[21] Hinalikan

4.2K 192 17
                                    

L I O N N E

Bente taon na akong nage-exist sa mundong ito. At sa bente-taon na iyon, alam nyo kung ano ang naging buhay ko? Isang alipin. Kumbaga ako ang utusan, ang espiya, ang utu-uto sa pamilya kung saan ako nabibilang ngayon.

Pamilyang alam kong hindi ko tunay na pamilya. Kaya nga nila nagagawa ang bagay na ito sa akin.

At alam nyo kung anong mas nakakatuwa? Ni-hindi ko magawang tumanggi sa lahat ng pinapagawa nila sa akin. Dahil sinabi nila sa akin na tutulungan nila akong mahanap ang tunay kong mga magulang kung susunod ako palagi sa inuutos nila.

Hanggang ngayon, umaasa pa rin ako sa pinangako nila. Pero alam ko rin sa sarili kong unti-unti na akong sumusuko at nawawalan ng pag-asa.

Oo. Isa akong ampon. Nakakalungkot isipin na nagawa akong sukuan ng mga magulang ko noong mga panahong iyon. Marahil akala nila'y tuluyan na akong namatay sa sunog kaya hindi na nila hinanap noon. Isa lang ako noong walong buwang gulang na bata at wala pang kaalam-alam sa mga nangyayari. Hindi na nila ako hinanap.

Sa pamilyang kinabibilangan ko ngayon. Noong bago pa lamang ako lumalaki, sabi ko sa sarili ko -- ang swerte-swerte ko at napakadisente ng pamilyang kinalalakihan ko. Bukod doon, mayaman pa. Hanggang sa sila na rin ang nagsabi sa akin na inampon lang nila ako dahil isa ako sa mga nakaligtas na sanggol noon sa kalagitnaan ng malaking sunog.

Mababait naman sila. Oo. Maganda at malusog ang takbo ng buhay nila.

Maganda ang pakikitungo nila. Sa tunay nilang anak na si Lhor.


Syempre, ano pa bang aasahan ko? Hindi talaga magiging patas ang pakikitungo nila. Dahil hindi naman nila ako kamag-anak o kadugo. Noong una, oo, nakakapangselos. Pero nasanay na rin ako. Wala naman akong magagawa. Good thing, itinuring ako ni Lhor na tunay na kapatid. Sobrang lambing at bait niya. Kaya nagsisi ako na napagtaniman ko siya ng sama ng loob.

Ang pinakang problema ko ngayon ay dumating nga sa puntong maging alipin nila ako. Dahil binigyan nila ako ng pag-asang mahanap ang tunay kong mga magulang. And that's because I begged. Ayoko talaga sa kanila. Gusto kong mahanap ang tunay kong pamilya. Gusto ko silang makita. Nakakatangang isipin na inampon-ampon nila ako, tapos tutulungan nila ako ngayong hanapin ang tunay kong mga magulang.

Kaya siguro sila nagbigay ng kondisyon. Isang nakakatangang kondisyon.

Pero sinasabi ko sa inyo, napaka-useless ng pamilyang ito kung wala ako.

"Lionne, still up?" Sabi ni dad sa kabilang linya.

Napalunok ako, then I faked a smile kahit na alam kong hindi niya ito makikita.

"Y-yes dad."

"I'm telling you, act sincere. This is for your future. At kung gusto mo talagang mahanap ang totoong nanay at tatay mo." Sabi nito mula sa kabilang linya.

Napangiti ako ng mapait. 'Diba? Kakasabi ko lang. Isa ako ngayong utusan. Dito sila magaling.

Dahil binigyan nila ako ng isang kondisyon, tinake advantage naman nila.

Ang tatalino.

"Dad, may tanong ako." I asked.

"I'm in a rush"

"Bakit ito pa? Bakit kailangan pa nating gawin 'to? Alam ko namang hanggang ngayon gusto nyo pa ring gumanti. Pero sinasabi ko po sa inyo, kahit ano pang gawin natin, nakamit na natin ang hustisya. Walang may gusto sa nangyari kaya alam kong hindi natutuwa si Lhor sa ginagawa nyo ngayon. Gusto ko nang makita ang tunay kong mga magulang pero sana naman, kahit ito lang -- ipagpaliban nyo na." Mahaba kong sabi.

His Deepest Secret ☑️Where stories live. Discover now