[23] Dahil

3.3K 172 7
                                    


K E N

Christmas vacation. Ilang araw na lang, magpapasko na. At hanggang ngayon, wala pa rin akong natatanggap na balita mula kay Vincent pagkatapos kong ibigay sa kanya ang huli kong mensahe.

Yes. I wrote a letter for him. Nandoon ang lahat ng nararamdaman ko. Isinulat ko doon kung papaano ako nahulog sa kanya, kung paano ko siya tanggapin bilang si Vincent and not Paul. Isinulat ko ang lahat doon kung paano ko siya minahal.

At siguro nga, ang tanga tanga ko na sa kabila ng nangyari, nagawa ko pang sabihin iyon sa kanya.

Isinulat ko rin doon na marami pang plano ang tadhana para sa amin. Kaya sa ngayon, kailangan munang maginhawahan ng aming mga utak dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang magkasama kami.

Dahil alam ko sa sarili ko na matatapos din ang lahat. At kung sakaling magiging kami, maaaring iyon talaga ang iginuhit ng tadhana.

Para mangyari iyon, kailangan namin itong harapin.

Pagkatapos kong ibigay sa kanya 'yung sulat, hindi na siya nagparamdam. Tumigil na rin sya sa pago-audit ng class at bumalik na siya sa dati niyang klase. Hindi na niya ako pinapansin. Ni hindi ko alam kung nabasa na ba niya 'yung sulat o hindi.

Wala naman akong ibang magawa kundi tanggapin ang nangyayari dahil una sa lahat, ginusto ko ito. Marahil ay sinusunod lamang ni Vincent ang kung anong gusto kong mangyari. Nakakalungkot isipin pero tingin ko, mas maganda na ito. Para mas makapagfocus kami sa sarili naming buhay.

Pumunit ako ng isang blangkong pahina mula sa notebook ko. Kumuha rin ako ng isang ballpen and I wrote something.

"Love is magic. When you love, you would thought it was only happiness that you could feel. But there is pain waiting for you."

~*~

Araw ng pasko. Kung 'yong ibang tao ay excited na dumating ang araw ng kapaskuhan, sa kaso ko ngayon parang ang tabang ng pakiramdam ko. Sabagay, wala namang dapat ika-excite sa pasko namin nina nanay at ng kapatid ko.

Usually, dito lang kami sa loob ng bahay, nagm-movie marathon, minsan kumakain sa labas. Hindi kami naghahanda. Nagsisimba lang kami. Dahil naniniwala kami na ang magpasalamat sa lahat ng kabutihang ginawa ni Hesus ang tunay na kahalagahan ng pasko.

Hindi na kami pumupunta sa kamag-anak namin sa probinsya dahil puro panliliit ang natatanggap namin. Kahit hindi nila direktang sinasabi sa amin, ramdam ko pa rin ang panliliit nila maging ang pagpaparinig nila sa nanay ko. Alam na alam ng nanay ko ang lahat ng nangyayari at sinasabi niya sa akin na huwag na lang daw akong makialam. Kaya hindi na kami pumupunta sa kanila.

Ginagawa ko ang lahat ngayon para makaalis sa kahirapan. May parte sa akin na sinisisi si nanay dahil sa ginawa niya kay tatay. Dahil tingin ko, kung hindi umalis si tatay, hindi kami maghihirap ng ganito. Pero dahil tapos na iyon, tinanggap ko na lang ang nangyari at nagtyaga na lang ako. Alam ko naman na matutupad ko rin ang mga pangarap ko.

Bumangon na ako mula sa aking pagkakahiga. Sumilip muna ako sa bintana at napangiti ako nang makita kong maaraw ang pasko. Dumiretso ako sa drawer ko at kinuha ko doon ang inipon kong pera pambili ng cake. Para naman magkahanda kami.

Naaawa na rin kasi ako kay nanay. Palagi na lang siya ang gumagastos para sa aming dalawa ng kapatid ko. Kaya nag-ipon ako para naman kahit sa maliit na handa na ito, maramdaman namin ang presensya ng pasko.

His Deepest Secret ☑️Where stories live. Discover now