[12] Sino

4.9K 254 5
                                    

K E N

Monday morning.

"Mojica ano na? Bilisan mo! Pag tayo naubusan ng mauupuan doon ikaw talaga sisisihin ko." Sabi ni Ethan, kaklase ko, at papalapit siya sa akin.

"Fine, fine! Wait! Wag mo pati akong tawagin sa apelyido ko, call me Ken." Sabi ko naman.

Ewan ko ba. Parang tamad na tamad akong kumilos ngayon. Naa-awkwardan pa kasi ako. Bumabalik sa isipan ko ang lahat ng sinabi sa akin ni Renz noong sabado.

Medyo nahihiya pa akong magpakita sa kanya ngayon. Pero alam nyo ba, kanina pagkapasok na pagkapasok ko sa first subject ko, mukha nya ang unang bumungad sa akin. Sabi pa nya, "Uy si bespren! Nood ka mamaya ha, sasapukin talaga kita pag hindi kita nakita sa lahat ng sulok ng gym."

Wala share ko lang. Haha.

I sigh then sumunod na ako kay Ethan.

"Bagal mo." Sabi niya. Nginitian ko na lang siya at ni-lead na niya ang daan papunta sa gym nang bigla akong may maalala.

"Wait wait wait, si Paul!" I said out of nowhere.

"Sino na naman 'yang Paul na 'yan?" Tanong ni Ethan.

"Wala naman. And, Ethan, pwedeng mauna na? May titingnan lang ako."

"What? Teka,"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at pumunta ako sa mga bench. Sinubukan kong hanapin si Paul pero wala sya doon. Ewan ko ba! Bakit ba kasi hindi ko alam ang course nya. No, bakit ba kasi ayaw nyang sabihin?

Baka naman myembro sya ng isang fraternity? Oh my gosh! Charot lang.

Biglang pumasok sa isip ko 'yung first kiss ko na nanakaw niya dahil sa kagaguhan ko.

Napatalikod naman ako bigla at mabilisang naglakad pabalik sa gym.

Buti wala si Paul. Thank you very much.

"San ka ba galing?" Salubong sa akin si Ethan nung pabalik na ako sa gym.

"Ha? Told you, may tiningnan lang ako. Eh wala. So let's go!" Sabi ko at umuna na akong maglakad.

~*~

Sigawan dito at sigawan doon ang maririnig no dito sa loob ng gymnasium. Malamang. Ano pa bang aasahan nyo kapag ganitong may liga? Finals pa mandin so, talagang kagulo ang lahat. Partida, hindi pa nag-uumpisa 'yan.

Sa magkabilang side ng gym na ito ay ang dalawang rival schools. Since finals ito, gravity rin ang supporters ng kabilang university. Championship na ang pinaglalabanan nila.

Kung gravity ang supporters ng kabila, aba black hole naman ang amin! Homecourt ata 'to! Pati ata mga day care nanonood dito. Napatingin naman ako sa paligid. Mukhang wala namang day care.

Since nasa medyo babang baba kami ni Ethan dahil napaaga kami, (bwiset si Ethan pinagmadali pa ako,) nakita namin ang pagpe-prepare ng bawat team.

Nakita ko pa si Vincent na naka-headset at pa-chill chill lang. Sige lang. Ilaban natin 'yan. Mapilayan ka sana mamaya sa game.

JOKE! Baka matalo kami. Haha.

Nakita ko rin si Renz na nakatingin sa akin. He gave me a thumbs up. Nginitian ko siya at nagthumbs up rin ako sa kanya. Good luck symbolism.

Maya-maya ay nag-umpisa na rin ang laro.

"Go kyaaaaah!!! Wooo!"

"Go go go Vincent!! We love you!!"

His Deepest Secret ☑️Where stories live. Discover now