.

"Uy, nagb-blush na ulit siya. That's an achievent! May epekto pa rin ako sa'yo! Hahahaha!" Sabi nya at tumawa sya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at hinampas ko sya sa braso. Punyeta.

"Baliw. I'm just really kind of, you know, maputi kaya namumula ako kapag mainit." Sabi ko.

"Ok ok, fine. Kunyari naniniwala ako," at tumawa uli sya.

Sinamaan ko uli sya ng tingin at binilisan ko na ang paglalakad ko. Bwiset, nabad-trip ako bigla.

"Joke lang, Ken! Ano, pikon agad?!"

Oo nga pala. Magkaklase pa ata kami sa susunod na subject. OrDev 2. Pagkarating namin sa room CS3313, bigla kaming naging center of attraction ni Renz. Wait. Baka iniisip nila na mag-jowa kami?! Hell no.

Pero bahala sila sa iisipin nila. I don't care.

Magkatabi kaming umupo ni Renz sa bakanteng upuan. Basta ako sa may bintana. Gusto ko kasi lagi ng fresh air para mas ma-absorb ng utak ko ang mga lessons na tinatalakay bawat subject.

His Deepest Secret ☑️Where stories live. Discover now