[5] Beat

6.1K 277 12
                                    

V I N C E N T


"Nandito na tayo!" Sigaw ni Ken sa kawalan nang makarating na kami dito sa dagat na sinasabi nya. Actually, alam ko itong lugar na ito. At oo, nakakamangha talaga ang tanawin dito.

Mayroon ditong isang maliit na kubo at doon namin inilagay ang gamit namin.

"Ano na, Paul! Tinatayo mo diyan? Tara dito!" Sigaw ni Ken.

Nilapitan ko sya at naupo kami sa upuan sa ilalim ng coconut tree. Buti na lang at hindi kami naiinitan dahil nga may puno.

"Ang ganda dito.." I said out of nowhere.

"True. Alam mo, madalas ko 'tong puntahan mag-isa. Hindi kasama si Renz." Sabi nya then I looked at him.

"So, minsan gusto mong napag-iisa?" I asked him.

He nodded, "Yes. Lalo na kapag nagkakaproblema sa bahay. Dati talaga, ang dalas kong pumunta dito. Naging dramahan ko na 'tong lugar na 'to."

"Dati? What do you mean?"

"Gusto mo bang i-kwento ko sa'yo?" Tanong nya.

Ngumiti ako. "Oo. Para may topic rin tayo." Sabi ko.

He heaved a deep sigh. "Wala. Cliché. Parang teleserye ang peg ng pamilya namin haha. Palaging nag-aaway ang mga magulang ko dahil sa pera. Sa trabaho. Kahit sa maliliit na bagay. At alam mo kung sinong madalas magsimula ng gulo? Si nanay. Napakaselosa non. Ang nangyari, lumayas si papa. Ni hindi ko na alam kung nasaan na sya ngayon. Baka nga nangibang babae na 'yun eh." Sabi nya then he chuckled.

May gana pa syang mapatawa, halata namang ang lungkot lungkot nya. Haaay nako. Bakit ba ang daming taong ang hilig magtago ng tunay nilang nararamdaman?

Hindi kasi ako ganon. Kung malungkot ako, malungkot ako. Pag galit ako, galit ako. Hindi ako umaarteng masaya. Kaya nga ako nagkakaganito eh. Kaya nga dumating sa point na mag-disguise ako bilang ibang personalidad para walang umistorbo sa pag-eemo ko.

Well, let's just consider Ken as an exception.

"Madalas ka bang umiyak kapag pumupunta ka dito?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang sya.

Now, I got it. Dito sa lugar na 'to, ipinapakita nya ang kanyang vulnerability. Ayaw nyang ipakita sa ibang tao dahil ayaw nyang nakikita siyang nanghihina, nalulungkot at fragile.

"Eh? P-pano ka? I mean, sinong kasama mo ngayon sa bahay nyo?" I asked him.

"Sino pa ba, edi si nanay. Pati yung bunso kong kapatid na si Yael. Syempre miss na miss ko na rin si papa. Papa's boy kaya ako."

"Sus, papa's boy? E nilayasan nga kayo." Sabi ko.

Tumingin siya sa akin. May tumulong luha mula sa mga mata nya pero pinunasan nya kaagad ito.

"Kung alam mo lang, Paul. Sobrang bait ni papa. Sobrang understanding. Hindi na lang talaga nya siguro nakayanan si mama. Kaya nung umalis sya, galit na galit ako kay nanay. Mas madalas pa nga akong pumunta dito kesa sa bahay. Alangan namang istorbohin ko 'yung kaibigan kong si Renz eh may sarili rin naman syang buhay. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon kailangan magkasama kami lagi, 'diba?" Sabi nya.

Tumango ako. Tama sya. Kailangan nya ring mapag-isa. Which is, palagi kong ginagawa. I can feel related to him somehow.

He let out a fake laugh, "Kaya gustong-gusto ko ang lugar na 'to. Nawawala ang lahat ng gulo sa isipan ko. Nakakapayapa ng damdamin. Kaya nga minsan, naiinis ako kapag may naaabutan akong mga batang naglalangoy dito. I-I mean, ok lang naman sa akin na maglangoy sila kaya lang, you know, nasobrahan sa ugali. Kaya mas magada kapag ako lang mag-isa dito. Solo ko 'tong beach." Sabi nya.

His Deepest Secret ☑️Where stories live. Discover now