[20] Ayoko

4K 211 11
                                    

V I NC E N T

"Sasabihin ko naman talaga sa'yo. Tumi-tyempo lang ako ng tamang oras." Paliwanag ko kay Ken.

Nandito kami ngayon sa gitna ng oval. May mga mini rides dito. Ngunit sa kabila non ay nagawa pa rin talaga naming humiga sa damuhan. Kaming dalawa lang naman ang tao dito dahil karamihan ay nasa hall at nagd-dinner na.

Parehas kami ngayong nakatingin sa langit. Hindi ko masasabing awkward ang paligid dahil una sa lahat, hindi ako nakakaramdam noon. Ang mahalaga ngayon ay alam na ni Ken ang lahat ng kalokohan ko at kung magagalit man siya sa akin ay maiintindihan ko.

"Ken, wala ka bang balak magsalita?" I asked him.

Saglit siyang tumingin sa akin, at saka niya ibinalik ang tingin niya sa langit. Nararamdaman kong naguguluhan na siya ngayon. Ano bang dapat kong gawin? Magpaliwanag pa nang magpaliwanag sa kanya?

"Si Paul ay si Vincent. Tapos si Vincent, si Paul. Hanep, ang galing." Sabi nya then he sigh.

Naipaliwanag ko na sa kanya lahat. I told him na kaya ko lang ginagawa ang matagal ko nang kalokohan dahil unang una talaga sa lahat, trip ko lang. Kasi nga confident akong walang kakausap sa akin at walang magkakaroon ng interest kausapin ako.

At iyon ang kailangan ko. Gusto ko naman ng tahimik na buhay. 'Yun bang tamang masid masid lang. Hindi 'yung parang kada kilos ko ang big deal sa ibang tao.

Oo na, ako na malakas ang trip. Dumating sa point na ginawa ko 'yun para lang malessen ang attention na natatanggap ko mula sa mga tao slash toxic na estudyante rito. Pero kasi, naging effective eh. Kung hindi naman naging effective itinigil ko rin agad iyon.

Hindi ko rin ine-expect na darating sa buhay ko este ni Paul si Ken.

And since I explained everything, knowing him, alam kong iintindihin niya ako. Tingin ko, sapat na ang oras na nagkakasama kami para makilala ko siya. Halos makabisado ko na nga siya, eh. Sa dalawang personalidad ko ba naman siya kilala.

Pero malay mo. Bigla siyang magtanim ng galit sa akin. Tingin nyo, magagawa niya?

"P-pero, hindi ka ba nalilito sa ginagawa mo? Dalawang personality ang hina-handle mo. Paano 'yun?" Tanong niya.

Ngumiti ako ng kaunti, "Ikaw lang naman ang aware sa existence ko. So basic lang sa akin na i-handle 'yun." Sabi ko.

He chuckled. At the moment na marinig ko iyon, ang mahina niyang tawa, nakaramdam ako ng gaan sa dibdib ko. Kahit kasi malakas ang kutob ko na iintindihin niya ako, marinig ko lang siyang tumawa, gumagaan na ang pakiramdam ko.

Dahil kagaya ng pagkakahulog niya kay Paul, ganoon din ang pagkakahulog ni Vincent sa kanya.

"Hindi ka ba galit?" Tanong ko sa kanya.

"Anong tingin mo sa akin, imatyur? Vincent, I understand you. At mukhang naiintindihan na rin kita kung bakit palagi kang nagsusungit sa akin. Pero you know, medyo nakakatampo lang na hindi mo sinabi kaagad. Ang dami ko pa namang masasamang sinabi kay Paul na tungkol sa'yo. Eh ikaw na pala mismo ang kausap ko." Nahihiya niyang sabi.

Ako naman ngayon ang napatawa, "Wala yun. Totoo naman lahat ng sinabi mo."

"At isa pa, ramdam ko rin naman na halos wala ka na ngang privacy bilang Vincent kaya naiintindihan kita. Nakikita ko. Naririnig ko. Ang nakakatanga lang talaga, 'yung..." napapikit siya, "tangina, umamin ako kay Paul ng feelings ko knowing he's completely a different person." Sabi niya.

His Deepest Secret ☑️Where stories live. Discover now