Prologue

11.7K 233 7
                                    





Lahat tayo ay may tinatagong sikreto. 'Yung iba sa atin, pinipiling itago na lang 'yun hanggang sa ma-anxious tayo ng ma-anxious at, no choice, tayo rin mismo ang aamin ng sikretong 'yun. 'Yung iba naman, ayaw nilang sila lang ang nakakaalam kaya naman sinasabi nila ang kanilang sikreto sa mga pinagkakatiwalaan nilang kaibigan, kamag-anak, o iba pang kakilala. And then, sasabihin din nung kaibigan o kamag-anak niya sa iba pa nilang kakilala. Ang ending, nalaman din ng lahat.

Because all secrets are meant to be revealed in any form or means. Ikahiya man natin ito, ika-proud, ika-galit o ika-depress, if that is what's meant to happen, wala tayong ibang magagawa kundi tanggapin iyon. Dahil aminin man natin sa sarili natin o hindi, ang mga nabubunyag na sikreto ay nagdudulot sa atin ng kaginhawahan at parang nabubunutan tayo ng tinik sa dibdib.

Napakaraming nangyari sa buhay ko. Ang daming sikretong nabunyag, ang dami kong nalaman. But funny may it seems, may isang sikretong nabunyag na mas nagpakumplikado pa sa buhay ko.

Ano nga ulit 'yun?

His Deepest Secret ☑️Where stories live. Discover now